Sapphira's POV
Maya-maya ay pwede na raw akong makalabas. May iinumin nalang ako na gamot at pwede na akong makalabas.
"Here." pag-abot ng gamot ng doktor sa akin.
Pagkabayad namin sa bills ay umuwi na kami. Sina Haisley at Amberleigh ay nauna na kanina pa.
"Ano'ng balak mo doon sa mga lalaki?" biglang tanong ni Theoden.
"Wala na rin naman tayong magagawa. Hindi na rin naman natin alam kung nasaan sila ngayon." napapabuntong-hininga kong saad at tumingin sa bintana ng kotse.
Pagdating sa condo, inihatid muna niya ako sa kwarto at siya naman ay magluluto muna. Maggagabi na rin kasi.
Humiga nalang muna ako sa kama at hinayaan ang sarili na makatulog.
Theoden's POV
Pagkatapos kong magluto, binitbit ko ito at pumasok sa kwarto. Naabutan kong natutulog si Sapphira kaya inilapag ko nalang muna sa lamesa ang pagkain.
Umupo ako sa gilid niya at hinaplos ang buhok niya.
Halos mabaliw ako kakaalala sa kaniya nang magwala siya sa ospital kanina. Sana ay hindi lumala ang trauma niya.
Ayokong mapahamak pa ulit siya. At gusto ko siyang protektahan na dapat ay ang ama niya ang gumagawa.
Kung hindi siya inalala ni Sapphira, hinding-hindi mangyayari sa kaniya 'to. Pero hindi ito ang oras para sisihin ko siya dahil tatay pa rin siya ng taong mahal ko.
Nakita kong nagmulat ang mata nya at humarap sa akin.
"Kumain ka muna." alok ko at kinuha ang soup na ginawa ko.
Akmang isusubo ko na sa kaniya ang kutsara na may soup nang magsalita sya.
"Gusto kong pumasok sa company niyo." diretsyong aniya.
"Sigurado ka? Nakausap ko si Dad kanina at sinabi kong baka ayaw mo muna." sagot ko at naibaba ang kutsara.
"Nagbago na ang isip ko."
Tumango naman ako.
"Okay. Bukas ang start ko sa company. Isasama kita." saad ko at dinampot na ulit ang kutsara.
Pagkatapos niyang kumain, ako na ang nagdala ng pinaggamitan sa lababo.
Pagkatapos kong maghugas at maligo, naabutan ko siyang nakaupo sa kama habang nakatulala lang sa kahit saan.
" Hey. Wag mo munang guluhin ang isip mo." Paalala ko at inakbayan siya ngunit hindi siya nagsalita. Masyado talaga siyang na-trauma sa nangyari.
"What if makita ako ni Dad sa kumpanya nyo? Ano sa tingin mo ang sasabihin niya?" biglang tanong nya.
"Bakit mo naman naitanong yan?"
"Kung makita kaya ako ni Dad na binubuhay ko ang sarili ko, magiging proud na kaya siya?" walang reaksyong tanong niya kaya niyakap ko siya.
"Wala kang dapat patunayan. Kahit wala kang patunayan, proud ako sayo. Proud din siya sayo. Okay?" pagpapagaan ko sa pakiramdam niya.
"Tumawag ba siya sayo?"
"No."
Tumawa naman siya ng peke.
"Wala nga talaga siyang pakialam sa akin."
"Hayaan mo ang mga taong walang pakialam sayo. You're not living your life just to impress others. You're living your life because you want to learn. You want to enjoy. Kaya kung ayaw nila sa'yo, ako gusto kita." nakangiting saad ko at humiwalay sa yakap. Nakita kong ngumiti siya ng kaunti at yumuko.
" Talagang dapat lang na gusto mo ako 'no. Girlfriend mo ako eh. "parang nagmamalaki pang anya kaya natawa ako.
" Oo na oo na. Kaya matulog ka na. Matulog na tayo. "yaya ko at naunang humiga.
Saglit pa siyang tumunganga at humiga na din sa tabi ko.
" I love you. "bulong niya at niyakap ako.
" Who doesn't? "mayabang kong tanong at narinig ko naman siyang tumawa.
Pagpikit ko ay bigla namang nagsalita si Sapphira.
" Theoden? "
" It's Hon. "nakapikit kong pagtatama.
" Okay. Hon? Can I ask you a question? "
" You're asking me." nakangising sabi ko at pinalo naman niya ako." I'm just kidding! No need to beat me! "
" So you're raising your voice now?! "
" No. I accidentally raised it. "pagpapalusot ko." Ano ba kasing itatanong mo?"
" Kung magrequest ako sayo, gagawin mo? "
" As long as I can. Why? Ano bang irerequest mo? "
Sandali siyang natahimik bago magsalita.
" Did you hear the song "Family Finger?" tanong niya at itinaas ang limang daliri.
"Hmm.. Hindi pa yata."
"Okay. I'll sing it for you." natatawang aniya at isinarado ang apat na daliri at itinira ang thumb nya. "Mommy finger, mommy finger where are you? Here I am here I am how do you do?" pagkanta niya at natawa naman ako.
Pambata.
Itinaas naman niya ang index finger.
"Daddy finger, daddy finger where are you? Here I am here I am how do you do?" pagkanta niya ulit hanggang sa makarating sa hinliliit na tinatawag niyang baby finger.
"Where did you get that song?" natatawang tanong ko.
"Palaging pinaparinig sa akin ni Mommy nung bata pa ako. Sayang nga lang at wala akong mga kapatid." paliwanag niya at tumango-tango naman ako.
"So, bakit mo kinanta sa akin?" nagtatakang tanong ko at itinaas ulit niya ang limang daliri.
"They're family." saad nya at itinaas ang tingin sa akin. "Use Theoden in a sentence."saad nya.
" How? "
" Shunga! Sasabihin mo use it. "natatawang aniya." Use Theoden in a sentence. "pag-uulit niya.
" Okay. Use it. "
Itinaas naman niya ang kamay.
"Buti pa sila may mga anak na 'no?" tanong niya.
"Nasaan ang Theoden doon?"
Agad namang sumilay ang ngisi sa kaniya at tumaas taas ang kilay.
"May mga anak na sila 'no? Sana Theoden."saad niya at tumawa ng tumawa.
I didn't get it.
" Ha? Hindi ko gets. "kunot-noong sabi ko.
" My goodness! "parang hindi makapaniwalang aniya at pumantay sa akin." May anak na sila. Sana Theoden. "pag-uulit niya ngunit hindi ko pa rin maintindihan." Hays! Bahala ka na nga! "parang nababadtrip na aniya at tumalikod.
I still don't get it!
Ilang minuto ko pang inisip at ganoon nalang ang pagtawa ko nang makuha ang joke niya.
" Wag ka ngang maingay! Natutulog na ako! "sigaw niya kaya naman niyakap ko siya at inilapit ang labi ko sa tainga nya.
"Ano naman ang pino-point out mo?" natatawa kong tanong.
"Wala. Nagjojoke lang ako."
"Ha ha ha! Darating ang tamang panahon para sa atin." nakangiting sabi ko at niyakap siya.
BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Ficção AdolescenteMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED