Chapter 21

307 15 0
                                    

Chapter 21


"Goodevening." maya't-mayang bati ko sa mga makikipagkamay sa akin.

Hindi ko na alam kung saang gawi ako lilingon at makikipag-ngitian, napakaraming bisita, at kulang ang salitang 'mayaman' sa mga tindig nila. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan, tuloy ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Kade. Napansin ko pang nilingon nya ako, ngunit muli lang rin syang lumingon sa kung sino-sino na lumalapit at nakikipag-batian sa kanya. Famous ah? Halos lahat ng mata ng mga dalaga na naroon sa event ay nakay Kade ang tingin, saka tataas ang kilay sa tuwing magbabana ng tingin sa kamay namin ni Kade na magkahawak. Gusto ko man silang taasan ng kilay ay hindi ko na ginawa, ayaw kong masira ang gabing 'to.

Malawak ang Tramway Events Place na syang tawag sa lugar kung nasaan kami ngayon. Maganda ang ceiling na talaga namang malulula ka sa ganda ng gintong designs at isang malaking chandelier doon. May maliit na stage rin sa harapan at may wide screen, paulit-ulit ang animation ng isang logo na pinapalabas doon. Maraming mga balloons sa paligid na naglalaro lang sa color gold and black. Red carpet rin ang gitna ng buong lugar papunta sa mini stage. May mga tables para sa mga kakain at may mga tables para sa mga iinom ng alak.

"Kade Raighley Devilla, it's so nice to finally meet you." isang may edad na lalaki ang lumapit kay Kade.

"Tito." salubong rin Kade saka yumakap.

Kade Raighley Devilla? Napangiti ako nang marinig ang buong pangalan. Ngayon ko palang nalaman ang buong pangalan nya, hindi ko tuloy maiwasan ang humanga. Nagkamay si Kade at iyong may edad na lalaki, ang lalaki ay ka-edad lang siguro ni Mr. Enrico. Saglit pa silang nagkamustahan, ako naman ay nakikinig lang sa kanila, hanggang sa lingonin ako ng lalaki, mukhang nagulat pa sya.

"Where's Erin?" tanong nito.

Parang lumaylay bigla ang mga braso ko sa narinig, kung ganon ay totoo ngang si Erin ang parati nyang kasama sa mga ganitong klase ng party. Hindi ko maiwasang makaramdam ng katiting na lungkot ngunit hindi iyon sapat para masira ang mood ko. Ngumiti ako nang humarap ulit ang lalaki sa akin.

"From now on, iba na ang makakasama ko every event Mr. Seviro." napakaganda ng ngiti ni Kade habang sinasabi iyon.

"Is that so?" nakangiting tanong ng lalaki saka ako nilingon, "This girl is extra-ordinary..." tiningnan nya ang kabuoan ko, bahagya pa akong napadikit kay Kade dahil sa hiya, "Is she your girlfriend?"

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa tanong na iyon ni Mr. Seviro, hindi ko alam kung namumula na ba ako. Nag-angat pa ako ng tingin kay Kade nang pisilin nya ang kamay ko, nakita ko pa syang seryosong magtaas ng kilay kaya agad kong nilingon si Mr. Seviro.

"No." ako ang sumagot, "No, Mr. S-Seviro." saka ako ngumiti.

"Oh, that's really sad to know." nailapat nya ang mga labi saka tumango.

"She's my employee, Tito." nakangiting sabi ni Kade.

"So, pinalitan mo na si Erin?" natatawa nitong tanong.

"Well, I guess?" bahagyang natawa si Kade.

"Ha ha ha, that's great." tinapik ni Mr. Seviro si Kade sa balikat saka inilagay ang kamay sa kabilang gilid ng bibig na parang bumubulong, "Never insist yourself to someone who can't appreciate you, try to find someone who can love you more than anything in this world, Kade, hijo..." bulong nya ngunit rinig ko, "Like this beautiful woman beside you." doon nya nilakasan ang boses.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon