Warning, matured scene.
Chapter 22
"What do you want to eat?" tanong ni Kade nang makapasok kami sa bahay nya.
Mansion to be exact. Sobrang laki ng bahay na 'to. Hindi ako naniniwalang sya lang ang nakatira dito. Napakaganda ng disenyo, malinis at talagang detalyado. Eto na naman ako at nangangarap na magkaroon ng sariling bahay, kung tutuosin ay makakabili na ako ng bahay sa amount ng pera na meron ako, pero sa iba ko iyon dapat gastosin kaya hanggang condo nalang muna ako. Sa sobrang pagkamangha ko sa bahay ni Kade ay hindi ko na naalala na tinatanong nya pala ako. Tuloy ay ayon na naman ang mapagpasensya nyang tingin.
"Kahit ano." agad kong sagot.
"Come with me." aniya saka naglakad patungo sa kung saan, hanggang sa makarating kami sa kusina nya, "Sit here." tinapik nya ang kulay itim na high chair saka sya naglakad upang kumuha ng apron.
Sya ang magluluto? Nagugulat akong napatingin sa kanya nang hubarin nya ang suot na tuxedo. Halos lumuwa ang mga mata ko nang naka white polo nalang sya na talagang nakakurba sa matipuno nyang katawan. Napalunok ako saka nagiwas ng tingin ng humarap sya sa akin, nang mabawi ang sarili mula sa pagkahibang ay nakangiti ko syang hinarap.
"Do you eat carbonara?" tanong nya.
Agad akong tumango, paborito ko 'yon. Halos lahat naman yata ay paborito ko, pero may mga specialties talaga na hindi ko makakalimutan. Kagaya ng carbonara na specialty ng Lola ko na ngayon ay nasa ibang bansa. Napakasarap nyang magluto ng carbonara kaya sa tuwing uuwi sya ay iyon ang luto na inaabangan ko sa kanya.
Nagsimula nang magluto si Kade. Napakakisig nyang tingnan habang nagluluto. Lalo pa sa tuwing hahawiin nya ang mga buhok nya. Hindi ko tuloy maiwasang mag-imagine. Paano kaya kung magkaroon ako ng asawa na gaya nya? Ipinatong ko ang dalawa kong siko sa maliit na kitchen bar na nasa harap ko. Naituon ko ang chin ko sa gitna ng dalawang palad ko habang ang mga palad ko ay salo ang pisngi ko, sa ganoong posisyon ay pinanood ko si Kade.
Hanggang sa matapos sya sa pagluluto ay nakatingin ako sa kanya. Panay pa ang sulyap nya sa akin, ipinagtataka ang ganitong porma ko. Kalaunan ay natawa nalang ako ngunit muli lang ring sumeryoso nang lumapit sya sa akin dala ang isag plato na puno ng carbonara. Naupo sya sa tabi ko saka humarap sa akin.
"Taste it." aniya.
"Hindi ka ba kakain?" ngumuso ako.
"Kakain ako kapag nalaman ko mula sayo na masarap akong magluto." mayabang nyang sabi.
Natawa nalang ako saka ko sinimulang sumubo. Ngunit agad kong naitaas ang dalawang kilay ko nang magulat ako sa lasa. Napakurap ako saka napatingin sa carbonara. Ang sarap. Patango-tango akong naglipat ng tingin kay Kade, nakita ko na ang nagtatanong nyang tingin. Napangiti ako saka muling sumubo na talagang sarap na sarap sa kinakain.
"How is it?" tanong nya.
"Ang saraaap." mahaba pang sabi ko saka muling sumubo.
Natawa lang sya kaya hindi ko narin naiwasang matawa. Ibinigay ko sa kanya ang isang tinidor, hindi naman nya iyon tinanggihan. Sabay naming kinain ang carbonara, talagang sobrang sarap ng pagkakaluto nya doon. Kung sya ang iha-hire ko bilang cook ko habang buhay ay tataba siguro ako. Magkano naman kaya ang hihingin nyang sweldo? Natawa ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/227570018-288-k849143.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
Lãng mạnYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.