Chapter 50
Nang akalain kong makakaalis ako pagkatapos picturan ni Kuya Ben ang mga pagkain at alak ay nagkamali ako. Nanatili ako sa Aero Club dahil umalis si Kade at Erin. Wala akong ideya kung saan sila pupunta ngunit sa ngiti palang ni Erin ay halatang hindi trabaho ang dahilan ng pagalis nila. Pinagaan ko ang loob habang ikinakalma ang sarili sa loob ng office ni Kade, magisa lang ako dito kaya sinubokan kong i-relax ang sarili.
Hindi ko alam kung tuloy ba ang plano nila Ate na magpunta dito mamayang hapon, hindi ko maiwasang kabahan. Sa taray ng mga 'yon ay santo lang ang hindi nila mababara. Nilingon ko ang upoan ni Kade, bahagya akong napangiti habang inaalala kung paano kami maglambingan dati. Kung paano s'ya ngumiti sa harapan ko, kung paano n'ya ako yakapin at halikan sa labi man o sa noo. Hindi ko naiwasang maluha at masaktan ng todo.
Pinunasan ko ang mga luha ko saka ako nagiwas ng tingin doon saka sinikap kalimutan ang nasa aking isipan. Muli kong inalala iyong gabi kung saan iniwan n'ya akong magisa sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan at piniling isilong si Erin sa kan'yang sasakyan. Sa tuwing naaalala ko iyon kung kailan s'ya nakipaghiwalay sa akin ay hindi ko parin maiwasang masaktan. Muli na naman akong naiwan, ang tanging papel ko lang yata sa mundo ay ang maiwang luhaan.
Hindi ko lubos maisip na iyon na ang huli, na iba na ang magiging laman ng kan'yang panaginip gabi-gabi. Na hindi na ako ang parati n'yang hahalikan sa labi, wala na akong ibang magagawa kundi ang umiyak sa isang tabi. Kung noon ay kamay ko ang paborito n'yang hawakan, ngayon ay kamay na ng babae na aking pinagseselosan. Kung noon ay yakap, ngiti at halik n'ya ang palagi kong naaabutan, ngayon ay parang hangin n'ya nalang akong dinadaan-daanan.
Nagpatuloy ako sa pagluha, ito ang perpektong sandali upang umiyak dahil walang nakakakita. Natakpan ko ng aking kamay ang aking mukha saka ko hinayaan ang aking pisngi na mabasa ng luha. Ganoon nalang kadali sa kan'ya ng pakawalan ako, ganoon nalang kadali sa kan'ya ang itapon iyong mga pangako na ipinangako n'yang hindi mapapako. Ganoon kabilis n'yang kinalimutan ang lahat simula nang kami'y magkatagpo.
May biglang kumatok sa pinto kaya agad kong ikinalma ang sarili at itinigil ang pag-iyak.
"Come in." halos mabarag pa ang boses ko.
Nang bumukas ang pinto ay doon ko nakita si Nathan. Agad akong nagulat saka ako tumayo at lumapit sa kan'ya. Ang inalala ko ay baka maabutan s'ya ni Kade rito ngunit gusto kong matawa. Wala na nga pala kaming dalawa.
"Wala naman na akong ginagawa so I've decided na samahan ka nalang ngayon." aniya.
Bumuntong hininga ako saka s'ya pinapasok. Naupo ako sa kaninang inuupoan ko saka umupo si Nathan sa kaharap kong upoan. Ang mga tingin n'ya ay inilibot n'ya sa buong office ni Kade. Bakas na sa itsura ni Nathan ang paghanga, napaka ayos kasi ng office ni Kade, maski alikabok ay wala kang makakapa. Ako ang naglinis eh.
"So, ayos na kayo?" tanong ni Nathan nang maibalik ang tingin sa akin.
Ngumuwi ako saka inirapan s'ya, "Hindi gano'n kadali 'yon."
"I can explain everything to him." presinta n'ya.
Natigilan ako, inisip kong pupwede ngang maniwala si Kade kapag nagpaliwanag si Nathan. Ngunit kalaunan ay nanamlay lang rin ulit ako. Knowing Kade, hindi nga nakinig sa akin 'yon, kay Nathan pa kaya?
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomanceYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.