Chapter 38

56 4 1
                                    

Sapphira's POV

Paggising ko ay nakahiga na ako sa kama at nang madako ang tingin ay nakita kong nakayuko si Theoden habang nakahawak sa kamay ko. Kaya kaagad ko itong binitawan at naglakad papunta sa veranda.

Ayokong hawakan pa ulit ang kamay niya. Dahil alam kong sa bawat pagkapit ko, may isang bibitiw at bibitiw pa sa amin.

Ang hirap kumapit kapag masakit. Pero hindi mo inaalintana dahil mahal mo ang isang tao. Kaya kahit masakit, patuloy lang na kakapit. Kahit na walang kasiguraduhan kung matibay ba ang kakapitan.

Napabuntong-hininga nalang ako kasabay ng luha na pumatak galing sa mata ko.

Another day. Another pain. Sobrang unfair talaga ng mundo sa akin. Sa bawat lalaki na nakikilala ko, sakit lang ang nakukuha at nararamdaman ko.

Sobrang sakit. Yung akala mo magandang simula, may naghihintay palang sakit sa dulo. Siguro ganon nga ang buhay. Hindi habang buhay, nasa itaas. Kailangan maranasan mo rin masaktan para tumibay ka. Para tumatag. Pero sobra naman ang sakit. Eto yung sakit na nakakapagpahina. Eto yung sakit na nakakapagpaluha.

Napatakip na lang ako ng bibig at tahimik na umiyak. Sa oras na 'to, wala akong gustong kausapin patungkol sa nararamdaman ko. Ang gusto ko lang ay umiyak ng umiyak hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Sa bawat minuto na sumasagi sa isip ko ang nangyari, naaalala ko ang lahat ng ipinangako ni Theoden.

Promise? It's just a word. But it can break your whole mind and heart.

Ang sakit kasi lahat ng ipinangako niya, nilunok niya. Hinayaan niyang umasa ako sa mga pangako niya. Hinayaan niya yung tiwala ko. Hindi niya pinahalagahan. Sinira niya.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha nang marinig kong tinawag ako ni Theoden.

Napasinghap nalang ako nang maramdaman na yumakap siya sa likod ko.

"I thought you left.." batid kong malungkot siya. At ayokong marinig iyon kaya kinalas ko ang kamay niya at lumapit sa kabilang gilid ng veranda.

Narinig kong bumuntong-hininga siya at gumaya sa akin. Ngayon ay parehas na nakasandal ang mga siko namin sa railings.

" I'm sorry." usal niya ngunit hindi ko ito pinansin at tumingin sa ulap. "Nalulugi ang kumpanya nina Eloise. At si Papa ang nagdesisyon na ipakasal kaming dalawa." paliwanag niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hahayaan nalang na balutin ng galit at sakit ang puso ko.

"Eh bakit hindi mo pinaglaban ang sa atin?" pinilit kong huwag mabasag ang boses nang itanong ko sa kaniya iyon. Tumikhim muna ako at nagsalita ulit. "Alam mo? Iniisip ko palagi, paano na kaya kung mag-asawa na tayo? Sa tingin mo ba masaya tayo? Tapos isang araw, malalaman ko na... Iba na pala ang mapapangasawa mo." paliwanag ko at kunwaring tumawa ngunit trinaydor ko lang ang sarili at kumawala na ang mga luha na pinipigilan ko." A-akala ko ako lang. Malay ko bang engage ka na pala sa iba. "natatawa kong saad at pinunasan ang mga luha ko.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa ilalim. This is the hardest battle. The hardest battle is between what you know and what you feel in your heart.

Gusto kong magalit sa nalalaman ko pero ang nararamdaman ko sa puso ko ay iba.

"Naalala ko ang sinabi sa akin ni Mommy noon.." panimula ko at inalala si Mommy. " Where words fail, music speaks." usal ko at tumikhim.

"I love you still, I'll always will, even though you are wrong.." pagkanta ko sa huling bahagi ng kanta ng LANY at tinalikuran na siya.

Pagpasok sa kwarto ay doon na ako umiyak ng umiyak.

Kahit pa sabihin nating ayaw na natin sa isang tao, may isang parte pa rin sa puso natin na nagsasabing huwag sumuko. Pero sa lagay namin, siguro hindi pa ito ang oras para ipaglaban kung anong meron kami. Dahil talo na.

Hinugot ko ang maleta na nasa ilalim ng kama at sinimulan nang ayusin ang mga gamit ko.

Malapit na akong matapos sa pag-eempake nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Theoden.

"W-what are you doing?" kunot-noong tanong niya ngunit hindi ko siya sinagot at hinila na ang maleta palabas sa kwarto.

Hindi pa man ako nakakaabot sa pintuan nang bigla niya akong hilain sa braso.

"Don't leave.." bulong niya at naramdaman kong umaangat na ang balikat niya. Umiiyak siya ngayon.

"Wag kang umiyak. Isipin mo nalang na masaya na ako para sa'yo."bulong ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya ngunit mas hinigpitan niya ito.

" No.. Ayoko'ng maging masaya.. Ayokong maging masaya sa iba.. Huwag ka nang umalis.. "sunod-sunod na aniya.

Kusa nalang tumulo ang mga luha ko at namalayan ko nalang na niyakap ko na siya pabalik.

" Isipin mo nalang na hindi tayo nagkakilala.. Para maging masaya ka.. Huwag mo na akong intindihin.. "napapaos kong saad ngunit mas hinigpitan niya ang yakap sa akin." Theoden please.. Maging masaya nalang tayo, kahit hindi na tayo... "naiiyak kong tugon at narinig ko nalang na humagulgol na siya.

" Don't leave me Sapphira... P-please.. Hindi ko kaya.. "umiiyak na aniya kaya hindi na ako nag-aksaya ng paraan at inalis ang kamay niya.

Doon na siya dahan-dahang napaluhod at naramdaman kong niyakap niya ang tuhod ko.

" Don't leave... "paulit-ulit na aniya ngunit umupo ako at inalis ang kamay niya.

Humarap siya sa akin kaya hinawakan ko ang mukha niya.

" Maging masaya ka.. Alagaan mo ang asawa at ang magiging anak mo.. Huwag mo akong intindihin, kaya ko ang sarili ko. Kaya kong mag-isa." naluluhang usal ko habang nakatingin sa mga mata niya. Kaya tumayo na ako at hinawakan ang doorknob. Bumuntong hininga muna ako bago pihitin ito pero bago pa ako makalabas ay nagdilim ang paningin ko.

Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon