Chapter 53

301 14 0
                                    

Chapter 53


"L-Leianna? Oh my God." dinig kong boses ni Ate Chloe.

Nang maimulat ko ang mga mata ko ay naaninaw ko ang puting kisame, pansin ko rin ang bigat mg ulo ko na tila may kung anong nakakabit doon. Ang leeg ko papunta sa paa ay hindi ko maramdaman. Nakita ko rin si Clara na nangingiyak habang nakatingin sa akin. Ang mga Ate ko ay nagsisigawan.

"Tumawag ka ng Doctor, bilis!" sigaw ni Ate Zaina.

"Leianna? Can you hear us?" tanong sa akin ni Ate Jheanne.

Hindi ganoon kalaki ang pagkakamulat ng mga mata ko kaya hindi gaanong malinaw sa akin ang mga itsura nila. Ipinagtataka ko kung paano akong nakarating sa hospital na ito, at kung paanong hindi ko maramdaman ang buong katawan ko.

Para akong lumulutang habang nakikinig sa maya't-maya nilang pagsigaw. Muli ko na lamang ipinikit ang mga mata ko saka ko naramdaman ang pagyakap sa akin ng kung sino, muli kong iminulat ang mga mata ko.

Nakita ko si Kade na katabi ko, yakap n'ya ako habang nakangiting nakapikit. Panaginip. Sambit ko sa aking isip dahil sa weird na napanaginipan ko kanina. Bakit ganoon ang panaginip ko?

"Goodmorning." dinig kong sambit ni Kade.

Hindi ko magawang ngumiti dahil sa pagiisip sa panaginip na iyon. Sana walang ibig sabihin ang napanaginipan ko kanina. Naupo ako sa kama saka ko naipusod ang buhok ko, nilingon ko si Kade, nakangiti parin s'ya sa akin.

"Nagugutom na ako." sambit ko.

"Yes." agad s'yang naupo, "I'm sorry, come on, ipagluluto kita." inilahad n'ya sa akin ang kamay.

Sa ganitong mga pangyayari ay parati nalang akong gumigising ng may damit, hindi ko na kailangang magtaka dahil alam ko kung sinong nagbibihis sa akin, lalo pa't mga damit n'ya itong suot ko ngayon. Ngunit s'ya itong halos ilabas ang kaluluwa dahil boxers lang ang tangi n'yang suot. Ngunit kalaunan ay unti-unti lang rin akong napangiti. So hot. Napailing ako sa naisip.

"What do you want?" tanong n'ya namg makarating kami sa kusina.

"Kahit ano." nagkibit-balikat ako.

"10 minutes." kindat n'ya.

Gusto kong ngumiti ngunit pinigilan ko. Pinanood ko lang s'yang magluto, sa mga ganitong klase ng gawain ay talagang napaka propesyonal n'yang tingnan. Hindi na nakakapagtaka dahil mukhang pati pagluluto at pagkilatis sa ano mang kagamitan sa kusina ay pinagaralan n'ya. Napakaganda ng tanawin na pinapanood ko sa mga oras na ito, isang lalaking naka apron habang boxers lang ang tanging suot. Hindi ko maiwasang makagat ang kuko ko sa sobrang pagpipigil ng ngiti.

"Laway mo." dinig kong sambit n'ya habang nakatalikod.

Paano n'ya nalamang nakatingin ako sa kan'ya? Agad ko malang iniwas ang tingin ko saka kunwaring nakatingin sa gintong chandelier na napakaraming crystals.

"Assumero, hindi ka naman ganoon ka-sexy." mataray kong sabi.

"What?" nagtataka n'ya akong nilingon, "Baka 'kako naglalaway ka dahil sa bango ng niluluto ko." kunot-noo n'ya iyong sinabi.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon