Chapter 47

221 11 0
                                    

Chapter 47



Hanggang sa lumipas ang gabing 'yon. Naroon ako sa hospital para magbantay kay Lolo. Wala si Lola dahil bukod sa marami s'yang kailangang asikasuhin ay inaasikaso n'ya rin tungkol sa mga mamanahin ko. Wala akong tulog dahil sa pagaalala, hindi parin gumigising si Lolo. Mamayang hapon na ang flight ko, ngunit hindi ko alam kung paano aalis sa ganitong sitwasyon ng Lolo ko.

"Wala kang tulog?"

Dinig kong tanong ni Nathan nang makapasok s'ya sa pinto. Umiling ako saka nagbalik ng tingin kay Lolo. Paulit-ulit ako sa pag-buntong hininga, umaasa na sana ay maibsan non ang kaba na nararamdaman ko. Inabutan n'ya ako ng gatas na nasa bote, tipid akong ngumiti sa kan'ya saka muling nagbalik ng tingin kay Lolo. Nagdadalawang isip ako kung babalik na ba ako ngayon sa Pilipinas, o ipagpapaliban ko muna. Ngunit kung hihintayin ko pang bumuti ang kalagayan ni Lolo bago ako umuwi ay sigurado akong matatagalan iyon.

"Ikaw muna ang bahala rito." nilingon ko si Nathan.

"Where are you going?"

"Tatawagan ko si Kade."

Tumango s'ya kaya agad na akong lumabas. Inilabas ko ang phone ko nang makarating ako sa hallway ng hospital saka dinial ang number ni Kade. Ilang segundo pa iyong nagring, ngunit ganoon nalang ang gulat ko nang i-decline n'ya iyon. Nangunot ang noo ko ngunit muli nalang nagdial, baka napindot n'ya lang. Ngunit hindi pa man nagri-ring ay mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko, kasalukoyan s'yang may kausap na iba sa phone kaya hindi ko s'ya matatawagan. Napa-buntong hininga nalang ako saka muling pumasok sa loob ng room ni Lolo.

"What's with that face?" tanong ni Nathan sa akin.

Naupo ako sa sofa doon saka inis na ipinasok ang phone sa bulsa ko. Sino namang kausap n'ya? Ipinagkrus ko nalang ang mga braso ko, madalang magkaroon ng kausap si Kade sa phone, kaya ipinagtataka ko kung sino ang kausap n'ya sa ganitong oras. Gabi pa doon o kaya naman ay madaling araw dahil wala pang tanghali dito.

"Hindi ko ma-contact si Kade." bumuntong hininga ako.

"Baka busy?"

"Yeah."

Ibinaling ko nalang ang tingin kay Lolo. Maayos naman s'yang tingnan ngunit sabi ng Doctor ay apektado na ng sakit n'ya ang buong katawan n'ya. Gagawin daw nila ang lahat pero nakay Lolo parin ang desisyon, kung pipiliin n'yang lumaban o magpahinga nalang. Ang buong katawan ni Lolo ay namumutla, hindi ko maiwasang kabahan lalo na sa tuwing hahawakan ko ang kamay n'ya.

"He needs you." dinig kong sambit ni Nathan.

"Ipagpapaliban ko muna siguro ang pag-uwi." sabi ko nang hindi nililingon si Nathan, "Maiintindihan naman siguro ako ni Kade."

"Maiintindihan ka non." batid kong nakangiti si Nathan kahit hindi ko s'ya lingonin.

Ngumiti ako habang nakay Lolo ang tingin, naaalala ko kung gaano s'ya kapursigido na turoan akong magbisekleta noon. Naalala ko rin kung gaano n'ya ako kapaborito, parati n'ya akong nilulutoan ng carbonara, silang dalawa kase ni Lola ang talagang magaling sa pagluluto non.

"Kapag gumaling ka, Lolo, magbi-bisekleta ulit tayo." may tinig ng pangangarap kong sambit, "Pinangakuan mo ako noon, ang sabi mo ay tuturoan mo akong magpalipad ng sarangola, ang kaso ay bigla kayong umalis noon patungo sa ibang bansa." inalala ko ang sandaling iyon.

Iyong sandali na umiiyak ako dahil hindi ko sila naabutan paggising ko. Tsokolate lang at teddy bear ang naabutan ko, iniwan nila iyon para sa akin.

"Naalala mo, Lolo? Noong samahan mo akong magtago sa theatre room dahil pinipilit nila akong pakainin ng gulay. Nagtago tayo non dala 'yong niluto mong spaghetti, tawa tayo ng tawa." natatawa kong kwento.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon