Prologue

1.3K 26 1
                                    

Read at your own risk.

________

Prologue



"Leianna! Leianna!"

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang nasa loob ako ng aking kwarto at nakaupo sa kama ko. Hindi parin ako matigil sa pag-iyak, hindi na nga siguro ako matitigil sa pag-iyak. Hindi ko matanggap na wala na si Daddy, kalilibing nya lang kanina.

At ngayong sumisigaw ang Ate ko ay dahil sa ginawa ko kanina, nag walk out ako sa hapag kainan dahil ako ang pinaguusapan nila kasama ang dalawa ko pang Ate. Ngayong wala na daw si Daddy ay hindi na nila kailangang umarte na gusto nila ako, tutal ay Anak lang naman ako sa labas ni Dad.

"Leianna!"

Nag-angat ako ng tingin kay Ate Chloe, galit na naman ang makikitang expression sa mukha nya, parati nalang. Nakapamewang syang nakaharap sa akin, nagbaba ako ng tingin. Ngunit marahas nyang iniangat ang baba ko upang magpantay ang tingin namin.

"Do you think buhay Prinsesa ka parin ngayong wala na si Daddy?" galit na tanong nya, "Huwag mo akong inaartehan Leianna, ah! Daddy is not here to save you!"

"I know." basag na ang boses ko dahil sa sobrang pag-iyak, "I know, okay?" ako rin ang sumuko, "What do you want?"

"I want you to get yourself out of here!" sigaw nya, "Get lost!"

"What do you mean?" agad ko syang hinarap, "Pinapalayas mo ako?"

"Boba ka ba? malamang!" sigaw nya saka binuksan ang cabinet ko, "Bring all of this shits with you! umalis ka na dito!" aniya saka inihagis palabas ang mga damit ko.

Napapikit nalang ako saka nagpatuloy sa pag-iyak. Sa mga ganitong oras ay wala na akong matatakbuhan. Si Mommy na hindi ko totoong Ina ang syang parating nag-aalaga sa akin kahit pa anak ako sa pagkakamali, matagal na syang patay dahil sa breast cancer. Si Daddy ay wala narin. Ang Lolo at Lola ko na magulang ni Daddy ay nasa ibang bansa nakatira, malayo sila at hindi ko pwedeng takbuhan.

"You know what? ikaw ang malas sa pamilya na 'to eh! kung hindi ka lang sana sinundo ni Daddy noong naglakwatsa ka ay hindi ito mangyayari. Kaya lumayas ka na!" sigaw nya saka inilabas ang maleta mula sa ilalim na drawer ng cabinet ko.

Tama, kasalanan ko.

Tahimik akong napahikbi saka ipinasok ang mga gamit ko sa maleta. Pinanood lang ako ni Ate Chloe, mas matanda sya ng apat na taon sa akin. 26 na si Ate Chloe, ang isa ko pang Ate na si Ate Jheanne ay 28 na at si Ate Zaina ay 32. Ako ang pinakabata, bente dos anyos palang ako.

"I don't know where to live." sambit ko nang maayos ang gamit ko, "Why are you doing this to me?" muli akong naluha.

"Bastarda! We don't like you!" mataray na aniya, "Lumayas ka na bago pa kita ipakaladkad sa guard!"

Huminga ako ng malalim saka ginuyod palabas ang maleta ko. Hanggang sa makababa ako ng hagdan at madaanan namin sina Ate Jheanne at Zaina na nakatingin na sa akin, pareho silang nakangisi. Hindi ko na tinagalan pa ang tingin ko sa kanila saka ako lumabas ng pinto.

Narinig ko na ang malakas na pagsara ng pinto, ngayon ay hindi ko na alam kung saan tutungo. Pumunta ako sa kotse ko na naka park sa grahe, kung sana lang ay hindi ako nasiraan noong araw na iyon ay baka buhay parin si Daddy hanggang ngayon. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko.

"What do you want to be when you get older, Leianna?" tanong ni Daddy.

"I want to be a Doctor, Dad! so that I can help Mommy, I will make her feel better."

"Ohh so sweet of you, honey." dumating si Mommy sa pool area dala ang meryenda.

"Stay with me forever, Please. I don't want to be alone." malungkot kong sabi, niyakap nila akong pareho.

"If only I can bring back the past..." muli akong naluha saka inistart ang kotse ko.

Nilingon ko ang mansyon nang tuloyan akong makalabas ng gate. Ang mga ala-ala namin nila Mom at Dad ay maiiwan sa loob ng mansyon na ito. Ipinangako ko noon kina Mommy at Daddy na balang araw ay ang mansyon na ito ang makakasaksi sa saya ng pamilyang mabubuo ko balang araw.

"It's my pleasure being a Benitez." ngumiti ako sa mansyon, "I'll be back, Mom, Dad. I'll get what they stole from me." mapait akong ngumiti saka pinaandar ang sasakyan.

Hindi ko alam kung saan pupunta. Bakasyon ngayon, ang lahat ng kaibigan ko ay out of town, ang iba ay out of country.

Samantalang ako ay out of house, unlucky me pancit canton.

Dinial ko ang phone ko upang tawagan sana ang isa sa mga kaibigan ko na malapit lang ang tinutuloyang condo. Umuulan at maraming sasakyan kaya hindi ako nagpadalos-dalos sa paggamit ng phone.

"Hello?" sinagot ito ni Clara.

"Hello, bessybitch?" sambit ko.

"Hey bitch! napatawag ka?" natutuwa nyang tanong.

"Hey I need your help, may space ba sa condo na tinutuloyan mo?"

"Meron naman, why? what happened? naglayas ka ba?"

"Pinalayas ako." huminga ako ng malalim, "Wait for me, kung pwede ay pakisabi dyan na kukuha ako ng unit." sambit ko.

"Yes, Sure. No problem."

"Thankyou, Bitch, you're the best."

"Always welcome, bitch." natawa ito, "Nasaan ka na ba?"

"On my way."

"Are you driving?" tanong nya, "If you're driving, put your phone down, delikado."

Bago pa man ako makasagot sa sinabi nya ay lumipad na naman ang isip ko. Ito kaya ang dahilan ng pagkabangga ni Dad? tinatawagan nya kaya ako noon kaya nawala ang atensyon nya sa daan at naaksidente sya? Tuloy ay naalala ko ang masasayang ala-ala namin ni Mom at Dad. Kung paano nila ako alagaan sa tuwing nagkakasakit ako, iniiwan pa nila ang kompanya para lang maipagluto ako ng masarap na pagkain.

Wala sa sarili akong napangiti.

Ngunit huli na nang makita ko ang pasalubong na kotse sa harap ko, maging ang malakas na busina nito na nagpabingi sa tainga ako.

"Leianna!?"

Ang sigaw na iyon ni Clara ang huli kong narinig bago ako lamunin ng dilim at sakit ng katawan. Hindi pa man ako nahihirapan ay ako na mismo ang sumuko, alam ko kung saan ito papunta. Nagmanhid ang katawan ko, napakaraming nagsisigawang tao sa paligid ko.

Ramdam ko na ang pagtulo ng dugo mula sa ulo ko. Pinilit kong huminga ng malalim ngunit may nakaipit sa dibdib ko kaya hindi ko magawang huminga ng maayos.

Mom, Dad.

Tuloyan akong binalot ng kawalan.

________

next.




LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon