Chapter 43

234 11 0
                                    

Chapter 43





"Who's the caller?" tanong ni Kade nang makabalik ako sa kanila.

"W-Wala."

Napalunok lang ako hindi ko alam kung paano aalisin sa isip ko ang sinabi ni Ate kanina. Binigyan n'ya ako ng regalo? Napakurap ako. Hindi ko alam kung si Ate ba talaga 'yon o nagpapanggap lang. O worst, baka may plano. Bumuntong hininga ako. Ibig sabihin ay akin iyong regalo. Pero bakit galing sa anonymous company? Naipitik ko ang dila sa loob ng bibig ko, hindi ko alam kung ano ang dapat isipin dahil sa biglaang pagtawag ng Ate ko pati narin ang pagbibigay nya ng regalo.

"Ay punyeta!"

Bumalik ako sa wisyo nang marinig ko ang sigaw na iyon ni Clara. Nakatingin na sila doon sa box habang binabasa ang nakasulat mula sa isang mahabang papel na mukhang plane ticket. Para saan?

"Para kay Leianna pala 'to eh! Nagpagod pa tayo." ngiwi ni Nica.

"Ano 'yan?" kunwari kong tanong.

Nang makalapit kami ay nakita ko pa ang isang nakatuping papel sa loob. Sa unang tingin ay alam kong sulat iyon. Inalis ko doon ang tingin saka ko tiningnan ang hawak ni Clara.

"Plane ticket papuntang France."

Muli akong napakurap habang nandoon ang paningin. Nangunot ang noo ko nang makitang bukas na ang schedule ng flight. Agad kong kinuha ang sulat na nandoon, saka ko ito binasa. Mabuti na lamang at nakuha nila ang ekspresyon ng mukha ko, hinayaan nila akong basahin magisa ang sulat. Paulit-ulit ang pagbuntong hininga ko.

To: Leianna Reese Benitez.

                      This is a plane ticket to France. We have heard you already got the resort back, so we decided to send it there. Daddy's parents are in Paris, France, they wanna meet you. Grandpa have a cancer, he's looking for you. They wanna tell you something important so we can't come, the moment is just for the three of you. Come home tomorrow before your flight, let's have a talk. We hope you're fine wherever you are now. Sorry.

From: Chloedette Benetiz.

Saglit kong nailipat ang tingin ko sa kawalan. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil ito ang unang beses na hindi nya ako ininsulto. Ngunit hindi ko rin maiwasang manabik, makikita ko ang Lolo at Lola ko na matagal ko nang hindi nakikita. Ngunit hindi nawala ang lungkot. He have cancer. Bumuntong hininga ako saka ibinalik sa box ang sulat. Kinuha ko ang plane ticket saka iyon muling tinitigan.

Hanggang sa makabalik kami sa hotel ay tulala ako. Hindi ko alam kung dapat ko nga bang tanggapin iyon, kung pupunta ba ako sa France. Pero kailangan ako ng Lolo at Lola ko, kung sakaling pupunta ako ay iyon nalang ulit ang pagkakataon na makakasama nila ako at makakasama ko sila. Nabawi ng kalansing ng mga kutsara ang atensyon ko, nakita kong nakalapag na amg iniluto ni Clara para sa tanghalian. Umayos ako ng upo saka nilingon si Kade ma binabasa ang sulat.

"So... You'll go to France tomorrow?" tanong nya.

Nagkibit balikat ako. Gusto kong isama si Kade, pero alam kong hindi pwede. Ang mga Ate ko ay hindi pinayagang sumama kaya alam kong higit pa si Kade. Bumuntong hininga ako saka nagsimulang sumandok, nagsimula narin silang kumain.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon