Chapter 28

279 16 0
                                    

Chapter 28






Hindi namin pinalampas ang lahat ng pupwede naming subokan. Nahati kaming lahat sa dalawang grupo, ang kabila ay susubok ng banana boat habang ang kabila ay mags-snorkling. Hindi na maiwasang maexcite ng lahat. Magkakasama kami nila Miss Erin, Nica, Jeremy, ang apat na kugtong at si Clara para sumakay sa banana boat. Kasama namin ang iba pang empleyado. Lulan kami ng yate, dinala kami nito sa may kalalimang parte ng dagat. Saka kami isa-isang sumampa sa banana boat.

Napuno ng tilian ang lahat, dalawang beses na umikot-ikot nag banana boat dahil hindi kami kakasyang lahat sa isang ikotan lang. Natatawa naming pinanood ang mga nalalaglag, mas sumasakit ang tiyan namin sa tuwing tumataob ang banana boat at lahat ay malaglag. Pagkatapos ay bumalik kami ng pampang upang sumakay sa yate na maghahatid sa amin sa malalim na parte ng dagat upang mag snorkling. Drippin' bro.

Suot na namin ang lahat ng dapat suotin. Kabado akong huminga ng malalim. Nasa kabilang parte ng yate si Kade kasama ang apat na kugtong at si Miss Erin. Kami naman nila Nica, Jeremy at Clara kasama ang iba pang empleyado ang nasa kabila. Lahat ay kabado hanggang sa tuloyan na kaming lumusong. Napakaganda ng ilalim dahil sa mga corals na buhay na buhay ang kulay, maging ang mga isda na iba-iba ang laki, ang iba ay may patterns ang kaliskis at iba naman ay iisa lang ang kulay.

Athr: (naol 'di takot sa corals at isda.)

Nagpatuloy kami sa paglusong. Napakasarap ng lamig ng tubig, nakakapagpa-relax. Kalaunan ay umahon narin kami. Nakita ko pang alalayan ni Kade si Miss Erin paakyat ng yate nang mahirapan ito, wala naman iyong problema sa akin. Hanggang sa makabalik kami sa cottage ay hindi na naalis ang tuwa at saya sa lahat. Ang iba ay nagkukwentohan na tungkol sa kanya-kanyang karanasan habang nags-snorkling o nakasakay sa banana boat. Hindi nakakasawang pakinggan ang kanya-kanyang moments nila sapagkat talagang nakakatuwang pakinggan na nagenjoy sila ng ganito sa kabila ng nakakapagod nilang trabaho.

"Salamat talaga at naanyayahan ninyo kami upang sumama." sambit ng isa sa mga kasama ni Mang Ben, "Napakasaya ng araw na ito."

"You're welcome po." tugon ko, "Masaya akong nagenjoy kayo." natutuwa kong sabi.

"Oo nga, thankyou po talaga." pasasalamat rin ng iba.

"Kaya pala wala akong naabutan doon maliban sa tatlong kumag." narinig kong sabi ni Kade.

Nilingon ko sya saka ako ngumiti. Ngumiti rin naman sya, ang akala ko ay magagalit sya kaya nawala ang kaba ko dahil sa ngiti na 'yon. Hindi narin kami nagtagal sa reaort, pagkatapos ligpitin ang mga gamit ay sumakay na kami sa kanya-kanyang sinakyan patungo rito upang bumalik sa bar at ituloy ang trabaho. Habang nasa byahe ay hindi ko na naalis ang tuwa, hindi ko makalimutan kung gaano kasaya ang araw na ito. Nauna sila Kade sa pagbyahe kaya alam kong nakarating na sila sa Bar.

"Babalik na ako sa condo, trabaho well." paalam ni Clara nang makarating kami sa Bar.

"Grabe, napagod ako don." sambit ni Nica habang hinihilot ang balikat.

"Kailangan parin nating magtrabaho." ani Jeremy saka ngumiti sa amin, "Diretso ako sa stockroom para icheck yung ibang alak, maiwan ko muna kayo." aniya.

Tumango kami. Si Nica naman ay nagpaalam narin na magsisimula nang maglinis dahil isang oras nalang ay darating na ang mga guests. Ako naman ay dumiretso na sa office. Ngunit bago pa man ako makapasok ay nakita ko na ang masamang tingin sa akin ni Miss Erin.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon