Chapter 16

67 6 2
                                        

Theoden's POV

"Pasalamat ka at tinanggap ka pa ng kaibigan namin. Masyadong masakit yun panigurado para sa kaniya kasi ikaw nalang yung lalaking tumanggap sa kaniya tapos niloko mo pa." usal ni Amberleigh..

I sighed. Hindi ko naman intensyon na lokohin siya.

"Hindi ko naman plinano 'yon. Marami na akong naririnig na kung ano-ano tungkol sa kaniya pero nagbingi-bingihan nalang ako."

"Pero, thank you. Kasi kahit ganon ang kalagayan ni Sapphira, tinanggap mo siya at hindi mo hinusgahan."nakangiting sabi sa akin ni Haisley.

Napagpasyahan nila akong kausapin dito sa Cafeteria ngayon. Kaaalis lang din ni Sapphira.

" Wag na wag mong sasaktan si Sapphira. Kasi nasaktan na siya sa Daddy niya. "seryosong sabi ni Amberleigh.

" Ganon na ba talaga sila magkagalit sa isa't isa? "puno ng kuryosidad na tanong ko.

" Oo. Simula nung malaman nila na na-rape si Sapphira, palagi nang mainit ang dugo ni Tito sa kaniya. Tapos may soon-to be stepmom pa siya. " Haisley said at sinundan ng malalim na paghinga.

Sa mga nalaman ko, mas gusto kong pahalagahan at mahalin si Sapphira. Wala akong naiisip na dahilan para magloko sa kaniya dahil ayokong umiyak siya sa pangalawang lalaki na minamahal niya. At ako 'yon.

Pagkatapos ng klase, dumaan muna ako sa isang coffee shop at nagmaneho papunta sa kumpanya nina Sapphira.

Pagpasok ko ay sumiklab ang inis nang makitang may ibang lalaki sa opisina ni Sapphira.

"T-theoden." gulat na usal ni Sapphira sa pangalan ko ngunit nakatuon ang pansin ko sa lalaki'ng ito.

"Theoden? Siya yung boyfriend mo?" tanong nung lalaki kay Sapphira kaya naman naglakad ako papalapit at ibinaba ang binili ko sa lamesa niya.

"Yes. I'm her boyfriend. Who are you?" kalmado kong tanong.

"Nice to meet you pare. I'm Claude." Nakangiting pakilala niya at inilahad ang kamay ngunit tinitigan ko lang ito.

Lumipat ang tingin ko kay Sapphira at tumaas naman ang kilay niya.

"Sino siya?" tanong ko kay Sapphira.

"He's Claude Heckson. Anak sya ng business partner ni Dad. Ano'ng ginagawa mo dito? Tapos na ba yung class mo?" tanong niya at hinalikan ako sa pisngi.

"Tapos na." I said then stared at the guy who named Claude. "Aren't you going to leave?" inis kong tanong at tumingin naman siya kay Sapphira.

"I think, you need a good time. See you later." paalam niya at lumabas na sa opisina.

Seryoso naman akong tumingin kay Sapphira.

"What?" nakangusong aniya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may kaibigan kang lalaki dito?"

"Nakalimutan kong sabihin." nakanguso pa ring aniya at lumapit sa akin. " You're jealous, aren't you?" ngingisi-ngising tanong niya.

"I'm not jealous." seryoso kong sabi at nag-crossed arm.

She touched my hand and smiled at me.

"You're cute when you're jealous." She giggled then pinched my cheek. "Wag ka nang magselos. He's just a friend, okay?" she stated.

Sapphira's POV

Ang hirap manuyo ng lalaki. Parang makikipagsagupaan ka muna sa libo-libong aso na nakakalat sa kalsada bago mo mapaamo.

Ilang beses ko nang sinubukan na magpacute pero walang epekto. Ano ba kasi ang nangyayari dito? Hindi naman daw nagseselos pero kulang nalang pumatay na siya sa itsura niya.

"Hey." nakangusong pagtawag ko at walang emosyon siyang tumingin sa akin. I need to do this.

Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan.

I thought he'll not response pero ilang saglit pa ay nararamdaman kong nakukuha ko na siya sa paghalik ko.

Kaya bago pa man may mangyari, lumayo na ako sa kaniya.

"Ayan! Pag halik, okay agad ." nakangiwing sabi ko at lumayo ng kaunti.

Akmang tatayo na ako nang bigla niya akong hilain kaya napaupo ako sa hita niya.

"Masamang mabitin ang tulad ko." bulong niya at nanlaki ang mata ko. " I bet you didn't feel me lick your ear."

Lumayo naman ako at hinampas siya.

"Nakakailan ka na ah!" sigaw ko at tumawa naman siya. Dahan-dahan niya akong hinila at niyakap.

"Sabi ko kapag may makikilala kang lalaki , sasabihin mo sa akin agad." usal niya. "At dahil may kasalanan ka, may punishment."

Kaagad naman akong napalayo at tumingin sa kaniya. "Anong punishment?!"

Ngumuso siya at pumikit. Kaya kaagad kong itinapal ang kamay ko sa nguso niya.

"Ayan ka na naman."

Nagmulat naman siya at sumimangot.

"Isang kiss na nga lang eh."

Sige na nga. Para matigil na ang isang to.

Hinawakan ko ang pisngi niya at binigyan siya ng halik. Ngunit lalayo na sana ako nang bigla niyang pigilan ang batok ko kaya mas lumalim ang halik namin.

Nararamdaman ko ang kamay niya sa likod ko at hindi ko alam kung paano pipigilan ang nararamdaman ko.

Nauna siyang lumayo sa halikan at nakangiting tumingin sa akin.

"Satisfied ka na?" inis kong tanong at pinugpog naman niya ako ng halik sa mukha.

"You're beautiful." usal nya.

"I know."

"You're cute."

"So much."

"You're mine."

"Of course." nakangiting sagot ko at hinalikan ang tungki ng ilong niya. "Sayo lang ako. Palagi."

Niyakap niya ako ng sobrang higpit at hinalik-halikan sa leeg.

Masyado nang nakakarami ang lalaki na ito. Baka mabaliw na sa akin.

"Hindi ka pa uuwi? Maggagabi na." I stated nang mapansin na madilim na sa labas.

"Ikaw? Hindi ka pa uuwi?"

"Hindi pa. Sabay kami ni Dad eh."

"So hanggang mamaya ka pa dito? Tapos kasama mo na naman yung Cod na 'yon?" nakasimangot niyang tanong.

"Theoden, it's Claude. Not Cod."

"I don't care if it is Cod or Claude. Basta huwag na huwag siyang hahawak hawak sa' yo."

"Opo. Masusunod."

"And don't call me Theoden. Boyfriend mo ako. Call me hmmm.." tila nag-iisip niyang sabi.

"Hon." sagot ko at tumingin siya sa akin.

"Seriously?"

"Ayaw mo?"

"Sinong nagsabi?"

Sabay nalang kaming natawa.







Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon