Sapphira's POV
Sa mga oras na 'to, hinihiling ko na sana hindi dumating si Amberleigh.
"Bitawan mo ako Eloise!" sigaw ko at pilit na iwinawaksi ang kamay niya.
"You think you're a star now huh?!" inis niyang sigaw.
"Aray! Naiinggit ka ba ha?! Palulunukin kita ng itlog!" sigaw ko at malakas siyang itinulak. "Ano bang problema mo ha?!" sigaw ko sa kaniya at inayos ang sarili ko.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" sigaw niya habang nakaturo sa akin.
"Are you stupid or stupid?! Hindi ko naman sinabing problemahin mo ako ah?!" sigaw ko at nilagpasan sila. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay hinila na naman niya ang buhok ko. Paniguradong punit na naman ang skirt ko nito.
"Huwag na huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!" sigaw niya at itinulak ako ng malakas.
Napasubsob ako sa sahig at naramdaman kong nagasgasan na ako.
"Kinakausap?! Really?! Sinisigawan mo ako! You wet sock!" sigaw ko at sinugod siya.
Panay naman ang reklamo niya kaya malakas ko siyang tinulak at inalalayan naman siya ng mga kasama niya.
"Hayaan mong ako nalang ang mamroblema sa sarili ko! Kung gusto mong problemahin ako, edi palit na tayo! Bakit hindi mo nalang diretsahin na gusto mo palang ikaw ang makaranas ng pinagdaraanan ko?!" sigaw ko at naglakad papalayo doon.
Hindi ako pwedeng magpakita sa klase na ganito ang itsura.
Kaya pumasok na ako sa restroom. Walang tao kundi ako lang.
Tinignan ko ang sarili sa salamin. Namumula ang balikat ko dahil nakalmot ako ni Eloise kanina. Magulo na rin ang buhok ko.
Dumako ang tingin ko sa tuhod ko. May gasgas na naman at punit na naman ang skirt ko. Hays! Ang hirap maghanap ng ganito kagandang skirt tapos masisira lang?!
Wala na akong choice kung hindi takpan nalang ito gamit ang violin ko at pumasok sa klase na parang walang nangyari.
Pagdating ko doon, busy na silang nagpapractice. Masyado na akong late.
Pumasok ako sa office ni Ms. Castaño at gulat naman siyang tumingin sa akin.
"Ano na naman ang nangyari sa iyo?" nag-aalala niyang tanong at nilapitan ako. "Aish! Akala ko hindi ka makakapasok dahil sa nangyari kahapon. Pero don't worry, nabigyan na ng warning ang mga estudyante kanina habang wala ka pa." Paliwanag niya.
Kaya pala ganon nalang ang tingin sa akin ng mga tao. Dahil na-warning-an sila dahil sa akin.
" Saglit. Kukuha lang ako ng first aid. "aniya.
" Ah. At saka, pin po? Hehehe"sabi ko nalang at lumabas na sya.
Napatingin ako sa tuhod ko. Another gasgas again. Nakakaimbyerna na ah! Pati skirt ko, punit! Hays.
Akala ko ay si Ms. Castaño na ang pumasok ngunit nagtaka ako nang si Theoden ang pumasok habang may hawak na first aid.
"Ako ang inutusan ni Ms. Castaño. Tinatawag siya sa itaas." aniya at lumuhod sa harapan ko. "Masakit?" tanong niya at tumango naman ako.
Habang ginagamot niya ang sugat ko, nakatingin lang ako sa kaniya. Siya na naman ang nandito.
"Ang gwapo mo." sabi ko at alam kong hindi naman niya iyon maririnig.
"Be more careful next time. I don't want to bandage you up again." usal niya at tumayo.
Inabot niya ang pin at pinasadahan ng tingin ang skirt ko.
"Punit na naman? Nagpapahiwatig yan na huwag ka nang magskirt. Madami ring nakakakita sa legs mo. You should hide it." aniya at lumabas ng office.
What?
Hindi ko alam ang mararamdaman. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
Is he trying to be possessive? Oh my goodness again!
Paglabas ko sa office, pumwesto ako sa pinakalikod at doon nagpractice.
Halos mapaatras pa ako nang may lumipad na solid crew-neck sweater sa hita ko.
"They're looking at your legs." bulong ni Theoden na hindi ko napansing nakalapit na sa akin.
O-okay?
Naghuhurumintado na ang puso ko! Oh my goodness ulit!
Ano ba ang ginagawa nang lalaki na ito?! Bakit ganito ang actions na ipinapakita niya?!
Pagdating ng short break, pumunta muna ako sa restroom para mag-ayos. Masyado akong naloloka sa mga inaakto ni Theoden.
Pumasok ako sa isang cubicle.
"That Sapphira is so matapang." biglang sambit nung isang babae. May kausap yata.
Pakinggan ko nga muna ang pambabackstab nila.
"Yeah. Kinalaban niya talaga si Eloise. But, mukhang kawawa si Eloise kanina." sabi nung isang babae at tumawa silang dalawa.
Okay. Hindi nila ako binabackstab. Si Eloise ang binabackstab nila.
"Bagay lang naman kay Eloise yun ano! Masyado siyang pa-famous. Eh mas maganda pa nga si Sapphira sa kaniya."
I know girl. I know. God bless you.
"Oo nga. At saka, alam naman natin na mali ang binibintang ni Eloise kay Sapphira. Mas mukha pa ngang matino si Sapphira kesa sa kaniya." girl 1.
"Oo nga. Alam mo ba, nakita ko siya nung isang araw? Nilalandi niya yung Kade ba yun? Sa garden nung isang araw. Pero yung Kade, nilalayuan niya si Eloise. Halos bugbugin na nga ni Kade si Eloise dahil may Girlfriend na si Kade. Si Haisley." litanya nung babae.
So si Eloise? Si Eloise ang dahilan? Makausap nga si Haisley mamaya.
" Yeah. Kahit nga si Jodan, yung sa Harp Class, nilalandi niya. Eh alam naman nating lahat na mailap sa girls si Jodan. Paniguradong kapag nalaman ni Amberleigh lahat, war na talaga."
Lumabas naman ako ng cubicle at sabay silang nagulat.
"Thank you sa mga papuri at sa mga informations."nakangiting sabi ko at iniwan sila sa cubicle.
Malandi'ng Eloise 'to. Balak pang sirain ang relasyon nina Haisley at Kade. At uunahan pa si Amberleigh kay Jodan.
Eloise Monterra. Iba ka. Makati ka.
BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Teen FictionMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED
