Sapphira's POV
"Amber, umayos ka nga!" inis na sigaw ni Haisley.
"Eh bakit ba kasi aalis ka pa?!"inis na tanong ni Amberleigh at nag-crossed arm.
" Ambs, hindi ba matagal ko nang pangarap 'to? "
" Alam ko! Pero masyado namang biglaan. Ano yun? Iiwan mo kami dito?! "inis niyang sabi at umirap.
" Hindi naman ako mangingibang bansa eh. Magtatrabaho lang ako sa company. "
" Eh ganon na din yon! Hindi ka namin makikita dito. "nakangusong aniya.
" Palagi naman akong dadalaw dito eh. Oh kaya palagi naman tayong magmo-mall. "
Hindi na siya ulit nagsalita.
" Eh nasabi mo na ba kay Theoden? "tanong sa akin ni Haisley.
"Oo. Ayaw pa nga niya akong paalisin nung una. Pero pumayag na siya."
Pagdating ng hapon, kinuha ko na ang mga gamit ko.
"Wala na bang atrasan talaga?" tanong ni Ms. Castaño at inabot sa akin ang violin ko.
"Wala na po talaga eh. Pero bibisita naman ako dito." nakangiti kong sabi at yumakap sa kaniya.
Pagtalikod ko ay bumungad sa akin si Theoden.
"Huwag kang maging friendly sa ibang lalaki. Itext mo ako kapag may nanggugulo sa 'yo." aniya at niyakap ako.
Hinatid niya ako palabas sa gate at naghihintay na pala doon ang kotse namin.
"I love you." usal niya.
' I love you too. 'I mouthed.
Pumasok na ako sa sasakyan at nagwave na sa kaniya.
Sana ay maging maayos ang pagpasok ko sa kumpanya.
Pagdating sa company, inasikaso ako kaagad ng mga tao doon.
"Follow me." utos nung babae sa akin at naunang maglakad kaya sumunod na din ako.
Pumasok kami sa isang opisina na medyo kalakihan.
"This is your office. Mamaya po ay may darating na babae dito. Siya po ang magtuturo sa inyo ng mga gagawin." nakangiting sabi nung babae sa akin.
"Ah. Okay. Uhm, si Dad?" tanong ko.
"May meeting siya ngayon. Tumawag nalang po kayo kung may kailangan kayo." aniya at lumabas na sa office.
Maganda naman pala dito. May lamesa at swivel chair na kulay itim. Air-conditioned ang buong office at may laptop na sa lamesa. Masyado yata akong mai-spoil dito.
" Good morning Mam. "biglang bati nung babae na kakapasok lang dito sa office ko.
" Ah. Good morning din. "bati ko pabalik.
" Ako po yung naka-assign na magturo sa inyo sa mga gagawin. "aniya at sinimulan nang isa-isahin ang mga gagawin ko.
Medyo marami-rami. Kaya pala kapag umuuwi si Dad ay mukha siyang nakipaghabulan sa mga aso.
""Sino 'to? "turo ko doon sa picture na nasa folder.
" Ah. Yan po si Mr. Alfred Heckson. Isa po siya sa mga kasama ng Daddy niyo sa trabaho. Sila yung may-ari nung Heckson Hardware. Ang gwapo ng anak niyan Mam. "nakangiting sabi niya.
Wala akong pake kumg gwapo siya. Paniguradong mas gwapo pa rin si Theoden.
Pag-uwi ko sa bahay, mga text at chat nila Haisley, Amberleigh at Theoden ang bumungad sa akin. Nangangamusta sila tungkol sa trabaho. Namimiss na daw agad nila ako.
Sunod ko namang binuksan ang text ni Theoden.
From:Theoden
Kamusta ang trabaho?To:Theoden
Hindi pala ganon kagaan. Pero kaya naman.
Message SentFrom:Theoden
Don't stress yourself. Matulog ka na. I love you.To:Theoden
Okay. Good night and I love you too. <3
Message SentIlang araw pa ang lumipas at lumipas na din ang dalawang buwan. Mag-dadalawang buwan na rin kami ni Theoden.
Ganon lang din ang rotation. Papasok ako sa work, bibisitahin ko ang University, bibisitahin ako nina Amberleigh at Haisley, mag-uusap ni Theoden.
"Good morning?" bati ng isang lalaki na kakapasok lang sa office.
"Good morning." bati ko din.
"Ah. I'm Claude. Claude Heckson. Ako yung anak ni Alfred Heckson." pagpapakilala niya at inilahad ang kamay.
"Nice to meet you." sabi ko at nakipag-kamay din. "I'm Sapphira Alvestre. Ano ang maitutulong ko?" tanong ko.
"Ah. Wala naman. Narinig ko kasi na dumating na ang anak ni Mr. Alvestre kaya naman nagpasya na akong pumunta dito."
"Ah." tanging naiusal ko nalang.
"Ah. Coffee tayo? Treat ko."aniya.
" Sure. "pagpayag ko at sabay kaming naglakad papalabas ng company.
" So, kamusta naman ang pagtatrabaho? "tanong niya at uminom ng kape.
" Okay naman. Hindi pala madali. Pero kaya naman. Matagal ko na kasing pangarap na makapagtrabaho sa company. "kwento ko.
" Eh bakit kekelan ka lang nagwork? "
" Personal reason. At saka, nagba-violin class ako bago magtrabaho. "
" So mahilig ka din sa Violin? "parang natutuwang aniya.
Kakasabi ko lang na nag violin class ako 'di ba? Magba-violin ba ako kung hindi ako mahilig doon?
" Yeah. Violin is life. "pagsagot ko.
" Nakakatuwa. Mahilig rin kasi ako sa Violin. So, may boyfriend ka na? "tanong niya.
" Oo. Magt-two months na kami. Ikaw ba? "
" Wala nga eh. Failed ang last relationship ko. Kaya I decided not to commit. Baka masaktan ulit ako. "aniya at tumawa ng bahagya.
Paniguradong nasasaktan siya. Sa tono ng pagtawa niya, alam mo nang nasasaktan siya.
Pagkatapos naming magkwentuhan sa Coffee Shop, sabay kaming bumalik sa company. Pumunta lang pala siya dito dahil may meeting ang Papa niya. Na ka meeting din ni Dad.
"Sana pumayag ka ulit na makipagkita? As a friend lang naman. Wala kasi akong ibang kaibigan." nahihiyang aniya.
"Sure. Tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka." sabi ko. Ibinigay ko na din kasi sa kaniya ang number ko kanina.
Pag-uwi ko sa bahay, nakatulog ako dahil sa pagod.
Nagising nalang ako sa tunog ng cellphone ko. May tumatawag na naman.
"Hello? Who's this?" inaantok kong tanong. Ni hindi na ako nag-abalang tignan pa iyon.
"It's Claude. Kakagising mo lang ba? Sorry kung naistorbo ko ang pagtulog mo."
"Nah. It's okay. Bakit tumawag ka?"
"Wala lang. Ni-try ko lang baka ibang number ang binigay mo." aniya at tumawa.
Psh! Baliw
BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Teen FictionMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED