Chapter 15
"Goodmorning, Master." bati ko.Agad akong nangapa sa susunod kong sasabihin. Hindi agad ako nakakilos. Pinakiramdaman ko ang seryosong titig sa akin ni Kade, mukhang wala na syang planong magsalita. Tuloy ay nakaramdam ako ng ilang, hindi ko alam kung sa papaanong paraan pa ako ngingiti, mukha na akong timang. Nakamot ko ang aking sentido hanggang sa mahimas ko ang sariling batok, nananatiling seryoso ang tingin sa akin ni Kade. Anong gagawin ko?
Sa napakagandang pagkakataon ay narinig kong bumukas ang pinto. Tuloy ay naagaw non ang mga tingin at atensyon ni Kade, nakahinga ako ng maluwag. Nilingon ko kung sino ang pumasok, si Miss Erin. May dala syang tray na naglalaman ng pagkain. Bigla ay napanguso ako nang makita ko ang palitan ng ngiti nila Kade at Miss Erin, para silang magkarelasyon na sabik sa isa't-isa. Pilit ko nalang na inayos ang sarili ko, nag-iwas ako ng tingin saka kunwaring inililibot ang paningin ko sa buong office ni Kade.
Dapat ay hindi ko sya magustohan... Pinilit kong ipaliwanag sa aking sarili kung bakit iyon ang nasa isip ko. Hindi maaari dahil mukhang iba ang gusto ni Kade. Isa pa ay boss ko sya, kaibigan rin sya ng boyfriend ng bestfriend ko, siguradong nakakailamg iyon. Ayaw ko narin munang maramdaman ulit ang sakit ng pagkabigo sa pag-ibig, naaalala ko pa lang kung gaano ako dinurog ng pagiging broken hearted noon ay natatakot na ako.
Muli akong napalingon sa pinto nang bumukas iyon, labis kong ipinagpasalanat dahil may mapagbabalingan na ako ng atensyon. Ganoon nalang ang ngiti ko nang makitang si Jeremy ang iniluwa non, nakangiti narin ito habang nakatingin sa akin. Tiningnan nya pa ang kabuoan ko, sa pagkakataong iyon ay hindi ko magawang mailang sa kanya lalo pa't nakay Kade ang pagkailang ko kanina pa man.
"Goodmorning." ngiti ko kay Jeremy.
"Goodmorning, Leianna." nakangiti ring bati nya, "You look good." aniya na muling tiningnan ang kabuoan ko.
Naka simpleng jeans at polo shirt lang si Jeremy, dahil nga umaga pa ay wala pa syang trabaho. Parang ngayon pa lang ako magkakaroon ng pagkakataon na tingnan ng maigi si Jeremy, gwapo rin ito, hindi maipagkakaila. Maganda ang pangangatawan at mas matangkad sya sa akin ng kaunti. Kung susumain ay parang nagsasapakan sa itsura itong si Jeremy at Kade kapag pinagtabi, ngunit hindi rin maitatanggi na unang suntok palang ng itsura ni Kade sa kahit na sino ay knock out na agad ang mga ito. Para sa akin ay kakaiba talaga si Kade, kaya nga lang ay hindi magiging akin. So sad.
"Ang aga mo ah?" tanong nya sa akin.
"Kailangan eh." ngumiti ako, "Ikaw rin, ang aga mo?"
"May kailangan lang akong sabihin kay Master." tugon nya.
"Tell what you need, then leave."
Agad akong napalingon kay Kade nang marinig ko ang seryosong boses nya. Napalunok ako nang makita kung gaano kasama ang tingin nya sa akin, ganoon narin nang maglipat sya ng tingin kay Jeremy. Nakita ko pang napakamot si Jeremy ngunit hindi man lang kinabahan, bumilib tuloy ako. Siguro ay matagal na sya dito kaya sanay na sya sa ugali ng Barbarian King. Natawa rin ako sa sariling bansag kay Kade ngunit muli lang rin akong sumeryoso. Dapat kase ay binigyan nya ako ng rules na bawal pala ang magdaldalan, edi sana ay nag goodmorning nalang ako kay Jeremy at hindi na nagsalita pa ng sobra.
"Hindi ako makakapasok mamaya, Master. Kailangan ako ng Lola ko sa hospital, walang magbabantay sa kanya." saad ni Jeremy.
Napalingon ako sa kanya. Isa sa mga gusto ko sa isang lalaki, ang mapagmahal sa pamilya. Nakakatuwa na kaya nyang ipagpaliban ang trabaho nya para sa Lola nya, simpleng bagay man iyon para sa ilan ay napakalaking bagay non para sa akin. Nakita ko pang sulyapan ako ni Jeremy saka sya ngumiti, hindi ko narin naitago ang paghanga ko sa kanya, sinuklian ko rin sya ng ngiti. Ayos pala 'tong bartender ng buhay ko. Natawa ako sa naisip, bagaman biro lang iyon ay hindi ko maiwasang mapangiti.

BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomanceYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.