Theoden's POV
Hanggang sa sasakyan ay tahimik lang siya. Ni hindi ko narinig na magsalita siya.
Ayoko naman siyang kausapin baka mainis lang siya sa akin.
"Saan tayo pupunta?" biglaang tanong niya.
"Sa condo ko. Doon muna tayo magstay." sagot ko at tumahimik na ulit siya.
Pagdating namin sa unit ko, dumiretsyo siya sa kwarto.
Kailangan muna niyang magpahinga dahil alam ko na narinig niya at nasaktan siya sa mga sinabi ng ama niya sa kaniya.
Pagpasok ko sa kwarto, naabutan ko siyang nakatalikod habang nakaupo.
"Hey." pagtawag ko at bigla naman niyang pinunasan ang mukha.
Lumapit ako sa kaniya at inakbayan siya.
"Huwag mo nang intindihin ang sinabi ng Dad mo kanina." tanging naiusal ko na lamang.
"Akala ko pa naman, pagdating ko sa company ay magkakaayos na kami. Ang hirap mag-akala." saad niya at pinunasan ang luha.
"Hindi kita masisisi kung ganon ang ineexpect mo. Pero dapat, sa nangyari, malaman mo na huwag na huwag kang mag-eexpect dahil hindi natin alam na 'yon pala ang makakasakit sa atin." payo ko. "Wag ka nang umiyak. Hindi ka pa kumakain. Ipagluluto kita." I stated at pumunta sa kusina.
Sapphira's POV
Hindi ko alam na nakabukod na pala si Theoden sa mga magulang niya.
"So, bakit hindi ka nalang doon sa bahay niyo tumira?" takang tanong ko habang kumakain kaming dalawa.
"Pinipilit nga ako nina Mama. Pero ayoko. Masyado na akong malaki." biro niya.
Mabuti pa sila at proud kay Theoden. At mabuti pa sila ay buo ang pamilya.
"Anon'ng gusto mong gawin pagkatapos kumain?" tanong niya sa akin.
"Nood tayo ng movie." suhestyon ko at nagkalkal ng mga cd's na nasa cabinet kung saan nakapatong ang tv.
Puro anime. Wala bang k-drama dito?
"Theoden, ano 'to?" takang tanong ko at iwinagayway ang isang cd.
Kaagad na nanlaki ang mata niya at mabilis na inagawa sa akin ang cd.
"S-saan mo nakuha 'to?!" gulat na tanong niya at itinuro ko naman ang cabinet.
Dali-dali siyang pumasok sa kwarto at paglabas ay wala na ang cd.
"What's that?"
"Wala."
"Porn 'yon 'no?!" natatawang tanong ko.
"N-no! Hindi ako nanonood ng porn." tanggi niya.
"Are you sure?" ngingisi-ngising tanong ko at lumapit sa kaniya. "Eh saan mo nakuha ang paghalik na ginawa mo sa akin sa office?" nanunudyong tanong ko.
"Hell! Sino ba ang hindi marunong humalik ngayon?"
Tinitigan ko siya at umiwas naman siya ng tingin.
"May naging babae ka dati?" seryosong tanong ko.
"What?!"
"Eh bakit marunong kang humalik?!" sigaw ko.
"Hon, kahit ang ibang kabataan ngayon ay marunong nang humalik. Gumagawa ka lang ng ikakaselos mo." aniya at kinurot ang pisngi ko ngunit sinimangutan ko lang siya at lumayo.
Nagpapalusot pa. If I know, may ibang babae na siyang hinalikan.
"Hoy! Nagseselos ka?" biglang tanong niya.
"Ako? Nagseselos? Bakit ako magseselos?"
"Weh? Nagseselos ka eh."
"Hindi."
"Aminin mo na. Hindi naman nakakamatay."
"Pero mapapatay kita pag ako nagselos." inis kong sabi.
"Sorry na kasi."
"Psh!"
"Ano nagtatampo ka na naman? Ikaw nga ang unang girlfriend ko at ang first kiss ko." saad niya na ikinagulat ko.
"Seryoso?"
"Oo nga! Bakit ba ayaw mong maniwala?!"
"Eh bakit ba marunong kang humalik?!"
"Oo na nanonood nako!" pag-amin niya at umiwas ng tingin.
"Oh diba lumabas din ang totoo." nakangising sabi ko at tumawa.
"Pinagtatawanan mo na naman ako ha?" saad niya at dinamba ako.
"Aray ang bigat mo!" sigaw ko.
"Patatawanin kita ngayon." nakangising aniya at pinigilan ang dalawang kamay ko.
Nagkakawag naman ako nang bigla niya akong kilitiin sa bewang.
"T-tama na!" natatawang sigaw ko ngunit hindi siya tumigil.
"Kanina mo pa ako pinagtatawanan eh!"
"O-oo na hindi na sige!" natatawa ko pa ring sabi at tumigil na siya.
Tumabi siya sa akin at niyakap ako.
"Each day, I wish that my dreams will come true. Then I remember that I am now with you." bulong niya at niyakap ko siya pabalik.
"Thank you."
"For what?"
"For making me happy. For accepting me. Akala ko ay iiwan mo ako dahil sa nangyari sa akin pero heto ka at tinatanggap mo ako ng buong buo." emosyonal kong sabi at naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo.
"Girlfriend man kita ngayon o hindi, itatrato pa rin kita ng maayos and I'll respect you. Dahil alam kong hindi mo naman ginusto ang nangyari at biktima ka lang."
"But still.. Thank you... Alam mo ba? Palagi kong sinasabi sa sarili ko na wala nang tatanggap sa akin. Kahit nga ang ama ko ay ayaw ako, ang iba pa kaya. But then I met you."
"Hulog na ba ako ng langit para sayo?" biro niya at natawa ako.
"Oo hinulog ka niya dito. Kasi nga daw bawal ang seloso sa langit." biro ko rin.
"Nakakatawa ang joke mo. Sobra." sarkastikong aniya at natawa ulit ako.
"Tulog na tayo?" yaya ko at tumayo.
"Dito na lang ako. Baka hindi ka kumportable na may katabing lalaki." nakangiting saad niya.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako.
"Good night." bulong niya at sinamahan ako papunta sa kwarto.
"Uhm.. Sigurado ka?" tanong ko.
Tumingin naman siya sa akin.
"Gusto mo ba akong itabi?" tanong niya sa akin at tumango ako. "S-sigurado?"
"Oo nga. Basta huwag kang makulit." Nakangiting sabi ko at nauna nang humiga sa kama.
Naramdaman kong humiga na din siya at tanging paghinga lang ng isa't isa ang naririnig.
Now, this is awkward.
"I told yo--" hindi ko na siya pinatapos at niyakap nalang.
"Matulog ka na nga." utos ko at sumiksik pa sa kaniya.
Naramdaman kong tumagilid siya at niyakap din ako.
BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Novela JuvenilMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED