Sapphira's POV
Pagdating sa classroom, lahat sila ay napatingin sa akin.
"Sapphira, what happened to your knee?" alalang tanong ni Ms. Castaño kaya tinignan ko ito.
May dugo ngunit hindi naman ganoon karami. Nakakainis! Bakit ba kasi nagskirt pa ako?
Kaagad naman niya akong nilapitan at niyaya sa loob ng office niya.
"Sapphira, ano'ng nangyari dito?" tanong ulit ni Ms. Castaño habang ginagamot ang tuhod ko. "Dahil na naman ba kina Eloise?"
"As usual."
"Ano ba ang namamagitan sa inyo nung Eloise na yun? At grabe ang galit niya sayo?"
"I don't know. Hindi naman sya ang nai-issue na may kasamang iba so bakit siya apektado? Nakakainis!" inis kong sambit.
"Why? May kasama ka na naman bang ibang lalaki?" kunot-noong tanong niya sa akin.
"Theoden."bigkas ko.
Tumango-tango naman siya.
Paglabas namin sa office, ang ilang lalaki na busy sa pagba-violin ay nahinto at tumingin sa hita ko.
Napatingin naman ako dito at nakita na punit ang gilid ng skirt ko.
Malas naman!
Dahil sa hindi ako makakilos ng maayos ay umupo na muna ako sa isang gilid at tinignan ang sugat ko.
"Here. Take this." biglang usal ni Theoden sa harap ko habang hawak ang denim shirt niya. Nakita ko na naka plain white t-shirt nalang siya.
Tumabingi ang ulo ko dahil sa pagtataka.
"I-cover mo ang skirt mo. Nakatingin sayo ang mga lalaki." usal niya.
Tinignan ko naman ang mga lalaki sa likuran niya at pasimple nga nilang tinitignan ang skirt ko kaya mabilis ko itong tinanggap at ipinulupot sa bewang ko.
'Thank you.' I mouthed.
Bumalik siya sa kinauupuan at doon nagviolin ulit.
Nang uwian, kaming dalawa nalang ni Theoden ang natitira sa loob. Kami kasi ang naatasan na maglinis dito.
Akmang aalisin ko na ang denim na nakapulupot sa akin nang pigilan niya ako.
"Just return it tomorrow."
Tumango tango nalang ako at dinampot na ang saddlebag ko at ang violin ko.
Habang papunta sa piano class, napapangiti ako habang tinitignan ang denim shirt ni Theoden.
Gusto kaya niya ako?
"Hey Sapp!" bati ni Haisley na nagsasara ng pintuan.
Pagkatapos niyang maisara, dumako ang tingin niya sa denim shirt na nasa bewang ko.
"Sapphira Alvestre, kaninong denim shirt yan?" takang tanong niya.
"Eto?" nangingiti kong tanong. "Kay Theoden."
"Theoden? Sino yun?" tanong niya at inilagay ang dalawang kamay sa bewang. "May hindi ka ba sinasabi sa amin?" taas-kilay niyang tanong.
"Mamaya ko na sasabihin. Nasaan na ba si Amberleigh?"
"Malamang ay nakikipagharutan na naman 'yon kasama si Jodan." nakangiwing aniya.
"Eh ikaw? Ano nang balita sa inyo ni Kade?" tanong ko at nagkibit-balikat naman siya. "Pinaninindigan mo na naman ang pagiging marupok mo." napapairap kong sabi.

BINABASA MO ANG
Strings of Melody
Teen FictionMusician Series #1 : Sapphira Alvestre Date Started:May 25,2020 Date Ended:June 11,2020 ALL RIGHTS RESERVED