Chapter 37

44 4 4
                                    

Theoden's POV

"Theoden stop!" malakas na sigaw ni Eloise nang habulin ko ang taxi na sinakyan ni Sapphira.

Damn! I can't lose her!

"This is all your fault! Kung hindi ka malandi at hindi desperada, edi sana hindi mo tinanggap ang inaalok ni Papa!" sigaw ko sa kaniya at natigilan naman siya. "You ruined everything! Sa tingin mo ay magpapakasal ako sa 'yo!? Kung sa tingin mo ay ganon nga, pwes nagkakamali ka!" sigaw ko at naglakad papalayo sa kaniya.

"Hindi ko kasalanan kung hindi mo kaagad sinabi kay Sapphira!" sigaw niya at dahan-dahan naman akong natigilan.

"Hindi ko sinabi sa kaniya dahil naghahanap ako ng panahon para patigilin ka! Pwede bang tigilan mo na yang kalandian mo at huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin?!" nanggagalaiting sigaw ko at tumakbo sa bahay.

Kaagad kong ini-dial ang phone number ni Sapphira pero hindi niya sinasagot. Kaya naman si Haisley nalang ang tinawagan ko.

" Hello Haisley? "

" Oh hello. Bakit? "

" Kasama mo ba si Sapphira? "

" No. Siya nga pala, happy birthday. Eh 'di ba nandiyan siya sa inyo?"

"Umalis siya."

"Ha? Ganon ba? Oh sige patatawagan ko nalang kay Amberleigh."

"Okay. Thank you."

Ilang minuto akong nagpalakad lakad sa kwarto nang biglang may kumatok.

"Sir? Pinapatawag po kayo ni Mam at Sir sa ibaba." saad ng katulong namin at tumango ako.

Pagbaba doon ay naabutan ko si Mommy at Papa kasama si Eloise at ang magulang niya.

"As I was saying, itutuloy ang kasal." rinig kong paliwanag ni Papa kaya hindi ko na naiwasang sumingit.

"Papa, ilang beses ko bang sasabihin na ayokong magpakasal sa kaniya?! I have a girlfriend!"

"Anak, she's just your girlfriend. Mapapangasawa mo si Eloise. Mas lamang ang katayuan ni Eloise kumpara kay Sapphira." paliwanag ni Papa at doon na ako nagalit ng husto.

"Papa I don't care kung girlfriend ko lang si Sapphira! Siya ang mahal ko hindi ang babae'ng yan! Why don't you try to understand me?!"

"Anak, I understand you."

"Naiintindihan niyo ako?! Pero ipinipilit nyo si Eloise! Kilala niyo na si Sapphira! Akala ko ba ay parte na siya ng pamilya?!"

"Anak, every person's decision can change. At sa nakikita ko, mas kailangan mo nang pagtuonan ng pansin si Eloise dahil magiging asawa mo na siya."

"I don't want! Hinding-hindi ako magpapakasal! Kaya tigilan niyo na ang kabaliwan na 'to dahil hindi na ako natutuwa!" nanggagalaiting sigaw ko at padabog na umakyat sa kwarto.

Ilang saglit pa ay nakita kong umilaw ang cellphone ko. Isang message galing kay Haisley.

From:Haisley
Nandito kami sa *** bar. VIP room 1. Iiwan na namin siya dito. Ikaw nalang ang bahala. Mag-usap kayong dalawa. Ayusin mo 'yan Theoden.

Dali-dali akong nagmaneho at pumunta sa bar na sinabi ni Haisley.

Pagdating ko doon ay naabutan kong mag-isa nalang si Sapphira habang nakaupo sa isang sulok.

"Hon..."pabulong kong tawag at nakita ko namang humarap siya sa akin. Namumugto ang mga mata at kalat na ang make up. Nakita ko ang isang bote ng alak. Buti nalang at hindi siya uminom ng marami. Paniguradong sinabihan siya nina Haisley.

" Umalis ka na! Ayaw na kitang makita! "sigaw niya at pilit akong itinutulak palabas ngunit nagmatigas ako.

Doon na nawasak ang puso ko nang dahan-dahan niya akong pinagsusuntok at nagsimulang umiyak.

" You're so unfair.. You're so fucking unfair.. "umiiyak niyang usal." Sabi mo ako lang. Bakit meron nang siya? "

" I'm sorry.. Hindi naman ako pumapayag sa kasal na 'yun.. "pabulong kong saad at pinunasan ang mga luha niya ngunit tinabig niya ang kamay ko at patakbong pumunta sa dance floor.

Doon ko nakitang nagsasayaw siya habang ang ibang mga lalaki ay nakatingin sa legs niya at lumalapit na para samahan siyang sumayaw. Kaya wala na akong inaksayang oras at kinuha ang bag nya sa VIP room at patakbong bumaba sa dance floor. Hinila ko siya palabas ng bar hanggang sa parking lot.

"Ano bang pumapasok sa isip mo at nakikipagsayaw ka sa iba?!" sigaw ko ngunit tumingin lang siya sa akin.

"Wala kang pake.. Wala nang tayo Theoden. Hindi mo na kontrolado ang buong ako!" madiin niyang saad habang nakaturo sa sarili. "Go! Go away! Magpakasaya ka sa mapapangasawa mo!" sigaw niya at tinulak-tulak ako.

"Sapphira stop! Umuwi na tayo!" seryosong saad ko at hinila siya papasok sa kotse ngunit naglilikot likot siya at pilit na inaalis ang kamay ko sa braso niya.

"Don't touch me! Magsama kayo ni Eloise! Magsama kayo ng malanding 'yon! Tutal ikakasal na rin naman kayo! Bakit hindi mo na siya anakan?!" sigaw niya ngunit nanatili akong tahimik at kalmado. Ayokong magsalita ng hindi maganda. Ayos na sa akin na ako nalang ang makatanggap sa lahat ng salitang masasakit na ibinabato niya.

" Let's go home.. "mahina kong yaya ngunit nagpupumiglas siya at umupo sa sahig.

Lumuhod ako at hindi na napigilan ang pagtulo ng luha. Kaya bago pa niya mapansin ay pinunasan ko na ito.

" I'm sorry.. Pero maniwala ka.. Ikaw lang ang mahal ko.. Kahit ipagtabuyan mo ako ng ipagtabuyan, hinding-hindi ako aalis sa tabi mo.." naiiyak kong saad ngunit pinigilan ko.

Naramdaman kong nakatulog na siya dahil bigla siyang tumahimik kaya binuhat ko siya at iniupo sa kotse.

Pagdating sa condo ay diretsyo ko siyang inihiga sa kama. Kumuha ako ng palanggana na may tubig at pinunasan siya.

Napayuko nalang ako at hinawakan ang kamay niya. We don't deserve this kind of shit. Ang akala ko ay tanggap na ni Papa ang relasyon namin. Hindi ko alam na mabilis siyang malalason ni Eloise.

Hindi ako papayag na ang malandi'ng iyon ang sisira sa amin. Kahit pa babae siya, handa kong gawin ang lahat para hindi mawala sa akin si Sapphira.

Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon