Chapter 39

59 4 5
                                        

Theoden's POV

Natigil ako sa pag-iyak nang makitang dahan-dahang bumagsak si Sapphira kaya patakbo akong lumapit at hinagkan siya.

"Sapphira can you hear me?!" nagpapanic kong tanong ngunit hindi man lang nagresponse maski ano man sa katawan niya kaya binuhat ko siya papunta sa kotse at nagmaneho papunta sa ospital.

Habang chinecheck ang kalagayan ni Sapphira ay nandito lang ako sa labas at nagpapalakad-lakad.

Mabilis akong pumunta sa doktora nang lumabas siya ng nakangiti.

"Ikaw ba ang kasama ng pasyente?" nakangiting tanong niya.

"Yes Doktora. Kumusta na siya? A-anong nangyari?"

"Relax. Walang masamang nangyari sa kaniya. She's carrying a baby inside her womb." nakangiting paliwanag niya at tinapik ako sa balikat. "Congratulations." bati niya at umalis.

Hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman.

B-buntis si Sapphira?

Dali-dali akong pumasok sa kwarto at nakita kong natutulog siya. Kaya nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya.

Tatay na ako...

Napatingin ako sa tiyan ni Sapphira at hindi na napigilan ang ngiti na kumurba sa labi ko.

Nang magising siya ay iginala niya ang paningin.

"Nasaan ako?" nanghihinang tanong nya at tumingin sa akin.

"Sa ospital.." sagot ko at hinaplos ang buhok niya. "I have a good news." saad ko at hindi na napigilan na ngumiti.

"What is it?" kunot-noong tanong niya.

"You're pregnant." sagot ko at kita ko namang nanlaki ang mga mata niya.

"W-what?" hindi makapaniwalang tanong niya at napatingin sa tyan.

"You're pregnant." pag-uulit ko at gulat siyang tumingin sa akin.

"How?" nagugulat niyang tanong kaya pinitik ko ang noo niya.

"You want me to explain it?" natatawang saad ko at inayos ang kumot niya. "At least ngayon, nagkaroon ako ng dahilan para hindi ka iwan. Aalagaan kita. At pipigilan natin ang kasal." paliwanag ko at hinalikan ang kamay niya.

Tumingin ako sa kaniya at nakita ko ang namumuong luha sa mata niya. Ilang saglit pa ay bigla nalang itong tumulo kaya kaagad ko itong pinunasan gamit ang hinlalaki ko.

" Huwag kang umiyak. Papangit ka niyan." biro ko at nakita ko namang ngumuso siya. "Just kidding. Tigilan mo ang kakanguso mo, baka maging bibe ang anak natin." biro ko ulit at hinampas naman niya ang braso ko.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"Kaya huwag ka nang umalis. Handa akong pakasalan ka. Kahit pa ayaw ng lahat. Ako naman ang magpapakasal sayo eh. Hindi sila." paliwanag ko.

"I'm sorry. Hindi kita binigyan ng panahon na kausapin ako ng maayos." naiiyak na aniya kaya tinapik-tapik ko ang balikat niya.

"Hush. It's okay. It's my fault. Kaya huwag ka nang umiyak. Baka pati si baby ay umiyak din." biro ko at narinig ko siyang humagikgik.

Bumili muna ako ng prutas at mabilis ring bumalik sa ospital.

"Oh." pag-abot ko sa apple na hinati-hati ko.

"Subuan mo ako." nakangusong aniya kaya napailing nalang ako at sinubuan siya ng apple.

Ilang saglit pa, nagulat ako nang mangudngod ako sa kama.

"Oh my goodness! Girl ba?!" sigaw ni Amberleigh.

Palagi nalang akong natutulak sa kama kapag siya ang unang dumarating.

"Sira! Bakit tinatanong mo agad kung babae? Eh kanina pa lang nalaman na buntis siya." sabat ni Haisley at lumapit kay Sapphira. "Congratulations girl!" sigaw ni Haisley at yumakap kay Sapphira.

"Thank you." Nakangiting saad ni Sapphira.

Kinuha ni Amberleigh ang platito na may laman ng apple at naghila ng sariling upuan saka kumain ng apple. Napailing nalang ako at umupo muna sa sofa para makapagkwentuhan sila.

Sapphira's POV

"Oh my goodness girl! Totoo ba 'to!?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Amberleigh at hinawakan ang tiyan ko.

"Gusto mo bang ikaw na ang mag-ultra sound para maniwala ka na?" pabiro kong tanong at sabay kaming natawa ni Haisley.

"Hmp! Pero I'm so proud of you! Magiging Mommy ka na!" masayang wika ni Amberleigh at nagpatuloy sa pagkain ng apple. Akin dapat 'yun ah?

"Proud? Ano 'to, achievement?" natatawang saad ko.

"Hinde. Pero ang galing 'no?"

"Ano'ng magaling?"

" Masyadong malakas ang sperm ni Theoden. Ang bilis makabuo." bulong ni Amberleigh kaya naman natatawa ko siyang hinampas.

"Gaga ka! Kung ano-ano na naman ang iniisip mo!" natatawang sabi ko.

"Sabi na eh. Hindi imposibleng may mabuo lalo na't nasa condo ka lang ni Theoden." nakangising saad ni Amberleigh at natawa ulit ako.

"Pero, paano ang malandi'ng si Eloise?" tanong ni Haisley.

"Hayaan mo siyang mabaliw. Wala akong pake sa nararamdaman niya. Kung gusto niyang pakasalan si Theoden, ihahampas ko sa kaniya ang violin ko." paliwanag ko at natawa din sa sinabi.

"Kung ako sa inyo, gumawa kayo ng gumawa ni Theoden. Para maraming sasampal kay Eloise." payo ni Amberleigh at sabay silang tumawa ni Haisley.

"Hindi ako aso 'no! Pero, great idea." nakangising sabi ko.

"Pero, ano nang gagawin niyo niyan?"

"Hindi ko pa alam. Pero, hindi ako papayag na magpakasal si Theoden sa kaniya. Lalo na't may nabuo na sa amin."

"Hays. Hayaan mo na siya. Mamatay 'yun sa kalandian niya mismo." wika ni Haisley.

"Wow! First time kong narinig sayo 'yan ah? Ulitin mo nga." hamon ni Amberleigh.

"Tsk! Kaibigan natin si Sapphira kaya dapat lang na pabagsakin talaga natin yang si Eloise. Masyadong umeepal, malandi naman." nakangiwing saad ni Haisley.

Hindi ko talaga ineexpect na sasabihin niya' to. Ano kayang sumapi sa kaniya?

Pagdating ng hapon, nagpaalam na 'rin silang uuwi. Ilang beses pa silang nagbilin kay Theoden kaya natawa nalang ako. Masyadong madadaldal ang mga 'to.

Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon