Sapphira's POV
Sa mga oras na 'to,hindi ko alam kung maniniwala na ako o hindi. Pero may kung ano sa puso ko na nagsasabing huwag akong maniwala.
"Naniniwala ka na?" Amberleigh asked.
Gusto kong makausap si Theoden. Gusto kong malaman ang totoo. Kung bakit siya nagpanggap na bingi siya. Kung bakit niya ako niloloko tungkol sa kondisyon niya. At kung bakit ginagawa niya sa akin 'to.
Dahan-dahan akong umupo sa bench na inuupuan namin ni Theoden dati. Dito ko sinabi na gusto ko siyang kausapin ngayon at papunta na siya.
"Hey Sapphira." Nakangiting bati niya at akmang hahalikan ako sa pisngi ngunit bigla ko siyang sinampal.
"W-what's wrong? Bakit sinampal mo ako?" gulat niyang tanong habang nakahawak sa pisngi.
"Alam mong ayoko sa lahat ay yung niloloko ako Theoden." panimula ko at kita ko namang nagulat siya sa sinabi. Ngunit hindi niya ipinahalata. But I knew it. Naririnig na niya ako.
"What are you talking about? Alam mong hindi kita naririnig kaya isulat mo nalang."
Napapikit ako sa inis at sakit at diretsong tumingin sa kaniya.
"Theoden wag na tayong maglokohan! Alam kong hindi ka bingi!" sigaw ko na siyang ikinagulat ng mukha niya.
Kinuha ko ang cellphone ko at hinarap ang picture na nakuha nina Amberleigh.
"Wag ka nang magsinungaling Theoden."
Narinig ko pa siyang bumuntong hininga at humarap sa akin.
"I'm sorry." usal niya na siyang dahilan ng panunubig ng mga mata ko. "I'm sorry kung nagkunwari ako. Ang akala ko ay matutuwa ka."
"Theoden walang matutuwa kung niloloko ka ng hindi mo alam!" sigaw ko at natahimik siya. "Bakit mo ginawa yon? Ano ang gusto mo?! Lahat ng ki-nonfess ko sayo, lahat ng judgments na para sa akin, narinig mo! Ano ang gusto mo ngayon? Ikaw naman?! Ikaw naman ang manghuhusga sa akin?! Kaya ba ginawa mo yon?!" sigaw ko at tuluyan nang bumagsak ang luhang naipon sa mga mata ko.
Dali-dali siyang lumapit sa akin at akmang pupunasan ang mga luha ko ngunit tinabig ko ang kamay niya.
" Hindi ako kagaya ng iniisip mo Sapphira.. "usal niya at hinawakan ang mukha ko." Wala akong pake kung ano ang mga narinig ko tungkol sayo. Dahil ikaw lang ang tumanggap sa akin ng ganito. "aniya at niyakap ako.
Pilit akong umalis at tinulak siya.
" Theoden, tigilan mo na to. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang pinaramdam mo sa akin. Dahil ngayong alam mo na ang lahat, alam kong hindi mo na ako tatanggapin. "lumuluhang usal ko.
" Sapphira, you're wrong. Wala akong pake sa sinasabi nila. Ako ang nagmamahal sa'yo. Hindi sila. Kaya wag mong iisipin na iiwan kita dahil sa mga pinagdaanan mo kasi gusto kitang samahan. Gusto kong iparamdam sayo na kayang kaya kitang tanggapin despite of all the judgments. Nabanggit mo dati na hindi na kayo okay ng Papa mo. Kaya mas binigyan mo ako ng dahilan para mas pahalagahan ka. "paliwanag niya.
" Theoden, marumi na ako. Malandi ako, wala akong kwenta, masama ako. "mahinang sabi ko.
" Sapphira, I love you because I love you. At pag mahal mo, tanggap mo siya ng buo. Sapphira, hindi ka nag-iisa. Nandito ako. "
" Pero niloko mo ako. "
" Ayoko lang maramdaman mo na wala nang tatanggap sa'yo. Sa bawat araw na nakikita kong matapang mong hinaharap lahat ng panghuhusga nila, alam kong sa loob-loob, nasasaktan ka."
Niyakap niya ako ng mahigpit kaya hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko.
"I'll stay right here. I don't care what they think. To me, you are perfect." bulong niya kaya wala na akong nagawa at yumakap din sakaniya. "I'm sorry. I'm sorry." paulit-ulit niyang sabi at hinalikan ang ulo ko.
Sa sitwasyon na ito, mas lalo kong napatunayan na may lalaking kayang magstay sa kabila ng lahat ng nangyari sa akin. Na kayang magbingi-bingihan sa lahat ng judgments na ibabato sa akin para mahalin ako. Na kayang ipagtanggol ako. Na hindi papakinggan ang sinasabi ng iba. Dahil mahal niya ako.
"Wag ka nang umiyak. Ayokong nakikita kang umiiyak dahil sa akin." aniya at pinunasan ang mga luha ko.
"I-ikaw kasi eh. Pinahirapan mo pa akong magsulat sa papel, hindi ka naman pala bingi." nakangusong sabi ko at narinig ko naman siyang tumawa.
"Basta ang tatandaan mo, nandito lang ako. Kaya kong maging bingi para mahalin ka." seryosong aniya at hinalikan ako sa noo. "From now on, I'm going to protect you."
Tumango nalang ako at yumakap sa kaniya.
Pagkatapos ng tagpong iyon, kinausap ko sina Amberleigh.
"Sorry na. Hindi niyo naman kasi pinakita agad yung picture." nakangusong sabi ko.
"Basta sa susunod, libre lang maniwala. Kaibigan mo kami 'no!" nakangiwing sabi ni Amberleigh.
"Opo opo. Pero thank you talaga. Kung hindi dahil sa inyo, baka naubos na ang papel ko kakasulat." biro ko at tumawa naman sila.
Sa nalaman ko, sumaya ako. At least hindi na ako gagastos sa papel. Mahirap din magsulat. Tamad nga akong maglecture noong high school ako eh.
" Ay, sya nga pala! May naiwan pa pala akong trabaho. "usal ko nang maalala ang trabaho ko kaya dinampot ko na ang bag ko." Magkita tayo bukas. Shopping. "nakangiting sabi ko at kumindat sa kanila.
Palabas na ako sa gate nang bigla akong tawagin ni Theoden.
" Aalis ka na? "tanong niya at tumango ako. Niyakap niya ako at pinugpog ng halik sa pisngi." Ihatid na kita?"yaya niya.
" Kaya ko na. At saka dala ko yung kotse ni Dad. Baka mapagalitan ka pa kay Ms. Castaño. "
" Oh okay. "nakangusong aniya kaya naman hinila ko iyon at tumawa." Mag-iingat ka. "aniya at binuksan ang pintuan ng kotse ko.
" Sige. I love you. "
" I love you too. "sagot niya at hinalikan pa muna ako bago ako papasukin sa kotse.
![](https://img.wattpad.com/cover/226460859-288-k630107.jpg)
BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Teen FictionMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED