Chapter 25
"Ah yeah." ani Kade na mukhang nakuha ang ibig sabihin ng dalawa nyang kawal, "I don't have time to celebrate." seryoso nya paring dagdag.
Nakita ko pang ngumiwi sina Dave at Bryle, ako naman ay napanguso. Ganito na ba talaga ka-busy ang buhay nya at pati ang birthday nya ay nakakaligtaan nya? Kung ako ang nasa posisyon nya, kahit siguro gaano ako busy, hindi ko makakalimutan ang birthday ko. Bumuntong hininga ako. Kailan kaya sya huling nagkaroon ng birthday party?
"Kahit ilang oras lang, you have to rest and chill from work." banta ni Dave, "Tatlong taon ka nang walang pakealam sa birthday mo, Kade. Come on." nauumay pa nitong dagdag.
"Swimming tayo." suhestyon ni Bryle, "Beach party."
"There's a lot of things to do, I have no time for that." seryoso ulit na ani Kade habang nasa laptop parin ang tingin.
Ako naman ay tahimik lang na napapaisip. Busy ba talaga sya o sadyang ayaw nya lang mag celebrate? Huminga ako ng malalim saka nilingon si Dave at Bryle na nauubosan narin ng pag-asang mapipilit si Kade na magkaroon ng party.
"Please?" ako na ang nakiusap.
"I'm busy." nilingon nya ako, nauubosan ng pasensya.
"Kahit saglit lang? kalahating araw lang?" muli kong pakiusap.
Saglit nya pa akong tinitigan, napapaisip. Mukhang sa pagkakataong ito ay alam kong hindi sya tatanggi. Napangiti ako nang bumuntong hininga sya saka nag-iwas ng tingin.
"Okay." tipid syang ngumiti.
"Kapag si Leianna ay oo agad, kapag kami ay luluha muna ng dugo bago ka pumayag." kunwari pang napapahawak sa dibdib na ani Dave, "Selos ako, bro."
"Sira ulo." singhal ni Kade.
Napangiti ako saka nalang sila pinakinggan sa paguusap nila. Iniisip konna agad kung anong party ang gagawin namin bukas, kung simple lang ba o bongga. Beach party iyon kaya kailangang paghandaan. Habang naguusap-usap sila ay napapaisip ako. Tatlong taon nya syang hindi nagcecelebrate ng birthday, kailangan mapasaya namin sya bukas. Buo ang loob ko sa naisip, may idea ako ngunit hindi ko na muna pinroblema. Hindi rin naman ako sigurado kung magugustohan nya o matutuwa sya. Manhid.
"Kenth and Clara went to the mall couple of hours ago, I don't know where they are now." sambit ni Bryle, "Masyado nang nilalanggam ang dalawang 'yon, naiinggit na ako. Kailangan ko na talaga si Nica." napapatango pang aniya.
"Chick na naman ang nasa isip mo." natawa si Dave, "Nica looks so innocent, he don't deserve you, dumb." angal nito.
"I'm can change." ngumiwi si Bryle, "Pero hindi muna sa ngayon, gusto ko munang magsawa sa babae and then I'll go and get Nica." ngumisi sya sa huli.
"Ang hilig nyong paglaroan ang mga babae." doon ako sumabat, "Tapos kapag sinaktan kayo sasabihin ninyo kami ang nanggago."
"Hey, I didn't mean it that way." depensa nya, "Iba ako sa ibang womanizer out there, I'm more decent."
"Decent?" ngiwi ko.
"Well... Not really." natawa sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/227570018-288-k849143.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
Roman d'amourYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.