Chapter 12

297 20 0
                                    

Chapter 12

"Swimming tayo!" anyaya ni Clara nang mahimasmasan sa proposal ng nobyo.

Ako naman ay napahawak sa ulo. Hindi ko alam kung lasing ako o ano, malinaw pa naman sa akin ang nangyayari at hindi ako inaantok. Siguro nga ay tinamaan lang ako ng kaunti sa alak pero hindi pa ako lasing. Mas diniinan ko ang pagkakasandal ko sa lounge chair.

"Bubby, you're drunk." pigil sa kanya ni Khent, "Stay here." utos nito.

"Swim with me." nakangiting ani Clara saka hinubad ang tshirt nya.

Doon tumambad ang magandang kurba ng katawan ni Clara. Sina Dave at Bryle ay natatawang pinanood si Clara na ihagis ang damit nya kay Khent. Si Kade naman na pasimple kong nilingon ay nasa alak ang tingin, paulit-ulit nya 'yong tinutungga.

"Fuck." tumayo si Khent nang akmang huhubarin ni Clara ang palda, "Are you insane? stop that." inis na aniya sa nobya.

"Let's swim, future husband." hinubad ni Clara ang sando ni Khent saka nya ito itinulak sa pool bago sya lumusong.

"Come near me." kinuha ni Khent ang kamay ni Clara saka nya kami nilingon, "Magswimming narin kayo, this is a celebration, come on!" anyaya ni Khent.

Nakangiti lang akong umiling. Hindi ako pwedeng magswimming ng ganito ang suot ko kaya naman alam kong magagamit ko 'to bilang excuse. Nilingon ko sina Bryle at Dave nang hubarin nila ang kanya-kanyang mga sando. Nilingon nila kaming dalawa ni Kade.

"What about you, guys?" tanong ni Dave, "Come on, Kade." nilingon nya ang kaibigan.

"I'm tired." tanggi ni Kade, "Kayo nalang." mag-iwas sya ng tingin.

"Kill joy, yeah?" ngumiwi si Bryle, "Huwag kang bitter, let's celebrate dude!" aniya saka hinila patayo si Kade.

Natawa ako sa kanila, lalo pa nang pwersahan nilang hubarin ang sweat shirt ni Kade. Ako naman ay agad na nagiwas ng tingin para maiwasang magkasala. Nakamot ko ang ulo habang nakaiwas ng tingin saka ako umayos ng upo nang dumausdos ako pababa sa lounge. Pinanood ko pa silang tumakbo sa pool saka nagdive.

"What about you, bitch!?" dinig kong tanong ni Clara, "Forever bitter!?"

"Shut up!" banta ko, "Wala ako sa mood lumangoy!" ngumuso ako.

"Walang mood mood sa akin kapag ganitong masaya ako!" aniya, "Tatayo ka o pupunta pa ako dyan para hubaran ka!?" nagbabantang tanong nya.

"Ayaw ko nga!" angal ko, "Lasing na ako, hindi ko kayang lumangoy!" sagot ko.

"Kade, oh!" nagsusumbong na sigaw ni Clara, "Tanggalan mo nga ng trabaho 'yan."

"Leianna." dinig kong tawag ni Kade sa pangalan ko.

Nilingon ko sya, seryoso syang nakatingin sa akin. Kakaiba ang pakiramdam habang nakikitang basa ang katawan nya, lalo na ang tumutulong tubig mula sa hibla ng mga buhok nya. Mas lalong pumula ang labi nya dahil sa alak, napakalambot nong tingnan. Ang mga mata nya ay naliliyo narin epekto ng alak. Naiwas ko ang tingin ko.

"Swim with us." seryosong aniya, "That's an order."

"Ano ka, chief of police?" ngumiwi ako, "Ayaw ko nga, hindi ako marunong lumangoy." palusot ko.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon