Chapter 7
Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Tumama iyon sa kisame ng hindi ko kilalang kwarto. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, pamilyar ang kwarto na ito ngunit hindi ito akin. Umupo ako saka napahawak sa ulo ko nang kumirot iyon. Naalala kong nakainom nga pala ako kagabi.
"Buti naman gising ka na."
Halos mapa tumbling ako sa boses na 'yon ni Clara. Magkakrus ang mga braso nya habang nakasandal sa pinto, saka ko napag-alaman na narito ako sa kwarto nya. Matalim na ang nagtatanong na tingin nya sa akin, nakataas narin ang kilay nya. Inayos ko muna ang pagkakaupo ko saka nag-inat, napansin kong naka dress parin ako.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"Hinatid ka lang naman ng boss mo dito."ngumiwi sya, ngunit kalaunan ay kinikilig na naupo sa tabi ko, "Hindi ugali ni Kade na maghatid ng babae pauwi, alam mo ba 'yon? swerte mo, bessybitch." natutuwa nyang dagdag.
"Kung matino pa ako kagabi ay talagang hindi nya ako ihahatid, eh kaso nakainom ako."
"Speaking off, bakit ka ba nalasing kagabi, bitch?"
"Nagkainoman kami nila Kade kasama ang Daddy nya, bitch."
"Ohmygosh, bitch! pinakilala ka pa nya sa Daddy nya!?"
"Yes, bitch." mayabang kong tugon.
"So lucky, bitch!" talagang kinikilig sya.
Ngunit napa-isip rin ako sa sinabi ni Clara. Hindi ugali ni Kade ang maghatid ng babae pauwi, pero hinatid nya ako? dahil lasing ako. Pero ano namang pakealam nya sa akin? hindi naman nya ako kaano-ano? malasing man ako at magpagewang-gewang, dapat ay wala syang pakealam sa akin.
Pero may parte ng utak ko ang nagsasabing kargo nya ako kagabi, dahil ipinakilala nya ako sa Daddy nya. Kaya nya siguro ako inihatid ay para masigurado nyang ligtas ako, at makapagtrabaho ako bilang P.A nya, dahil kung hindi ay madidisappoint and Daddy nya, iyon lang naman ang goal nya, ang hindi ma disappoint si Mr. Enrico.
Kalaunan ay napangiti nalang ako. Inalala ko ang mga nangyari kagabi. Kinuha nya ako bilang personal assistant, hindi bilang waitress. Iyong nag-inoman kami kasama ang Daddy nya at ang mga kasosyo nito sa negosyo. Kung paano kami nagkabiruan habang nag-iinoman. Nakita ko rin syang tumawa, ngumiti, at makipagbiruan. Lahat ng iyon ay nakakalaglag panga. Lalo pa nung sinabi nya sa harapan ng Daddy nya na nililigawan nya daw ako, at noong ihatid nya ako pauwiㅡ
"Oh shit!" napahawak ako sa bibig ko.
Kung tama ang naaalala ko ay sinabi kong gusto ko na ligawan nya ako, hindi ko man matandaan ay sigurado akong may mas nakakahiya pa akong nasabi! at siguradong hindi nya pa nakakalimutan 'yon! shet.
"Anyayare sayo, bitch?"
"Nakakahiya..." paulit-ulit kong inuntog ang ulo ko sa unan, "Bakit ko sinabi 'yon... hindi ko dapat sinabi 'yon..." kunwaring naiiyak na sambit ko.
"Ang alin ba?" nalilitong tanong ni Clara.
Tiningnan ko si Clara, inisip ko kung dapat ko bang sabihin ang mga nangyari kahapon. Pero mas buo ang desisyon ko na hindi nalang sabihin, siguradong aasarin nya lang ako, at baka asarin nya rin si Kade. Mas lalo lang akong mapapahiya.
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomanceYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.