Sapphira's POV
"Are you sure na okay ka na?" nag-aalala pa ring tanong ni Haisley.
Kavideo-call ko sila ngayon ni Amberleigh.
It's already 12 am. Maagang natapos ang Musical Ball dahil sa nangyari.
"Yeah. Kailangan ko lang magpahinga." pagsisinungaling ko kahit pa sa totoo, hindi pa rin ako okay.
"Okay."
"Alam mo Hais, kung nakita mo si Eloise kanina na nakangisi, mahahampas mo nalang sa kaniya ang stilettos mo." sabi ni Amberleigh at natawa naman ako. "Nakakainis kaya siya! Hintayin niyang magkita kami sa University at palulunukin ko siya ng sariwang itlog." parang nanggigigil na aniya.
"Hayaan nalang natin." sabi ko dahil baka dahil sa akin ay magkagulo lang.
"Oo tama ka. Hayaan natin siya. Mas malandi naman 'yon."
"Alam mo Ambs, sa pinagsasasabi mo, kawawa na si Eloise." pagsingit ni Haisley.
"Hayaan mo siyang makawawa ano! Bagay sa kaniya yun." napapairap na sambit ni Amberleigh.
"Oh sige na. Kailangan ko nang matulog. Baka magalit pa si Mama." sabi ni Haisley at nagkaniya-kaniya nang paalam.
Pagkasara ko sa laptop, ipinatong ko nalang ito sa cabinet.
Nagtaka ako sa isang Unknown number na nasa screen ng cellphone ko kaya naman binuksan ko ang message.
From:Unknown Number
It's Theoden. Are you okay?Akala ko ay hindi niya ako kakamustahin. Pero, masyado talaga akong natuwa at nagpapasalamat sa ginawa niya dahil kung hindi, baka isa na rin akong itlog ngayon.
To:Unknown Number
I'm okay. Thank you sa kanina :)
Message SentSiguro ay kay Ms. Castaño niya nakuha ang number ko.
From:Unknown Number
Matulog ka na. Nagsisinungaling ka lang sa nararamdaman mo.And that hits me. Tama siya. Hindi pa ako okay. I'm just pretending.
To:Unknown Number
Iilang-araw pa lang tayong magkakilala, kilala mo na ako masyado. Pero, gumaan ng konti ang pakiramdam ko. Thank you sayo.
Message SentTotoo naman. Bago ang performance, gumawa siya ng paraan para hindi ako kabahan. At pagkatapos naman akong batuhin, niyakap niya ako sa backstage.
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa kaniya pero sa ginawa niyang iyon, nabawasan ng konti ang bigat sa pakiramdam ko. Medyo naninibago pa nga ako dahil first time na may yumakap sa akin na ibang lalaki. Ang mga lalaki kasing nakkaasalamuha ko ay masyadong bastos at parang ang tingin na talaga sa akin ay malandi.
From:Unknown Number
Welcome. Ginagawa ko lang ang ginagawa ng isang kaibigan. :)Smiling face? Seryoso? HAHAHAHA
To:Unknown Number
So tanggap mo na talaga na magkaibigan tayo? Wala nang atrasan?
Message SentHays.
From:Unknown Number
Yeah. Matulog ka na. Masyado nang late.May pake siya sa akin. Oh my goodness! Kailangan ko 'tong sabihin kina Haisley at Amberleigh.
To:Unknown Number
Okay. See you tomorrow. =)From:Unknown Number
See you tomorrow.Pagkatapos niyang magreply, nakangiti kong itinago ang cellphone ko at natulog.
Maaga akong gumising at nagbihis. Ngayon, may iba na ring dahilan kung bakit gustong-gusto ko nang pumasok.
Nagsuot ako ng black off-shoulder na de-butones, white skirt at ankle strap heels na kulay black.
Pagbaba ko ay sinalubong na naman ako ng malas.
"Ikaw na naman? Araw-araw ikaw ang nabubungaran ko dito. Ayaw mo bang mag-apply nalang bilang security guard?" inis kong sabi kay Katalene. Wala ngayon si Dad. Nasa trabaho siguro.
"Black, white, black? Saan ka pupunta? Sa libing?"
"Oo. Sa libing mo kapag hindi ka pa tumahimik." pagsagot ko at naglakad ngunit nagsalita pa siya.
"No wonder nobody wants you." aniya at ngumisi.
"So what? Nobody wants me. Not even myself. At tanggap ko 'yon. Ikaw? Tanggap mo bang wala ding may gusto sayo lalong-lalo na ako?" inis kong sabi.
"Your mother should've swallowed you." aniya at umikot ang mga mata.
"Keep rolling your eyes. Maybe you'll find a brain back there." sagot ko at tinalikuran siya.
Nakita ko namang tumawa ang mga katulong dito.
Napangisi nalang ako. I won.
Pinagmamalditahan niya ang taong mas maldita pa sa kaniya.
Hindi naman ako ganito eh. Kung ano ang pakikitungo sa akin ng tao, ganon lang din ang ibabalik ko. Pero sa ginagawa sa akin ni Katalene, nawawalan ako ng dahilan para galangin sya.
That bitch.
Paglabas ko ay naghihintay na sa akin sina Haisley. Pagpasok ko sa kotse ay tumingin sila pareho sa akin.
"What?"nagtatakang tanong ko.
" Sino yung yumakap sayo kagabi? "tanong ni Amberleigh.
" Boyfriend mo na ba siya? "sunod na tanong ni Hais.
" Easy! Si Theoden yun. "pagsagot ko.
" Theoden? Sya ba yung nagpahiram ng denim shirt sayo? "nakataas ang kilay na tanong ni Amberleigh.
" Yes. At saka, hindi ko siya boyfriend. Kaibigan ko lang siya. "paliwanag ko.
" Kaibigan? Akala ko ba ay hindi ka nakikipagkaibigan sa mga lalake? "tanong sa akin ni Hais.
" Iba siya sa mga nakilala ko. Serious type, tahimik at bingi. "
" A deaf? "gulat na tanong ni Amberleigh
" Yeah. What's wrong with that? "
" Wala namang masama. So kaya mo siya kinaibigan dahil alam mong hindi ka niya maririnig at hindi ka niya iju-judge? "teorya ni Hais. Kahit kailan ay napakatalino nito.
" Pero ang gwapo niya. "sabat ni Amberleigh.
" Sobra! "pag-agree ko at sabay silang tumitig sa akin." Why?! "
" In love ka na 'no!? "pang-aasar ni Hais.
" Hindi' no! Magmaneho ka na nga! Malate pa tayong tatlo niyan eh! "pag-iiba ko ng usapan.
Habang nasa biyahe, puro daldal lang si Amberleigh. Kapag siya talaga ang kasama namin, hindi kami matatahimik. Daldal dito, daldal doon. Daldal everywhere.
Pagdating namin sa University, pinagtitinginan kami ng mga tao.
" Artista na ba tayo ng hindi ko nalalaman?" kunot-noong bulong ni Amberleigh sa amin ni Haisley.
"I don't know. Ang creepy nila." bulong din ni Hais.
"Hayaan niyo na. Oh siya, maglakad na kayo." sabi ko nalang sa kanila at nagpaalam na akong papasok.
Habang naglalakad sa hallway, nakatingin ang mga nadadaanan ko sa akin.
Parang timang naman ang mga' to.
"Well, well, well. Kamusta naman ang reyna ng mga itlog?" pagharang ni Eloise sa harapan ko. Tama nga si Amberleigh. Ang sarap niyang palunukin ng sariwang itlog.
"Akala mo ikaaangat mo na ang pagtugtog mo? In your dreams." aniya at hinablot ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Teen FictionMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED