Chapter 20

59 4 4
                                        

Sapphira's POV

"Saan galing ang kape na 'yan?" kunot noong tanong ni Theoden.

Maaga nga talagang umalis si Claude at sakto namang dumating si Theoden.

"Kay Claude." sagot ko at tumingin sa kaniya.

"Claude again?!" inis na tanong ni Theoden at natawa ako.

"Ano bang gagawin ko para hindi ka na magselos ha?" natatawang tanong ko at pinsil ang pisngi niya. Nakita ko namang sumimangot siya.

"Doon ka nalang kaya sa lalaki mo?" seryosong aniya at umupo sa sofa.

Napakamemorable naman ng sofa na 'to.

"Hindi ko siya lalaki. Kaibigan ko siya." pamimilit ko.

"Kaibigan kaibigan. Maiinlove din sayo 'yun." masungit na aniya.

"Ang lawak ng imagination mo 'no?" nakangiwing sabi ko at kinurot ang tagiliran niya. "Kahit pa mainlove si Claude sa akin, sa' yo lang ako maiinlove. At saka hindi ka naman papayag na ipaagaw ako 'di ba?"

"Talagang hindi 'no! Mahal kita kaya hindi kita ipapaagaw." nakangiting aniya at pinisil ang dalawa kong pisngi.

"Aray naman." nakasimangot kong saad at inalis ang kamay niya.

"Where's your dad?" biglaang tanong niya.

"Sa office niya. Bakit?"

"Hihingin kita sa kaniya." aniya at tumayo.

"Hoy seryoso ka?!" gulat kong tanong.

"Masama ba?" kunot-noong tanong niya at hinalikan ako sa noo. "Tumigil na ako sa pagba-violin."

"What?! Bakit?!"

"Company." nakangising aniya at hinalikan ako sa pisngi. "I'll be back. At pagbalik ko, sa akin ka na uuwi." ngingisi ngising aniya at hinalikan ako sa labi.

Ni hindi ko man siya napigilang lumabas sa pinto dahil sa gulat na nararamdaman ko.

Ano ang nasa isip ng lalaki'ng iyon?!

Theoden's POV

Napangiti ako habang naglalakad papunta sa office ng Daddy ni Sapphira. It's do or die.

Naisipan ko nang gawin 'to dahil sa pag-uusap namin ni Papa kanina. Pinayagan na niya akong magtrabaho sa kumpanya.

"Can I talk to Mr. Alvestre?" tanong ko sa nagbabantay sa labas ng office ni Mr. Alvestre.

Tinignan pa muna ako nito at pumasok sa opisina. Ilang minuto pa ay lumabas na siya at tumango.

Pagpasok ko ay sinalubong ako ng tingin ni Mr. Alvestre.

"Who are you? What do you want?" takang tanong niya.

"Nandito ako para hingiin ang basbas niyo na ipaubaya sa akin si Sapphira." diretsyang sabi ko at kita ko namang sumeryoso siya.

"What?"

"I'm here because I want your daughter, Sir."

Tumayo siya at naglakad papalapit.

"Ginayuma ka na niya?" nakangising tanong niya.

Kaagad kong naisara ang kamao ko at pinigilan ang sarili. Tatay siya ng taong mahal ko kaya dapat kong pigilan ang paglipad ng kamao ko.

"I'm serious, Sir." sagot ko at narinig ko naman siyang tumawa.

"Wala akong pake. Kung gusto mong sayo na siya, sayo na siya." sagot niya at bumalik sa upuan niya.

Nag-igting ang panga ko at umiwas ng tingin dahil baka may magawa akong hindi maganda.

"I bet alam mo na ang nakaraan ng anak ko. Gusto mo pa rin ba siya?" nakangising tanong niya.

"Wala akong pake sa nakaraan niya. Mahal ko ang anak niyo."

"Mahal mahal mahal. Lalasunin lang kayo ng pagmamahal na pinaglalaban niyo." nakangisi pa ring aniya. "Take her if you want. She's not my daughter." sagot nya at hindi na ako nakapagpigil at sinuntok siya sa mukha.

"This will be the last time na sasabihin niyo ang lahat ng yan kay Sapphira dahil hinding-hindi niyo na siya makikita dito." nanggigigil kong sabi at lumabas ng opisina.

Napatigil nalang ako sa paglalakad nang makita si Sapphira na nakatayo sa harap ng pintuan at sunod-sunod ang pagtulo ng luha.

Kaagad ko siyang niyakap.

" I'll respect your decision kung gusto mong manatilo d--" hindi ko na naituloy ang sasabihin nang bigla siyang kumalas sa yakap at naglakad papunta sa opisina niya.

Kaagad akong sumunod at nakita kong kinukuha na niya ang lahat ng gamit nya.

"You're right. This will be the last time na makikita nila ako dito." seryosong aniya at nang matapos sa paglalagay ng gamit sa box ay humarap siya sa akin. "Sasama ako sa 'yo." sagot niya at naunang lumabas sa opisina.

Napahinga muna ako nang malalim bago sumunod sa kaniya.

Habang nagmamaneho ako papunta sa bahay nila, tingin lang ako ng tingin sa kaniya. Nakatingin siya sa bintana at minsan ay pupunasan ang luha niya.

Kahit ang mga gamit niya sa bahay ay kukunin na niya.

Pagdating namin doon ay may naabutan kaming isang babae.

"Ang aga mo namang umuwi Sapphira?" tanong nung babae ngunit nilagpasan lang siya ni Sapphira.

Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa.

"Bagong lalaki mo? Hindi ka pa rin ba nagbabago Sapphira?" tanong nung babae at nakita ko namang tumigil si Sapphira sa pag-akyat sa hagdan.

"Katalene tumigil ka na." aniya at sinenyasan ako na sumunod.

Kaagad akong naglakad paakyat at sabay kaming pumunta sa kwarto niya.

Habang nag-aayos siya ng gamit ay nakatingin lang ako sa kaniya.

Naglakad ako papalapit at niyakap siya mula sa likod.

" I love you. "bulong ko sa tainga niya at humarap naman siya sa akin.

" I love you too. And thank you."usal niya.

Pagkatapos niyang mag-impake ay ako na ang nagbitbit ng maleta niyan

Pagbaba namin ay bumungad na naman ang babae kanina. Ito siguro ang sinasabi nina Amberleigh na stepmom niya.

" Where are you going? Lalayas ka? "tanong niya kay Sapphira.

" Ano bang pake mo?! "hindi na napigilan pa ni Sapphira ang pagsigaw." Oo lalayas na ako! Masaya ka na?! "pasigaw niyang tanong at akmang maglalakad nang bigla ulit magsalita ang babae.

" Well then, have a safe layas. "nakangising aniya.

Nagulat naman ako nang biglang damputin ni Sapphira ang vase na mag tubig at itinapon ito sa babae.

" Ayan basa ka na. Subukan mo nang maglinis. Basahan ka di 'ba?! "sigaw ni Sapphira at hinila na ako.













Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon