Chapter 48

228 14 0
                                    

Chapter 48




Napangiti ako nang makababa muli akong makatapak sa lupa ng Pilipinas. Sinalubong ko ang malakas na hangin sa paliparan. Madilim na ang langit at napupuno ng bituin, sinamahan pa ng napakaliwanag na ilaw ng buwan. Hindi ko na matanggal ang ngiti habang naglalakad patungo sa terminal at palabas. Hindi ko parin ma-contact si Kade, mas lalo tuloy akong binalot ng pagtataka at pagaalala.

Naroon na ang susundo sa akin, nakaramdam ako ng lungkot. Ang inaasahan ko ay si Kade ang sasalubong sa akin, ngunit ang narito ay ang driver sa mansion. Bumuntong hininga ako saka nalang sumakay. Sa byahe ay hindi na mawala sa isip ko si Kade, tuloy ay naisip kong baka may surpresa silang inihahanda para sa akin kaya hindi sila nagpaparamdam. Ilang oras pa ay nakarating na kami sa mansion, nang makababa ako ay agad akong sinalubong nila Ate Chloe, Zaina at Jheanne sa pinto pa lamang.

"Lei!" agad na lumapit sa akin si Ate Zaina, "Walang halong kaplastikan, I'm really glad to see you again." ngumiti s'ya.

Hindi ko na maiwasang mapangiti saka rin ako yumakap kay Ate Jheanne. Nagpunta kami sa kusina, maghanda raw kase sila para sa pagdating ko. Nakaramdam ako ng tuwa, ngunit nang makarating sa kusina ay kami lang pala talaga ang tao, walang iba maliban sa aming apat at sa mga kasambahay. Ayon na naman ang lungkot sa akin dahil umasa akong narito ang mga kaibigan ko at si Kade upanh surpresahin ako.

"So, how's France?" tanong ni Ate Jheanne.

"Ayon, France parin naman." natawa ako, "Maganda doon, maganda ang paligid, mabait ang mga tao."

"How's Lola?" tanong ni Ate Chloe.

Sa tono ng pananalita niya ay halatang alam na nila ang nangyari, na wala na si Lolo. Suminghap ako ng hangin saka sila tiningnan. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari kay Lola, kung ano na ang ginagawa nito ngayon. Naalala ko noong sinabi n'ya na susunod agad s'ya sa oras na mawala si Lolo, nakaramdam ako ng takot.

"Ayon, sobrang malungkot." tugon ko, "Hindi namin inasahan ang pagkamatay ni Lolo, masyadong biglaan."

"Yeah, naikwento nga sa amin ni Lola." ani Ate Zaina, "Eh, ikaw? Kamusta ka naman?"

Napatingin ako sa kanila, ngumiti lang rin ako kalaunan saka muling nagbalik ng tingin sa hinihimay kong pagkain.

"Ayos lang." ngumiti ako, "Nalulungkot pero ayos lang."

Hindi na sila nagsalita pagkatapos non. Tahimik kaming kumain. Nang matapos sa pagkain ay saglit pa kaming nagka-kwentuhan. Saka na nila ako inihatid sa labas, nagtaka pa ako nang makita ko ang mga bagahe ko na iniaakyat ng kasambahay sa hagdan patungo sa itaas, saka ko nagtatakang nilingon sila Ate.

"You'll stay here na." ani Ate Chloe, "Sa ating apat, ikaw ang may karapatan."

"Ate..." suway ko, "Lahat tayo may karapatan, okay?"

"Psh!" singhal ni Ate Zai, "Ikaw ang real daughter, lahat kami ay sampid." ngumiwi s'ya ngunit kalaunan ay ngumiti.

"Ah basta, you'll stay here and that's final, makabawi man lang kami sayo." ipinagkrus ni Ate Chloe ang mga braso.

"Okay, sige na nga." nagtawanan kami, "Pero... Pupunta muna ako sa pinagtatrabahuan ko, at para makapagpaalam narin ako sa kaibigan ko na dito na ulit ako titira." ngumiti ako.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon