Chapter 30

58 4 1
                                        

Sapphira's POV

Paggising ko ay biglang sumakit ang ulo ko.

What the fuck. Sabi ko na nga ba dapat ay hindi ako uminom ng marami.

"Good morning." bati ni Theoden na kakapasok lang sa kwarto at may hawak na tray.

Inilapag niya ito sa lamesa at kinuha ang plato.

"Kumain ka muna bago uminom ng gamot." alok niya at sinubuan ako.

"Aray!" sigaw ko at napahawak sa noo nang bigla niya akong pitikin habang pinapakain.

"Sinabi kong huwag kang maglalasing." tila nagbabanta ang tinig niya. "Ang tigas talaga ng ulo mo."

"Hindi ko na napigilan eh. Celebration din kasi." nakangusong sabi ko at hinila naman niya ang nguso ko.

Umiling nalang siya at pinakain ako.

Pagkatapos kong kumain ay uminom ako ng gamot.

"Hindi ka hinahanap sa company?" tanong ko.

"Nagpaalam ako kay Papa. Babantayan muna kita." aniya.

"Eh? Nakakahiya sa Papa mo. Kakasimula pa lang nating magtrabaho." asik ko.

"Pumayag na din naman siya. Kaya magpahinga ka muna diyaan." aniya at binitbit ang tray at lumabas sa kwarto.

Pagbalik niya ay humiga siya sa tabi ko at yumakap sa akin.

Ilang saglit pa ay hindi na siya gumalaw. Mukhang nakatulog.

Tumagilid ako at inilagay ang kamay ko sa mukha niya. Mukhang napuyat siya dahil sa akin.

Sumiksik pa siya lalo sa akin at hinigpitan ang yakap.

"Hon." inaantok na pagtawag niya.

"Hmm?" bulong ko at hinaplos ang buhok niya.

"Alam mo bang napuyat ako?" inaantok pa ring sambit niya.

"Oo na. Kaya matulog ka muna." usal ko at ikinawit ang braso ko sa batok niya.

"Kantahan mo ako." utos niya.

"Hindi naman ako marunong kumanta eh. Kaya ko lang tumugtog ng violin." paliwanag ko.

"Please?"

"Alright." pagpayag ko at tumikhim. "I was a girl in the village doin' alright. Then I became a princess overnight." pagkakanta ko at narinig ko siyang tumawa.

"Anong klaseng kanta 'yan?" natatawang tanong niya.

"It's Sofia The First's song. Hindi mo ba napapanood 'yun nung bata ka?"

"Sofia The First?"

"Yeah. Spongebob, Harvey Beaks, and The Loud House. Mga cartoons." sagot ko.

"Huwag ka na ngang kumanta. Hindi ko naman alam ang mga pinagsasasabi mo. I' m more on Naruto, One Piece and Slam dunk." sagot niya at yumakap sa akin. "Matulog na tayo." aniya at hindi ko na rin napigilan ang antok.

Nagising ako na katabi na si Theoden. Pareho kaming nakatulog dahil sa pagod.

Akmang aalis ako sa kama nang hapitin niya ang bewang ko at yakapin kaya napahiga ulit ako sa kama.

"Bitawan mo nga ako. Maliligo na ako!" reklamo ko at inaalis ang kamay niya ngunit ang higpit nito. "Theoden." tila nagbabanta kong sabi ngunit hindi siya nagpatinag at sumiksik sa akin.

"Tulog pa tayo." inaantok aniya kaya pinalo ko siya.

"Gumising ka na! Anong oras na oh!" sigaw ko ngunit hindi pa rin siya kumakalas.

Wala na akong nagawa kundi humiga nalang ulit.

"I love you." bulong niya at hinalikan ang tainga ko.

Ayan na naman siya.

"Theoden tumigil ka na nga! Masyado ka nang maharot!" sigaw ko sa kaniya ngunit tumawa lang siya.

"I love you." pag-uulit niya.

"Kung mahal mo ako, hahayaan mo akong maligo dahil sobrang baho ko na!" sigaw ko sa kaniya.

"Ayoko." protesta niya.

Ano bang sumapi sa lalaki na 'to!? Masyado na siyang nakakainis.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang biglang may tumawag.

Dinampot ko ang cellphone sa loob ng bag ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Claude pala.

" Hey. Ngayon lang ako nakabisita dito sa company niyo. Nasaan ka? Bakit parang walang tao sa office mo?" sunod-sunod niyang tanong.

Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang biglang agawin ni Theoden ang cellphone ko.

"Stop calling my girlfriend." sagot niya at pinatay ang tawag. Inabot niya ulit sa akin ang cellphone ko at yumakap sa akin.

Napailing nalang ako.

1 message

From:Claude
Kasama mo ang boyfriend mo? Where are you?

To:Claude
Nagresign na ako sa company. Nandito ako sa condo ni Theoden.
Message Sent

From:Claude
Condo ni Theoden?

Hindi na ako nakapagreply nang agawin ulit ni Theoden ang cellphone ko.

"Matagal na ba kayong text mate?" sarkastikong tanong niya.

"Ayan. Kukunin kunin mo ang cellphone ko tapos magseselos ka. Parang tanga 'to." asik ko at sinubukang kuhanin ang cellphone ko ngunit inilalayo niya.

Nagpipindot sya ng kung ano-ano at ibinalik sa akin ang cellphone.

To:Claude
Don't text me. Magagalit ang boyfriend ko.
Message Sent

Iyon ang ipinadala nya kay Claude at nang tignan ko siya ay masama na ang tingin niya sa cellphone ko at biglang tumalikod.

"Hoy." pagtawag ko ngunit hindi siya  humaharap. "Ano? Nagseselos ka na naman?" kunot-noong tanong ko ngunit hindi siya sumagot.

Niyakap ko na lamang siya.

"Ikaw lang naman ang mahal ko eh. Kaya huwag ka nang magselos diyaan."

"Kung ako lang mahal mo, bakit text mate pa kayo niyan?" naiinis na tanong niya habang nakatalikod.

"Hindi naman sa text mababase yung pagmamahal ko. Kaya huwag ka nang magselos diyaan at bumangon na." utos ko at tinapik pa ang braso niya bago tumayo.

Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon