Chapter 10
"H-Ha?"
Iyon ang naging reaksyon ko sa sinabi nya. Seryoso syang lumapit at naupo sa lounge chair na hindi kalayuan sa inuupoan ko. Seryoso syang sumandal doon saka seryoso paring sumimsim ng alak na nasa baso na hawak nya. Ngumuso ako saka nagbalik ng tingin sa swimming pool nang hindi na ulit sya nagsalita.
"Bakit ka nandito? akala ko ba naguusap-usap kayo sa loob?" tanong ko sa kanya.
"They're talking about travelling abroad, I'm not interested." sambit nya.
Hindi ko naalis ang tingin sa kanya, totoo ngang halos wala na syang oras para sa sarili nya. Kaya pala narinig ko na halos mamiss nya ang mga gimik nilang magbabarkada dahil ganito sya, palaging hindi interesado sa lahat. Hindi ko sya masisisi kung napamahal sya sa business nya at talagang ayaw nyang mabigo ang daddy nya. Pero siguro ay kailangan nya rin ng pahinga, masyadong toxic ang puro trabaho lang at hindi man lang naglilibang.
"Join them." nasabi ko nalang, "Give yourself a time." ngumuso ako.
"I don't need it." aniya matapos sumimsim ng alak, "I hate travelling." dagdag nya.
Pangarap ko pa naman na magtravel kami ng magiging boyfriend ko soon. Napanguso ako sa naisip. Hindi sya mahilig magtravel. Naiwas ko ang tingin saka huminga ng malalim. Bigla ay gusto kong sapakin ang sarili ko. Bakit ko ba iniisip ang mga 'to? as if naman na magiging kami nitong gwapong nilalang na 'to? bukod sa wala sa plano ko ang makipag relasyon sa kanya ay hindi naman ako papatulan nito 'no. Asa ako.
"Masyado kang workaholic." sambit ko, "Tuwing kailan nga lang pala ang trabaho ko sayo?"
"Sunday is your day off."
"Okay."
Hindi sya nagsalita, uminom lang sya ulit ng alak sa baso. Nakita ko pang gumalaw ang adam's apple nya, hindi ko maiwasang mapalunok. Ngunit bago pa man ako magpantasya ay iniwas ko na ang tingin saka nameke ng ubo.
"I-Iyong tungkol kagabi..." parang may bumara pa sa lalamunan ko nang sabihin ko 'yon.
Nilingon nya ako, naghahantay ng susunod kong sasabihin. Huminga muna ako ng malalim saka lumunok. Pakiramdam ko ay nanghina ang mga buto ko sa katawan, nahihiya akong i-open up ang topic na 'to pero kailangan nyang malinawan dahil ayaw kong palagi nalang akong naiilang sa tanang buhay ko sa tuwing nakakasama ko sya.
"Naalala ko na sinabi ko sayong gusto kong ligawan mo ako." awtomatiko ko syang nilingon, "I was just so drunk that night, I don't mean it." agad na depensa ko.
Nakita ko syang tumango saka muling ininom ang alak sa kanyang naso hanggang sa maubos nya iyon. Hindi ko talaga mapigilang panoorin ang bawat paglunok nya, nagdudulot sa akin 'yon ng kakaibang pakiramdam. Iyong pakiramdam na parang napakasarap nyang panoorin ng lumulunok habang nasa akin ang paningin, tuloy ah tumayo ang mga balahibo ko sa sariling iniisip. This is wrong.
"You're drunk but you can still remember everything you said, huh?" sarkastiko nyang tanong, "People can't remember what they did when they were so drunk." dagdag nya.
Agad akong napalunok sa narinig. Isang malaking pagkakamali. Nasambunotan ko ang sarili ngunit agad ring umayos ng pagkakasandal sa lounge chair. Huminga ako ng malalim saka ikinalma ang sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/227570018-288-k849143.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
Roman d'amourYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.