Chapter 23

55 4 0
                                    

Sapphira's POV

"Kahit na!" sigaw niya at tinulak ako sa kwarto. "Magpalit ka ng damit." utos niya at bumalik ulit sa sofa.

Eh anong ipapalit ko? Lahat ng pang tulog ko ay ganito.

Pagpalit ko ng damit ay lumabas na ako ng kwarto.

"Okay na?" inis kong tanong at nakita ko namang umangat ang kilay niya.

"Palit."

"The heck! Wala na akong ipampapalit! Lahat ng pang tulog ko ay ganito!" inis kong sigaw.

Lumapit naman siya sa akin at hinila ako sa kwarto.

Kumuha siya ng isang t-shirt niya sa cabinet at isang short.

"Ayan ang suotin mo." utos niya at lumabas ng kwarto.

Masyado namang mahaba ang mga 'to. Wala namang ibang makakakita sa akin kung hindi siya lang.

Paglabas ko ay nakasimangot akong tumabi sa kaniya.

"Okay na?!"

"Yeah. Bagay pala sa' yo ang t-shirt ko. Hindi yung suot ka ng suot ng croptop o ng kung ano ano. Mamaya ay lamigin ka pa at magkasakit." aniya at hinila ako. Napasubsob naman ako sa dibdib niya.

"Ipapaalala ko lang sayo 'no? Hindi pa tayo kumakain." sarkastiko ang tonong sabi ko.

"Gutom ka na naman?!"

"Oo kaya 'no! Huling kain natin ay kaninang hapon pa." angal ko at pumunta sa kusina.

"Ako na magluluto."aniya at tinabig ako.

" Aray naman! Kaya kong magluto 'no! "

" Wag nalang. Baka masunog pa ang kusina ko. Umupo ka nalang doon at panoorin mo akong magluto. "turo niya sa upuan sa lamesa.

Nakasimangot naman akong naglakad at umupo sa tinuro niya.

" Bilisan mo gutom na ako! Nagpapakitang-gilas ka pa! "inis kong sabi.

" Oo na po mahal na reynang palaging gutom. "parang nang-aasar na aniya at pinatay ang kalan." Okay lang ba talaga na dito ka tumira kasama ko? "biglang tanong niya.

" Oo. As long as wala kang gagawin na ikakasakit ko. At saka, hindi naman big deal sa akin. Hais has a problem with her Mom while Amberleigh has a problem with her family. Kanino naman ako lulugar kung ganon? "mahabang saad ko at kumain.

" Pero, baka hindi ka kumportable na may kasamang lalaki. "nag-aalinlangang aniya at tinignan ko naman siya.

" Nakatulog naman ako ng maayos kagabi 'di ba? At saka malaki ang tiwala ko sayo. "Nakangiting sabi ko." Kumain ka na din kaya. "yaya ko at kumuha na din siya ng plato.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng plato. Naramdaman ko namang yumakap sa likod ko si Theoden.

" Ano' ng paglalambing na naman yan? Gusto mong ikaw nalang ang maghugas? "biro ko at isiniksik naman nya ang ulo sa leeg ko.

" Tapusin mo na agad yan tapos matulog na tayo. "parang inaantok na aniya at hinarap ko naman siya. Pinat ko ang ulo niya at hinalikan sa pisngi.

" Mauna ka na kayang matulog? Antok na antok ka."Suhestyon ko ngunit hindi pa rin siya kumalas." Oh sige. Tatapusin ko na muna 'to kaya umalis ka na sa pagkakayakap sa akin. "

Kaagad naman siyang kumalas at umupo sa  sofa.

Pagkatapos kong maghugas ay pinuntahan ko na siya sa sofa. Nakapikit na siya habang yakap ang isang unan.

Hindi ko alam kung paano ko bubuhatin 'to. Kaya ginising ko na lamang siya.

" Are you done? "inaantok na aniya at tumango ako.

" Tara na. "yaya ko at naglakad papunta sa kwarto.

Pabagsak siyang humiga at dumampot ng isang unan para yakapin.

Napailing nalang ako at pumunta muna sa banyo para maghilamos at mag toothbrush.

Paghiga ko ay humarap ako kay Theoden at ngumiti. He's so handsome. Sobrang haba ng pilik-mata at ang kapal ng kilay. Pointed ang ilong at mamula-mula ang labi.

Akmang ipipikit ko na ang mata ko nang maramdaman na halikan niya ang noo ko.

Kinuha niya ang kamay ko at iniyakap iyon sa sarili niya.

Paggising ko ay natutulog pa rin si Theoden sa tabi ko. Ang paa niya ay nakapatong sa paa ko na parang ayaw na akong paalisin.

Dahan-dahan kong inalis ang paa niya at nagtungo sa banyo para maghilamos.

Ako ang magluluto ngayon.

Pagkatapos kong magluto ay siya namang paglabas niya sa kwarto.

"Good morning." nakangiting bati niya at hinalikan ako. "Nagluto ka talaga?" parang napapantastikuhang tanong niya.

"Yeah. Umupo ka na at kumain." yaya ko at nilagyan siya ng pagkain sa plato.

Sa ginagawa namin ngayon ay para na kaming mag-asawa.

Pagsubo niya sa pagkain ay natigilan siya.

"Ano? Masarap ba?" nagtatakang tanong ko at tumingin siya sa akin bago lunukin ang pagkain.

"Yeah. Sobra." aniya at kumain ng kumain.

Akmang sasandok ako sa ulam na niluto ko nang pigilan niya ako.

"Why? Ako ang nagluto nito." angal ko at isinubo ang ulam.

Sabay pa kaming nagtitigan at iniluwa ko ang ulam sa lababo.

"Bakit hindi no sinabing ang pangit pala ng lasa ng ulam na niluto ko?!" asik mo at akmang aalisin sa lamesa ang ulam ngunit pinigilan niya ako. "Why? Hindi naman masarap 'to." nakangusong sabi ko.

"I don't care. Ilapag mo yan diyaan at kakainin ko. Niluto mo yan para sa akin kaya uubusin ko." aniya.

"No. Pinipilit mo nalang eh" nakangusong sabi ko at naglakad naman siya papalapit sa akin. Kinuha niya ang ulam at inilapag sa lamesa.

"Masarap man o hindi, kakainin ko pa rin yan. Niluto mo para sa akin yan eh. At saka, matututo ka pa naman. Okay?" aniya habang nakahawak sa dalawang balikat ko ngunit hindi pa rin mawala ang pagnguso ko. Hinalikan naman niya ito at ngumiti sa akin. "Wag ka nang ngumuso diyaan. Pupunta tayo kina Papa mamaya. Ipapakilala kita sa kanila." Nakangiting aniya na ikinagulat ko.

What? I'm not prepared!

Strings of MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon