Sapphira's POV
Pagkatapos ng weekend, balik na naman kami sa kaniya-kaniyang gawain.
Balak kong bumisita sa University ngayon pero baka hindi ako payagan ni Dad.
"Oh anong kadaldalan na naman 'to Amberleigh Veron?" pambungad kong tanong nang biglang tumawag si Amberleigh.
"Wala kang balak na bumisita dito kahit saglit?" batid kong nakataas ang kilay niya at paniguradong magtataray na naman ito.
"Kapag pinayagan ako ni Dad, pupunta ako diyan. Ano ang balita diyaan? 'Yan lang ba ang itinawag mo?"
"Hinde 'no! Si Eloise, dikit ng dikit kay Theoden dahil nga nalaman niyang hindi naman totoong bingi si Theoden."
"Akalain mo nga namang umabot na sa kaniya 'yon."
"Kilala mo naman 'yon. Bukod sa pagiging makati eh chismosa pa."
"Oh sige sige. Pupunta ako maya-maya diyaan." sabi ko at ibinaba ang tawag.
Hay nako. Akala ko pa naman ay tapos nang maghasik ng kalandian ang Eloise na 'to.
Tinawag ko naman ang sekretarya ni Dad at tinanong kung nasaan ito. Nasa office lang pala. Mabuti at wala sa meeting.
" Dad? "pagtawag ko at humarap naman siya sa gawi ko.
" What is it? "
" Uhm, pwede ba akong bumisita sa University? Kahit saglit lang? "
Saglit pa muna siyang tumingin sa akin bago tumango.
Akala ko ay hindi ako papayagan. Kung hindi ako pinayagan, tatakas talaga ako.
Nagmaneho na ako papunta sa University.
Ang sarap niyang pakainin ng sili. Pati ba naman si Theoden.
Kaagad kong sinagot ang tawag ni Claude. Ano naman kaya ang kailangan nito?
"Hey. What's up?"bungad ko.
" Where are you? "
" Papuntang University. Bakit? "
" Wala lang. May lakad ka pala ngayon. Dapat sinama mo ako para hindi ako mabagot dito. "
" Eh sino ba kasing may sabi na pumunta ka diyaan? Itetext ko nalang sayo yung University tapos sumunod ka dito. "sabi ko at pinatay na ang tawag.
Pagdating sa University, itinext ko muna kay Claude ang pangalan at naglakad na papasok.
Hindi pa man ako nakakadaan sa Violin class ay nakita ko na si Eloise na lumalandi na naman sa tabi ni Theoden.
Ang lakas ng babae'ng to! At ito namang lalaki na 'to, ni hindi man lumayo.
"Wala naman si Sapphira. I can be her if you want." malanding aniya at hinawakan pa sa balikat si Theoden.
"Stop it Eloise. Tigilan mo ang kakalandi sa akin dahil kapag hindi ako nakapagpigil ay sasaktan na kita." seryosong saad ni Theoden at natawa naman ako ng mahina.
"Hurt me if you want. Basta may bayad." nakangising aniya at akmang hahalikan si Theoden nang bigla itong tumayo.
"Leave. Leave right now." kalmadong utos ni Theoden ngunit lumapit lang si Eloise sa kaniya at hinawakan ang dalawang balikat.
"I can tell that you want me." malanding aniya.
"Yes. I want you." sagot ni Theoden na ikinagulat ko. "I want you to leave. Get the fuck out of my sight!" sigaw ni Theoden.
Napahagalpak naman ako ng tawa kaya nabaling ang tingin nila sa akin. Lumapit ako kay Theoden at humarap kay Eloise.
"Eloise Monterra, you heard it, right?" nakangising tanong ko at kita ko namang namula siya sa galit.
"Ume-epal ka na naman!" duro niya sa akin kaya naituro ko rin ang sarili.
"Ako? Baka ikaw? Boyfriend ko 'to. At ikaw? Malandi ka. Sino ang mas epal?" nakataas na kilay kong tanong.
"You' ll love me Theoden! Mark my words!" She shouted at lumapit naman ako sa kaniya at sinampal siya.
"Patikim pa lang yan. At kapag hindi mo nilayuan kung ano ang sa akin, higit pa diyan ang matatamo mo. Maliwanag?" inis kong sabi at hinila na palayo si Theoden.
Pag-alis namin doon ay binitawan ko siya at naunang maglakad.
"Hey." pagtawag niya at patakbong lumapit sa akin.
"So mas ginusto mo pa talaga na landiin ka niya?!" inis kong sigaw.
"No. It's just that--"
"Ganon na din 'yon! Napansin mo nang nilalandi ka tapos hindi ka pa umalis! Ano? Mabait ka pagdating sa kaniya ganon!?"
"No! Wag ka ngang ano Sapphira. Lumalayo ako okay? At saka, sinabi nila na maging mabait ka sa mga hayop kaya nga hindi ko na siya pinatulan!" seryosong aniya na siyang ikinatawa ko.
"Oo na Theoden. Panalo ka na pinatawa mo na ako. Basta, huwag na huwag ka nang lalapit sa malandi na 'yon maliwanag? Kung hindi ay pareho ko kayong ibubuhol at isasabit sa poste." nakaturo kong sabi sa kaniya.
"Yes. Noted." nakangiting aniya at hinalikan ako.
"Masyado ka nang naaadik sa akin." natatawang sabi ko at niyaya na siya sa Cafeteria.
Habang naglalakad kami ay may biglanh tumawag sa akin.
"Oh Claude. Nandito ka na pala." usal ko at ngumiti naman siya sa akin.
"Saan kayo pupunta?" tanong niya sa amin.
"Sa Cafeteria. Sasama ka?" tanong ko at tumango naman siya.
Sabay-sabay kaming tatlo at nararamdaman kong humihigpit ang hawak sa akin ni Theoden.
"Hey. Anong problema mo?" kunot-noong tanong ko at nakanguso naman siyang tumingin sa akin.
Hinila niya ako at inakbayan kaya napatingin si Claude sa amin.
"Easy pare. Hindi ko aagawin si Sapphira sayo. Magkaibigan kami." natatawang sabi ni Claude ngunit sinimangutan lang siya ni Theoden.
Lumayo ako ng kaunti kay Theoden dahil nasasakal ako sa pag-akbay niya at lumapit naman si Claude sa akin at bumulong.
" Masyadong possessive ang boyfriend mo. "bulong niya at kaagad naman akong hinila ni Theoden.
" Huwag nga kayong magbulungan! "inis niyang sigaw at pumagitna.
Nakita ko pang matalim ang tingin niya kay Claude kaya naman sabay nalang kaming natawa ni Claude.
" Baka ikamatay mo ang pagseselos. "biro ko at tumawa.
" Stop laughing. "seryosong aniya kaya naman nag seryoso ako.
Masyadong possessive at seloso.

BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Teen FictionMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED