TRIGGER WARNING:
Sapphira's POV
Habang nakahiga sa kama, iniisip ko ang mga masasayang memories namin ni Mommy.
Kung hindi lang siguro siya maagang namatay, hindi ganito ka-harsh si Dad sa akin. Simula kasi nang mamatay si Mommy, hindi ko alam kung anak pa ba ang turing sa akin ni Dad.
Sa tuwing sinasabihan niya ako ng malandi, naiinis ako sa sarili ko. Nagagalit ako. Dahil hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko. Pero ang sakit kasi na ganun ang tingin niya sa sarili niyang anak. Kapag may event dito sa bahay, palagi lang akong nasa kwarto. Ayaw daw niya na maexpose ang malanding katulad ko. Ganon kainit ang dugo niya sa akin.
Sa tuwing nandito ang mga kasosyo niya sa kumpanya at nagsasaya sila, ilang beses nya akong ipahihiya sa harapan ng mga kasama niya sa trabaho. Ipahihiya na parang isa akong katulong.
Hays. Siya lang naman kasi ang dahilan kung bakit ganito ako. Sa ganitong trato na ipinapakita niya sa akin, wala akong makitang dahilan para maging mabait at anghel sa harapan nila.
Habang nakahiga, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Kaya dali-dali ko itong pinunasan at dumiretsyo sa banyo para maligo.
Habang nakatingin ako sa salamin ng sink ko, doon ko narealize kung gaano ako kadumi. Sa tuwing naaalala ko ang lahat, naitatanong ko nalang na bakit ako pa? Sa lahat ng babae bakit ako pa?
Flashback
"Are you sure na hindi ka sasama?"Tanong ni Dad kay Mommy.
" Yeah. Darating kasi si Mom dito. "
" Okay. Isasama ko nalang si Sapphira para naman makita niya ang Manila. Don't worry, babalik din kami agad. "Dad said at inakay na ako papasok sa kotse.
I was 15 when Dad and I decided to visit Manila. May kikitain din daw kasi siya na kasama niya sa company.
" Dad, may I go to the restroom?"bulong ko at tumango naman siya.
Busy siyang nakikipag-usap sa katrabaho niya. Nandito kami sa isang restaurant na malapit lang sa resthouse namin dito sa Manila.
Habang papalabas na ako ng restroom, isang lalaki ang humila sa akin. Bigla niyang tinakpan ang ilong ko na siyang dahilan kung bakit nawalan ako ng malay.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakapikit ngunit nagising nalang ako na sobrang sakit na ng pribadong parte ng katawan ko.
Nang madapo ang tingin, nasa restroom pa rin ako ng restaurant.
Doon na ako nagsimulang umiyak nang may makitang dugo sa pribadong parte ng katawan ko.
Wala akong ibang matandaan kung hindi ang humila sa akin na isang lalaki. Mayroon akong palatandaan sa kaniya. May tattoo na letter H sa wrist niya.
Napaharap na lamang ako sa salamin at doon umiyak ng umiyak.
Paglabas ko ng restroom, maghahapon na. Paniguradong hinahanap na ako ni Dad. Kaya naman dali-dali akong sumakay ng taxi na tuliro at nanginginig ang mga kamay at paa.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito kay Dad at Mommy.
Pagdating sa resthouse, galit na mukha ni Dad ang sumalubong sa akin.
"Where have you been Sapphira!? Ang paalam mo ay sa restroom ka lang pupunta!" sigaw ni Dad kaya hindi ko na napigilan ang luha ko.
Paano ko sasabihin ito kay Dad? Papaniwalaan niya ba ako?
Minabuti kong huwag muna itong sabihin. Gusto ko ay kasama ko si Mommy. Dahil hindi ko alam ang pwedeng mangyari kung kay Dad ko ito sasabihin ngayon.
Pag-uwi namin sa mismong bahay namin, tulala akong humarap kay Mommy.
"Baby, what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Mommy kaya hindi ko na naiwasang yumakap sa kaniya at umiyak ng umiyak. Naramdaman ko naman ang tapik ni Mommy sa likuran ko.
Pinaupo niya ako sa sofa at inabutan ng tubig.
Nakita kong umupo siya sa tabi ko at umupo naman sa harapan namin si Dad.
"Limuel, what happened to our daughter? Bakit iyak siya ng iyak?" baling ni Mommy kay Dad.
"I don't know. Kaartehan na naman yata ng anak mo yan." inis na sabi ni Dad habang nakatingin sa akin.
"Anak, tell us. Ano'ng nangyari?" pamimilit ni Mommy sa akin.
"I'm.... I'm n-not a virgin anymore..."mahinang sabi ko at kita ko ang gulat na bumalatay sa mukha ni Mommy at galit sa mukha ni Dad. Doon na ako nagsimulang umiyak.
" W-what? "hindi makapaniwalang tanong ni Mommy." Oh my god.. Sapphira, ano'ng nangyari?! "sigaw ngunit nag-aalalang tanong ni Mommy.
" What?! You're not a virgin anymore?! At kailan pa Sapphira?! "sigaw ni Dad.
" Limuel, stop shouting! Alamin muna natin ang side ng anak natin! "sigaw ni Mommy sa kaniya ngunit hindi ito nagpatinag at lumapit sa akin at saka ako hinawakan sa panga.
" Ano?! You're only 15 years old tapos ganito na ang gagawin mo?! Sapphira, are you out of your mind!? Nasisiraan ka na ba?! Pinalaki ka namin ng maayos at lalandi ka lang?!" galit na sigaw ni Dad. Ngunit patuloy lang nag pag-iyak ko. Si Mommy naman ay inalis ang kamay ni Dad sa panga ko.
" Limuel, huwag mong saktan ang anak natin! "galit na sigaw ni Mommy at humarap sa akin." Sabihin mo sa akin, ano'ng nangyari? "naiiyak na tanong ni Mommy.
" M-mom.. "tanging naiusal ko na lamang." M-mommy.. D-dad.. I w-was raped.. "sagot ko at tuluyan nang humagulgol.
" Oh my god.. "hindi makapaniwalang sambit ni Mommy at napahawak nalang sa bibig niya. Si Dad ay hindi ko alam kung ano'ng reaksyon niya. Kung galit ba, naaawa, o disappointed.
" M-mommy I'm sorry... "paumanhin ko habang umiiyak at naramdaman ko na lamang na niyakap niya ako.
" No. I'm s-sorry baby.. H-hindi kita naipagtanggol.. "iyak ni Mommy at hinalikan ang sentido ko.
Si Dad naman ay napasuklay nalang sa sariling buhok at nagmamartsang umakyat sa kwarto.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Gusto kong magising kung panaginip lang ito.. Gusto kong ibalik at palitan ang nangyari pero hindi ko na iyon magagawa..
Dad hates me now.. Disappointed na siya sa akin...
I was 15 when I was raped by a stranger.

BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Teen FictionMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED