Chapter 44

218 13 0
                                    

Chapter 44






"Please take care of yourself when you arrive there." niyakap ako ni Kade nang makarating kami sa airport.

"Yes, baby." mahigpit ko rin s'yang niyakap.

"I'll wait for you." ngumiti s'ya, "Call me often."

"Yes, baby." muli kong sagot.

"Don't forget to eat your meals on time."

"Yes, baby."

"No boys."

"Ofcourse, baby."

"If ever someone asks for your number, give mine."

Natawa ako, "Yes, baby."

"I'm serious, Leianna."

"I know, baby."

"I'll miss you, Master." dinampian n'ya ako ng halik sa labi.

Hindi nakalusot sa paningin ko ang mga babae na kanina pang tumitingin sa amin, maging iyong mga dumadaan. Ang iba ay kinikilig sa ginagawa namin, ang iba naman ay nanghihinayang dahil may fiancé na ang lalaking ito sa harapan ko. Ang karamihan ay huminto pa, tila napapalibutan tuloy kami ng mga tao bagaman hindi naman lahat ay nasa amin ang paningin, ang iba ay dumadaan lang.

"I love you." dinampian ko s'ya ng halik sa labi.

Ayon na ang mga nanonood at kinikilig, ang iba ay umiirap. Gusto kong matawa ngunit pinigilan ko, gusto ko rin sanang irapan iyong mga nanghihinayang sa mapapangasawa ko ngunit mas nagpigil ako. Hinalikan rin ako ni Kade sa labi, hinalikan ko s'ya ng dalawang beses sa noo, ayon na naman ang pagngiti n'ya.

"I love you, Baby Master." natawa s'ya.

Sinenyasan n'ya na akong maglakad paalis. Ayon na ang lungkot at binabalot ako. Bumuntong hininga ako saka tipid na ngumiti sa kanya. Sinadya kong bagalan ang paglalakad ko paalis, baka sakaling magbago ang isip n'ya at sumama nalang sa akin. Muli akong humarap kay Kade.

"Go." ngumiti s'ya.

Saglit akong tumitig sa kan'ya saka ako ngumiti. Huminga ako ng malalim, pinalakas ko ang loob ko. Hanggang sa tagumpay akong nakapasok sa loob. Paulit-ulit ako sa paghinga ng malalim habang naghihintay, hanggang sa makasakay ako sa eroplano. Hindi ko pwedeng tawagan si Kade dito kaya naisip kong tatawagan ko nalang s'ya pagdating ko sa Manila.

"Flight 2043, ready to take off." anunsyo ng flight attendant.

May kung ano-anong demonstration ang isinagawa ng mga flight attendants at crews. Ipinakita nila ang iba't-ibang mahahalagang bagay na maaaring makatulong sa oras ng emergency. Nilibang ko lang rin ang sarili sa pakikinig sa kanila. Naroon pa't nagperform ang isa sa mga OPM singer ng Pilipinas, napakaganda ng boses n'ya. Maging iyong isa pang artista na magaling sa pagtu-tula ay nagpasaya rin sa mga pasahero. Ang meal sa eroplano ay kakaiba, para lamang akong nasa restaurant. Nagtagal pa ang byahe, hanggang sa matanaw ko na ang napakata-taas ng gusali ng Maynila.

"Flight 2043 ready for landing." anunsyong muli ng flight attendant.

Lahat ay inihanda na ang sarili. Ako naman ay hindi na kumilos, wala narin naman akong dapat ayosin. Bumuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa bintana. Pababa na ng pababa ang lipad ng eroplano.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon