Chapter 17

297 16 0
                                    

Chapter 17

"I'll pick you up tomorrow." dinig kong sabi ni Kade nang makabalik kami sa office nya.

Natigilan pa ako sa sinabi n'yang 'yon. Bago na naman ba sa kanya ang sumundo ng babae? Hindi ko na naman maiwasan ang mag-isip. Sa bawat galaw nya ay iniisip ko kung sa akin nya lang ba ginagawa ang mga iyon, at kapag napatunayan ko namang ginagawa nya rin iyon sa iba ay hindi ko maiwasang malungkot. I should stop thinking this way, malamang may ibang babae narin syang sinusundo noon 'no! Hini parin inaalis ni Kade ang tingin sa akin.

"Ha? hindi na, may sasakyan naman ako." tanggi ko.

"I know." malamig nyang tugon, "But that's a party, and you're my date. Hindi magandang tingnan kung magkahiwalay tayo ng sasakyan."

Dateㅡwhat? Hindi ko na naman naiwasang mabigla sa sinabi nyang 'yon. Pinilit ko nalang ipaintindi sa sarili ko na date talaga ang kadalasang tawag sa mga nakakapareha mo sa isang okasyon, hindi ko nagawang kiligin.

Napangiti nalang ako saka tumago. Hawak ko parin ang kulay puting dress na napili nya para sa akin. Excited ako para bukas pero mas lamang ang kaba ko. Sanay naman na ako sa mga party, bongga man o simple lang. Sadyang hindi ko lang talaga maiwasang kabahan dahil sa partner ko, paniguradong marami syang kakilala doon, marami rin siguro ang mga matang aaligid sa kanya. Paniguradong kukwestyonin ng lahat kung bakit ako ang kasama ng gwapong nilalang 'to. Nilingon ko si Kade, hindi na talaga siguro mababago ang ganoon kaseryoso nyang ekspresyon.

"Para saan ba yung party, Master?" hindi ko naiwasang magtanong.

"Opening ng company branch ng Tito ko, iyong isa sa mga kasama ni Daddy na nagpunta dito." tugon nya.

Naalala ko iyong naginoman kami kasama ang si Mr. Enrico. Kung ganoon ay isa sa mga kasama nya ang may-ari ng branch na mago-open. Nakaramdam ako ng tuwa, naging malapit kase ako sa mga kasamahan ni Mr. Enrico nang gabing 'yon, kung buhay lang sana ang Daddy ko ay magka vibes silang lahat panigurado. Nakaramdam ako ng lungkot ngunit pinilit kong waglitin iyon.

"Okay, Master." ngumiti ako.

Hindi na muling nagsalita si Kade, ni hindi man lang sya nag-angat ng tingin para ngitian rin ako. Talagang napakasungit ng lalaking 'to, daig pa iyong mga babaeng nireregla.

Lumipas ang ilang oras ay lumalalim na ang gabi. Nananatili ako sa office ni Kade. Hindi ako umalis doon. Tuloy ay bigla kong naisip na ganito lang ang trabaho ko bilang P.A. Kung tutuosin ay hindi naman talaga kailangan ni Kade ng P.A, hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit nya pa ako ni-hire sa ganitong trabaho. Siguro ay tagapili lang ako ng mga susuotin nya, tagabitbit ng gamit o kaya naman ay tagabili ng mga kakailanganin nya. Inshort, The 'taga' girl. Ngumiwi ako.

Nakailang labas pasok na si Kade sa office nya. Maya't-maya kase ang pagchecheck nya sa nangyayari sa labas, lalo pa't nagkaroon daw ng maliit na gulo doon kanina at hinahanap sya. Hindi na tuloy nawala ang pagkaka-kunot ng noo nya habang palipat-lipat ang tingin sa papel na nasa kanyang lamesa. Paulit-ulit narin ang paghikab ko dahil sa antok, kung pwede lang akong matulog sa mismong kinauupoan ko ay ginawa ko na. Ang kaso ay takot ako sa boss kong parating may toyo, hmp.

Naisip kong lumabas ng office nang mapansin kong hindi parin bumabalik si Kade simula nang lumabas sya kanina. Siguro naman ay hindi nya ako papagalitan kung lalabas ako ng kahit ilang minuto lang. Inaantok akong naglakad sa hallway, nang marinig ko ang dumadagundong na music ay bigla akong napa-headbang. Ayon na at napapangiti na ako sa ganda ng music. Inilibot ko ang tingin sa buong bar, mas dumami pa ang tao kesa noong una akong magpunta rito.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon