Chapter 4
Mukha akong tanga sa office ni Master dahil kanina pa sya nakaharap sa mga papeles na nasa table nya. Ako naman ay pinapanood lang syang dampotin ang mga 'yon at basahin. Naalala ko pa kung kailangan ko ba ng resume o application letter, shet!
"Ahㅡehem!" kunwari akong naubo, nailipat nya ang tingin sa akin, "Kailangan ko pa ba ng resume?" tanong ko.
Nanatili syang nakatingin sa akin. Seryoso at mukhang mangangain ng buhay. Naiatras ko nalang ang mukha ko nang makitang mas sumeryoso pa ang tingin nya sa akin. Napalunok ako saka nag-iwas ng tingin.
"You're not stupid, right?" tanong nya.
Nanlaki ang mga mata ko ngunit agad ring umaktong normal saka umayos ng upo.
"O-Ofcourse." depensa ko.
"Then that's enough." aniya saka inilapag ang mga papel na hawak, "You'll start to learn today, look for Nica, she will take care of you." aniya saka muling sumandal sa swivel chair.
"Wala pa akong uniform na susuotin?"
"Hindi ka pa magtatrabaho, pag-aaralan mo muna."
"Bukas pa ako magsisimula?"
"No questions, get out."
Napamaang ako ngunit agad ring tumayo. Seryoso parin ang mukha nya habang nakatingin sa mga papeles. Kahit magkasalubong ang kilay ay napaka gwapo nya parin, sinamahan pa ng vneck black tshirt nya at ang relo na naman nya sa kanang bisig. Kung minsan ay napapaisip ako kung gaano kabait sa kanila ang Diyos at binigyan sla ng ganoon kamilagrosong mukha.
Kung tutuosin ay mabait namang tingnan si Kade. Maamo ang mukha nya, pwera nalang kapag nagsimula nang magsalubong ang kilay nya. Sobrang laking biyaya mula sa itaas ang magkaroon ng ganito kagwapong lalaki sa mundo, kahit papaano ay may magpapakilig sa amin ng kaunti. Kung sino man ang magiging girlfriend nya ay talagang napaka malas. Jusko, ikaw ba naman ang magkaroon ng boyfriend na trabaho lang ang binibigyang importansya, masungit, masama ugali, mainipin, parating nakasimangot at ubod ng seryoso, swerte ka bang matatawag non? syempre hindiㅡ
"What are you staring at?" dinig kong inis na tanong nya.
Agad akong bumalik sa reyalidad, naiwas ko ang tingin saka lumabas nalang ng office na 'yon. Hindi na ako nag aksaya ng panahon kahit pa nabubwiset ako sa masungit na lalaking 'yon. Agad na akong nagtungo sa lugar lung saan makikita ang mga waiter at waitress.
"Uhm, excuse me?" agaw atensyon ko sa kanila, "Who's Nica, po?"
Lahat sila ay saglit pang tumitig sa akin. Bahagyang nakatabingi ang mga ulo nila habang diretso ang tingin sa akin. Hindi ko batid kung namalik mata lang ako pero halos magkakasabay na silang kumurap habang nakatitig parin sa akin. Mapakla akong ngumiti dahil sa pagkailang.
"Hi?" bigla ay sumulpot ang isang babae na kasing edad ko lang, "I'm Nica." inilahad nya ang kamay sa akin.
Walang alinlangan ko iyong inabot saka nakipagkamay. Maganda si Nica, may kaliitan nga lang ang height ngunit nangingibabaw ang ganda. Maputi ang balat nya at maikli ang straight nyamg buhok. May halong ka-cute-an ang ganda nya kaya nagmukha syang anghel, hindi ko maiwasang ngumiti ng pagkatamis sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/227570018-288-k849143.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomansaYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.