Chapter 7

74 7 2
                                    

Sapphira's POV

Ilang araw pa ang lumipas at week na ng Musical Ball. Kailangan na namin ng matinding practice. Kaya ang ginawa ni Ms. Castaño, kaming tatlo ay pinagpractice niya sa office niya habang ang iba ay sa labas ng office.

Ang tanging tinutugtog lang ni Theoden ay ang Chaconne ba iyon na sinabi ni Ms. Castaño sa akin. Kahit paulit-ulit, hindi ko maiwasang pakinggan. Masyadong maganda ang pagkakatugtog niya dito.

Habang short break, nagrerefresh lang ako. Ayokong ipahiya ang buong klase kung magpapadala ako sa kaba. Lalo na't madami ang manonood at makikinig.

Ngunit hindi ko pa rin alam ang mararamdaman dahil imposibleng walang gawin si Eloise.

Knowing that ugly bitch, gagawa at gagawa siya ng paraan para kamuhian ako lalo ng mga tao dito sa University.

"Ikaw ang kinakabahan." usal ni Theoden kaya naman lumipat ang tingin ko sa kaniya. Dahan-dahan naman siyang tumingin sa akin.

Tumagilid naman ang ulo ko dahil hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.

"You're nervous, right?" tanong niya at umusog papalapit sa akin. "Wag kang kabahan. Just enjoy what you're doing at malalaman mo nalang na nagagawa mo na pala nang maayos."

I didn't imagine this. Theoden gave me his wisdom words para hindi ako kabahan.

'You're right. Thank you.'pagsulat ko sa papel.

"Kahit hindi ko naririnig ang tinutugtog mo, alam kong you're doing your best." aniya pa na talaga namang nakapagpasaya sa puso ko. Siya ang kauna-unahang lalaki na nagsalita sa akin ng ganito. I haven't heard it before. Kahit kay Dad.

'You know, pinapasaya mo ako sa sinasabi mo.'

" Why? "

'First time ko lang marinig yan na sabihin sa akin ng isang lalaki.'

Tumango-tango naman siya.

"I'm saying this because I'm your friend."

"So you're including me as your friend? '

" Yeah. Ayaw mo ba? "

' I want! 'pagsulat ko at sa kauna-unahan ay nakita ko siyang ngumiti sa akin.

Feeling ko mamamatay na ako! Ang gwapo niya ngumiti!

Pagkatapos ng short break, nagpractice lang ako ng nagpractice. Hindi ko na iniisip kung ano ang maririnig ko sa Musical Ball basta ang mahalaga mai-perform ko ng maayos ang tutugtugin ko. And I know, Theoden will be there for me kapag may hindi magandang mangyayari.

Habang naglalakad ako papunta sa parking lot, may biglang humila sa akin.

Halos mapasigaw pa ako ngunit nakahinga ako ng maayos nang makitang si Theoden lang pala.

"Naiwan mo." aniya at inabot ang saddle bag ko.

Iniyuko ko nalang ng konti ang ulo ko at nagwave na sa kaniya.

Pagtalikod ay hindi ko na naman naiwasan na kiligin at ngumiti mag-isa. May iba na talaga eh. May iba na akong nararamdaman.

"Hoy!" sigaw ni Amberleigh kaya naman inis akong lumingon sa kaniya.

"What?!" inis kong sigaw.

"Wala si Haisley. She texted me na dumiretsyo siya sa bar."

"Bar? Ano'ng ginagawa niya doon? Akala ko ba ayaw niya doon?" kunot-noong tanong ko at inabot naman niya ang phone.

From:Hais
I'm at the bar. Isama mo si Party girl.

Hays! Paniguradong nag-away na naman sila ni Kade.

Itinext din niya ang address at mabuti nalang ay alam ko ito kaya pinagmaneho ko na si Amberleigh.

Pagdating namin sa Bar, hinagilap ko kung nasaan si Haisley at nakita naming nakikipagsayaw siya sa isang lalaki.

Mabilis namang naglakad si Amberleigh at hinila si Haisley. Ngunit biglang umeksena ang lalaki na kasayaw nito.

This is a war. A battle between a warfreak and a dancer.

"Who are you? Hindi mo ba nakikitang kasayaw ko siya?!" sigaw nung lalaking kasayaw ni Haisley.

"And who are you para sayawan mo sa harap ang kaibigan ko? You shrimp!"

Natawa naman ako at pinanood lang sila.

"Hais, sino ba 'to?!" inis na turo ni Amberleigh sa lalaki.

"I don't know." lasing na sabi ni Haisley at nagpatuloy lang sa pagsayaw.

Ngayon ko lang napatunayan na bawal nga talagang uminom si Haisley.

"Look, bitawan mo na siya." mayabang na utos nung lalaki kay Amberleigh.

"At sino ka naman para utusan ako?! Tigilan mo nga ako sa kayabangan mo panget!" sigaw ni Amberleigh na siyang ikinatawa ko.

Kahit malakas ang tugtog ay sila lang ang naririnig ko. Isabay mo na ang sobrang lakas na boses ni Amberleigh.

Isang dahilan kung bakit walang gustong bumangga sa kaniya. Masyado siyang warfreak at malakas ang boses. Parang nakalunok ng microphone.

"Ako panget?!" inis na turo nung lalaki sa sarili niya.

"Ay, hindi mo ba alam? Sorry naremind ko tuloy." pang-aasar ni Amberleigh at hinila na paalis si Haisley sa dancefloor.

Umupo naman kaming tatlo sa isang sofa.

"Haisley!" sigaw ni Amberleigh ngunit parang walang pakialam si Hais at kahit nakaupo ay sumasayaw pa rin.

Nagulat nalang ako nang tapunan ni Amberleigh ng tubig si Haisley kaya natigil ito sa pag-indayog.

"Haisley Avenia!" sigaw ulit ni Amberleigh.

Pinunasan ko naman ang mukha ni Haisley ngunit sa bawat pagpunas ko ay bumabagsak pa rin ang tubig.

Umiiyak siya?

"Hey. Anong nangyari?" gulat kong tanong at pinunasan ang luha niya.

"Nakipagbreak na si Kade sa akin.." umiiyak niyang sambit at yumakap sa akin.

Kaya naman pala. Hindi naman kasi mahilig mag-bar si Haisley at sa aming tatlo, siya ang pinaka-inaalagaan namin. Bukod kasi sa marupok ay soft-hearted. Pero parang ganun na din 'yon.

" Eh bakit daw? Ano? May nahanap na iba?" nakapamewang na tanong ni Amberleigh at tumango naman si Hais.

"Yan ang hirap sa mga lalaki. Kapag nakakita ng mas better, iiwan ka nalang na parang hindi iniisip na masasaktan ka." litanya niya at lumapit sa amin ni Hais. "Hayaan mo na yun. Panget lang yun." biro ni Amberleigh kaya pinalo ko naman siya sa braso.

Imbes na i-comfort ang kaibigan, manlalait muna.

Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon