Chapter 12

52 6 2
                                    

Sapphira's POV

"So boyfriend mo na nga si Theoden?" masayang tanong ni Haisley.

"Oo nga! Nagulat nga ako sa mga pinagsasasabi niya kanina eh."

"Sabi ko na sayo Haisley, aandar ang plano natin." nakangising sabi ni Amberleigh.

"Plano? Anong plano?"

"Hindi ka namin sinundo ni Haisley. Nung makilala namin si Theoden sa denim shirt na yun, pinagtanong namin siya. And kinausap namin. Ay mali--nagsulat pala kami sa paper." paliwanag ni Amberleigh. "Akala nga namin susungitan niya kami eh. Gusto ka din pala niya." aniya at nag-apir pa sila ni Haisley.

Napaka supportive naman ng dalawa na 'to.

"Eh ano nang balak mo niyan?" nakapangalumbabang tanong ni Amberleigh sa akin.

"Wala. Siguro gagampanan ko na ang pagiging girlfriend ko sa kaniya. Wala na akong balak maglaro laro." usal ko. "Eh ano nang balita kay Eloise?"

"Ayun. Hindi pa namin nakikita ni Haisley. Ayaw magpakita ang gaga. Takot yatang kalbuhin ko." natatawang sabi ni Amberleigh.

"Bantayan mo na din si Theoden. Paniguradong yan na ang isusunod ni Eloise. Kilala mo naman yun. Walang pinipili basta may malandi." nakangiwing sabi ni Haisley.

"Ayokong ma-stress sa babae na 'yon. Sayang ang stress ko kung sa kanya lang mapupunta." sabi ko at tumawa naman sila.

Pagdating sa bahay, dumiretsyo ako sa kwarto. Himala wala si Katalene at si Dad. Dinner? Pauso.

From:Theoden
Nakauwi ka na?

Hindi ko naman maiwasang mapangiti at tatawa-tawang nagreply.

To:Theoden
Yeah. Kakauwi lang.
Message Sent

Ibang klase ang araw na 'to. Nagka boyfriend ako ng mabilis.

Pagbaba ko sa kusina para sana kumuha ng tubig, naabutan ko si Dad na nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. Mukhang kakagaling lang niya sa trabaho dahil naka-office attire pa siya.

"Mag-quit ka na sa Violin Class mo." usal nya na ikinagulat ko.

"What?! Ayoko!" reklamo ko at tumingin naman siya sa akin.

"Mag-quit ka na. Dahil ipapasok kita sa company." aniya na siyang ikinagulat ko.

For real?! Seryoso ba 'to?!

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa tuwa at excitement.

"T-thank you!" sigaw ko nalang at patakbong pumunta sa kwarto.

Hindi ako makapaniwala! Ilang taon na akong naghihintay na ipasok ako ni Dad sa company pero hindi nya ginagawa dahil nga sa ayaw niya ng kahihiyan. Pero ngayon ay sinabi niya na sa akin iyon kaya tuwang - tuwa ako.

Binuksan ko ang messenger ko at pinindot ang group chat namin nina Amberleigh at Haisley.

Sapp:Guys! I have a good news!
Seen by Ambs and Hais

Hais:Ano 'yun?

Ambs:Siguraduhin mong good news 'yan.

Sapp:Papasok na ako sa company!

Hais:Wow! That's good!

Ambs:Eh ano ang good news doon?

Sapp:???

Ambs:Bukas nalang natin pag-usapan.

Nagtataka ako sa sinabi ni Amberleigh sa group chat kanina.

Nung kinukwento ko naman sa kanila ang tungkol sa company, tuwang-tuwa sila na baka may posibilidad na makapasok ako doon. Pero ngayon, parang hindi siya natutuwa.

KINABUKASAN

Hindi sina Haisley ang sumundo sa akin kung hindi si Theoden ulit.

"Good morning." nakangiting bati niya. Kaya nginitian ko nalang din siya at naggood morning kahit hindi niya maririnig.

Nakakapanibago pa rin dahil nakangiti siya sa tuwing tumitingin siya sa akin.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya hindi ko maiwasang antukin habang nasa biyahe papunta sa University. Kaya isinandal ko nalang ang ulo kay Theoden.

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip doon sa sinabi ni Amberleigh. Minsan lang siya umakto na ganon at kapag umakto siyang ganon, ibig sabihin ay ayaw niya ang nangyayaring.

Pagbaba sa sasakyan, nakahawak lang ang kamay ni Theoden sa akin. Masyadong PDA.

Habang nagpapractice kami, hindi ko maiwasang pakinggan ang mga bulungan ng mga kasama namin.

"Grabe sila na ba ni Theoden?"

"Omg! Si Crush may girlfriend na."

"Kung siguro alam ni Theoden ang nangyari kay Sapphira, hindi naman magiging sila."

At natamaan ako sa sinabi niya. Tama siya. Paano nga kung naririnig ni Theoden lahat? Mamahalin niya pa rin ba ako?

Umiling nalang ako at pumasok sa office ni Ms. Castaño. Kailangan kong sabihin sa kaniya ang pag-quit ko sa klase niya.

" Good morning Ms." bati ko.

"Oh. Good morning din Sapphira. What brings you here?" Nakangiting tanong niya.

"Balak ko na po na mag-quit sa class." sabi ko at nawala naman ang ngiti sa kaniya.

"Why? May problema ba?" tanong niya.

"Ah. Wala naman po. Ipinapasok na po ako ni Dad sa company namin eh." paliwanag ko.

"That's a good news. Pero, sigurado ka ba na magku-quit ka na?" tanong niya pa rin at nararamdaman ko na malungkot siya.

"Opo. Yun din ang sabi ni Dad. Wag naman po kayong mag-alala, pupunta pa rin naman ako dito eh. Hindi naman ako mangingibang bansa." biro ko at yumakap naman siya sa akin.

"Oh sige. Ako na ang bahalang magsabi sa buong klase." aniya.

Kung kailan naman hindi pa kami nagtatagal ni Theoden ay aalis na ako agad.

"Can I talk to you?" pagsulat ko sa papel at tumango naman siya.

Naglakad kami sa bench na palagi naming inuupuan.

"Tungkol saan?" tanong niya.

'Aalis na ako dito. Magku-quit na ako.'

Napatingin naman siya sa akin ng matagal kaya napayuko ako.

"Why?"

'Ipapasok ako ni Dad sa company namin.'

Hindi ako nakagalaw nang bigla niya akong yakapin.

"Don't leave." bulong niya kaya napalayo ako at nagsulat sa papel.

'Kailangan kong umalis. Pangarap ko na 'to simula pa nung bata ako.'

Umupo siya ng maayos at tumingin sa malayo.

"Okay. I'll support you. At araw-araw kitang dadalawin sa company niyo. Huwag kang titingin sa iba dahil sa akin ka lang." seryosong aniya kaya naman niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.






Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon