Chapter 3

98 9 6
                                        

Sapphira's POV

Simula non, palagi ko nang naririnig na nagtatalo sina Mommy.

Naalala ko pa nga ang isa nilang conversation na talagang nakapagwasak ng puso ko.

Flashback

"At sa tingin mo maniniwala ako sa anak mo, Celene?!" sigaw ni Dad sa kwarto nila.

Napailing nalang ako at tahimik na umiyak. Akala ko ay naniniwala sa akin si Dad.. Hindi pala..

"Limuel, alam nating dalawa na hindi magsisinungaling sa atin si Sapphira sa ganoong bagay!"

"Celene, ayokong pagtalunan pa natin ito dahil diyan sa malandi mong--" hindi na naituloy pa ni Dad ang sasabihin nang makarinig ako ng sampal.

"Anak mo si Sapphira! She's your daughter!  Paano mo nasasabi ang ganiyang mga salita towards her!?" alam kong kaunti nalang ay iiyak na si Mommy. At ayoko yun
Ayoko siyang nakikitang umiiyak ng dahil sa akin.

"Eh ano ang gusto mong gawin ko Celene?! Kaawaan ko ang anak natin!?"

"Dapat prinotektahan mo siya!" gigil na sigaw ni Mommy.

"Eh sa hindi ko alam na ganon na ang mangyayari! Ang paalam niya ay pupunta siya sa restroom! And that's it! Ilang oras siyang nawala! Kaya umuwi ako sa resthouse sa pag-aakalang nandoon siya pero wala! Ano bang malay ko na baka may boyfriend na ang bata na yan?! "

Ang hirap magalit ni Dad. Nakakalimutan niyang anak niya ako...

" Tatay ka niya Limuel! At ipinagkatiwala ko si Sapphira sayo that time kasi alam kong hindi mo siya pababayaan! But you failed me Limuel! At ngayon, tignan mo ang nangyari sa anak natin!"

"Hindi ko kasalanan Celene! Hindi ako ang sinasabi niyang nang-rape! Kaya wag mo akong sisisihin sa nangyari sa kaniya dahil kasalanan din niya yon!" sigaw ni Dad at nakarinig na naman ako ng sampal.

"Hindi na ikaw yung Limuel na nakilala ko. Malayong-malayo ka sa asawa ko.. Hindi ikaw yan.. A-anak mo yung naagrabyado Limuel.. Anak mo.." nanghihinang sabi ni Mommy at narinig ko nalang na may bumagsak.

Ilang minuto pa ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Dad na buhat-buhat si Mommy.

" Kapag may nangyaring masama sa Mommy mo, pagsisisihan mo! "sigaw ni Dad sa akin at bumaba ng hagdan.

Ilang oras akong nagpapaikot ikot sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa sila tumatawag tungkol sa kalagayan ni Mommy.

Napatingin ako sa bintana nang marinig ang makina ng kotse ni Dad. Kaya naman dali-dali akong bumaba at nanghina nang makita na siya lang mag-isa.

"W-where's Mommy?" tanong ko at masama niya akong tinignan.

"You killed your Mom! Kung hindi dahil sayo ay buhay pa sana ang Mommy mo!" sigaw ni Dad at akmang susugod ngunit pinigilan siya ng mga katulong.

End Of Flashback.

Napaluha nalang ako at tinapos ang pagligo.

Simula nang mamatay si Mommy, tinanggap ko na ang posibilidad na wala nang tatayo na tatay sa akin. Kinamumuhian ako ng tatay ko. Galit siya sa akin. Disappointed siya sa akin.

Ni hindi na nga siya nag-abala na hanapin ang suspect sa pangre-rape sa akin. Kaagd niya kasing ipinasarado ang kaso. Hayaan na daw dahil matagal na rin iyon.

Habang nakahiga sa kama, iniisip ko. Kung hindi kaya ako nagrestroom nang araw na iyon, buhay pa kaya si Mommy? Masaya pa rin ba ako ngayon? Buo pa rin ba kami ngayon?

Siguro sa panaginip ko nalang aasahan na buo kaming tatlo. Yung dating masaya.

Ngayon kasi, nagbago lahat. Yung dating masaya, wala na. Yung dating buo, wasak na. At yung dating mapagmahal ko na tatay, ayun, disappointed na.

"God, I know Mom's with you right now. Pwede ko po bang hilingin sa kaniya na dalawin man lang niya sa panaginip si Dad at ipaalalang may anak pa siya?" tanging dasal ko at kaagad na pinunasan ang luha na tumulo galing sa mata ko. "S-sabihin mo naman kay Mommy na bumalik na siya oh.." nagpipigil ang iyak na sambit ko.

"S-sabihin niyo naman po na miss na miss na po siya ng anak niya.." naiiyak kong tugon at yumuko.

Sometimes, I always feel about giving up. Sa mga araw na hinaharap ko ang masasakit na salita, may parte sa puso ko na gusto nang bumigay.

Dinampot ko nalang ang Violin na bigay sa akin ni Mommy at pinatugtog ang paborito kong piyesa.

Kapag ginagamit ko ito, nawawala saglit ang lahat ng mga masasakit na alaala.

Minsan iniisip ko, may tatanggap pa kayang lalaki sa akin? Sa kabila ng nangyari, may taong totoo din bang magmamahal sa akin? Yung hindi ako sasaktan katulad ng pananakit sa akin ng tatay ko. Yung kaya akong protektahan sa lahat ng oras. Yung kayang magtiis sa bad sides ko. Yung kayang mahalin ang madumi na tulad ko.

Itinabi ko nalang ang violin ko at natulog na. Maaga pa pala ang klase bukas. Masyado kong inenjoy ang araw na 'to.

KINABUKASAN

Mabilis akong nagbihis at nag-ayos. Paniguradong maya-maya lang ay nandiyaan na si Haisley kasama si Amberleigh. Sa parehong University kami nag-aaral na tatlo. Yun nga lang, ang University na iyon ay para lang sa mga mahilig sa music.

Ilang beses pa nga akong sinabihan ni Mommy tungkol sa mga nagba-violin na nabibingi ang kaliwang tainga. Pero ilang beses kong ipinilit na kaya ko kaya nagtiwala naman siya sa akin.

Pagbaba ko, nadatnan ko sina Katalene at Dad na kumakain ng breakfast.

Akmang lalagpasan ko na sila nang bigla na namang magsalita ang demonyitang babae na ito.

"Hindi ka ba muna mag-aalmusal, iha?" pa-anghel na aniya.

"Hindi na. Wala akong gana kung ikaw lang ang makakasabay ko." sagot ko.

"Talaga?"

"Ayaw mong maniwala? Kaya nga hindi ako kumakain ngayon hindi ba?" inis kong sabi at naglakad na papalabas ng bahay.

Nakakaimbyerna. Papasok ako ng school, siya ang bubungad sa akin. Uuwi ako galing school, siya pa rin nag bubungad sa akin. Para siyang hayop. Kung nasaan si Dad, nandoon siya. Parang.. Kung nasaan ang amo, nandoon ang aso.

Paglabas ko ng gate ay saktong pagdating nina Haisley. Kaya naman kaagad na akong sumakay at nagmaneho na siya.









Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon