Chapter 1

630 21 0
                                        

Chapter 1




"Iyon lang ang naaalala ko." ngumuso ako.

Kasama ko si Clara. Tatlong buwan na ang nakalipas simula nang mangyari ang aksidente. Narito na nga ako ngayon sa condo building na tinutuloyan ni Clara. May unit ako dito, dumadalaw ako kay Clara sa tuwing bored ako dahil sa susunod na floor lang naman ang unit nya.

Ngunit nakakapagtaka na hindi ko matandaang na-ospital ako?

"Tama na nga ang pagkukwento at baka sumama pa ang pakiramdam mo ng dahil sa akin." natatawang sabi nya habang kumakain sa mesa.

Matagal na kaming magkaibigan ni Clara, simula elementary hanggang sa gumraduate kami ng college. Nakakamangha ang tapat na pagkakaibigan naming dalawa, halos mas itinuring ko pa nga syang kapatid kesa sa mga half sisters ko.

"Kailangan kong magtrabaho." napahawak ako sa ulo ko.

"Ubos na savings mo?" taas kilay nyang tanong.

"Hindi ako puwedeng umasa sa savings na natitira sa bank account ko, Clara."

"Bakit? magkano nalang ba? 10 thousand? 20 thousand?"

"4." ngumuso ako.

"Pesos!?" gulat nyang tanong.

"Million."

"Ay tangina ka." halos ibato nya sa akin ang ham na hawak nya, "Sa 4 million na natitira sayo namomroblema ka? edi dapat pala madepress na ako kase 100 thousand nalang natira sakin?" nakakaloko nyang tanong.

"You don't understand, ni-save ng Daddy ko ang pera na 'yon para sa akin, ayaw kong maubos agad." nasapo ko ang ulo ko.

"Hoy lukaret, hindi agad-agad nauubos ang apat na milyon." inamba naman nya sa akin ang hotdog, "Soplagin kita ng hakdog eh." banta nya.

Sanay na kami ni Clara sa ganitong biruan. Maganda si Clara, sobra. Mas matangkad sya sa akin, maputi amg balat nya at mahaba ang straight na buhok, para syang model. Nakabukod na sya sa family nya dahil gusto nya daw maging independent. Galing sya sa mayaman na pamilya ngunit lumaking loka loka.

"May alam ka bang pwede kong pasukan?" tanong ko.

"Hindi ka tatanggapin sa kompanya na pinapasukan ko, mas mukha ka pang boss kesa sa boss namin eh." natawa sya, "Saan mo ba gusto?"

"Kahit saan basta may sweldo." ngumuso ako saka sumadal sa sofa na kinasasadlakan.

"Ano bang skills mo?" sumubo sya ng pagkain.

"Kaya kong maglakad ng straight kahit lasing, kaya kong matulog sa sofa ng hindi nahuhulogㅡ"

"Korni mo, 'te."

Tahimik akong natawa.

"Eh kase alam mo naman kung anong mga kaya kong gawin, tinatanong mo pa."

Hindi pa man nagtatagal ay nagring ang phone nya. Malawak ang ngiti nya nang sagotin iyon. Napangiwi nalang ako dahil mukhang may boyfriend na si gaga, napagiiwanan ako. Isa palang ang nagiging ex ko, at sobra akong nasaktan noong iniwan nya ako kaya hindi na ako umulit.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon