Chapter 34
"Is everything ready?" tanong ni Kade.
Lahat ng gamit na kakailanganin ay nasa loob na ng truck. Ang mga alak naman ay hindi muna dadalhin. Ang mga employees na syang napili para mag serve sa event ay ready na, ganoon rin ang mga cook at bartenders, ang mga hindi naman napili ay sasama parin upang tumulong sa paghahanda. Sina Dave, Bryle at Khent kasama si Clara ay syang naghanap ng lugar kung saan kami pupwedeng magstay kasama ng mga empleyado.
"Yes, Master."
"Okay, get in."
Lahat ay sumakay na sa bus, maliban sa amin ni Kade at Miss Erin. Si Miss Erin ay sasakay sa sarili nyang sasakyan. Ako naman ay pinilit ni Kade na sumabay sa kanya, balak ko sanang imaneho ang sasakyan ko ngunit hindi sya pumayag.
"Can you drive?" tanong ni Kade kay Erin.
"I can't." sagot nito.
Nilingon ko si Kade. Saglit pa syang tumitig kay Miss Erin. Nag-iwas ako ng tingin, mukhang ipagda-drive nya si Miss Erin, at hindi ako dapat magselos. Kailangan ni Miss Erin ng driver, at kailangan kong intindihin 'yon.
"Mang Ben?" tawag ni Kade kay Mang Ben, "Can you drive for her?"
Gulat kong nilingon si Kade. Mali ang inasahan ko.
"Opo, Master."
"Okay, drive safetly."
Nilingon na ako ni Kade, ngumiti nalang ako sa kanya saka kami sumakay sa sasakyan. Nailipat ko ang tingin kay Miss Erin na halatang dismayado, bumuntong hininga nalang ako. Halata sa kanya na gusto myang ipag-maneho sya ni Kade, ang kaso ay mukhang hindi nya nakumbinsi ito. Nilingon ko si Kade na ngayon ay seryosong nagmamaneho. Gusto kong sapukin ang sarili kung bakit ako nakakaramdam ng guilty, kung kasalanan ko bang parang nilalayoan ni Kade si Miss Erin. Hindi ba dapat matuwa ako dahil gumagawa sya ng paraan para hindi ako magselos? Lumingon ako sa bintana saka inisip ang dismayadong mukha ni Miss Erin kanina, halata parin ang pananamlay nya. Pero hindi naman sa ganitong paraan. Bumuntong hininga akong muli.
"Are you okay?" tanong ni Kade.
Nakangiti ko syang nilingon saka ako tumango, tinanggal nya ang isa nyang kamay mula sa pagkakahawak sa manibela saka hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung gaano kahaba ang byahe, noon kaseng nagpunta kami sa valenzuela ay lutang ang isip ko, hindi ko namalayan ang oras. Ngayon ay tutok na ako sa byahe, maya't-maya rin kase ang pagkukwento ni Kade, nakakatuwang makinig. Wala sa itsura nya ang maging pala kwento, ngayon lang. At dahil sa akin 'yon.
"Bakit mo naisipang magtayo ng Bar?" nilingon ko sya.
Saglit syang ngumiti sa akin saka muling tumingin sa daan.
"I used to be always drunk back then." tugon nya, "Sa tuwing pinapagalitan ako ni Dad, naglalasing ako to forget all of what he said. Alak lang ang natatakbuhan ko noon maliban sa tatlo kong kaibigan." muli nya akong sinulyapan saka nagbalik ng tingin sa daan, "Kaya nagtayo ako ng Bar, so that people can come and forget all of their problems, drink as much as they can, dance as if they are not miserable, and find someone they can lean on." ngumiti sya habang nasa daan ang tingin.
Napangiti rin ako sa sinabi nya. Kung ganito kaganda ang dahilan nya ay talaga ngang nakakamangha sya. Kung ako ang magtatayo ng Bar ay itatayo ko lang iyon dahil 'yon ang sa tingin kong kikita ng malakas, pero ang dahilan nya ay kakaiba, talagang malalim. Nakangiti akong huminga ng malalim saka tumingin sa daan. Pinisil ko ang kamay nya kaya nakangiti nya akong nilingon saka muling itinuon ang paningin sa kalsada.
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomanceYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.