Chapter 23
"Bakit?" iyon ang naitanong ko.
Puno parin ako ng kaba dahil sa nangyari, dahil sa narinig. Hindi ko alam kung paano sya titingnan, binalot ako ng kahihiyan. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko kung paano mariin na kagatin ni Kade ang ibabang labi nya. Nakagat ko rin ang ibabang labi ko dahil sa hiya.
He likes me? Hindi ko maiwasang itanong iyon sa sarili ng paulit-ulit. Bakit? Napapikit ako ng mariin. Karamihan siguro sa mga babae na makakakita sa kanya ag talagang papangarapin sya, maging ako rin naman. Pero sobrang nakakabigla ng nangyayari. Isa pa ay hindi ako maaaring umasa dahil lasing sya. At maaaring dala lang ng kalasingan ang sinabi nya. Lasing sya.. Napanguso ako sa katotohanan na iyon.
"I don't know." halos pabulong nya iyong sabihin.
"You're just drunk." doon ko sya nilingon, "Matulog ka na." saka ako naupo sa kama upang tumayo.
Pero ayon na naman ang kalabog ng dibdib ko nang hawakan nya ang kamay ko. Pupwede nang magkasugat ang labi ko sa diin ng pagkaka-kagat ko doon. Naramdaman ko pang marahan syang naupo, ramdam ko rin na nasa akin ang paningin nya. Pinilit kong hindi sya lingonin, kung kanina ay binabalot ako ng hiya, ngayon ay pati narin ang pagkailang. Pakiramdam ko ay magkadikit parin ang mga labi naming dalawa. Hindi ko inaasahang matitikman ko ang pinaka paborito kong parte ng mukha nya, ang kaso ay wrong timing, hindi isa ganitong sitwasyon ko iyon pinangarap tikman. Shit.
"Are you mad at me?" malumanay nyang tanong.
Hindi ko parin sya nilingon. Hawak nya parin ang kamay ko. Bahagya akong umiling bilang tugon, pero alam kong hindi sya kuntento sa sagot kong iyon dahil ramdam kong hindi parin sya gumagalaw. Napalunok ako saka huminga ng malalim, binabalot man ng hiya at kaba ay nilingon ko sya. Ayon na naman iyong pakiramdam na parang ngayon ko lang sya nakitang ganito kagwapo, lumalakas na naman ang kalabog ng dibdib ko. Hindi parin ako makapaniwalang hinalikan ako ng lalaking 'to.
"Hindi." pinilit kong alisin ang pangangatog ko, "Matulog ka na." pilit rin akong ngumiti.
"I'm sorry." sinserong aniya, "I'm really sorry."
"It's okay, matulog ka na, doon ako sa sofa." nakangiti kong sabi saka tumayo ngunit ayon na naman ang mga kamay nya na pinipigilan ako.
"Dito ka na." pigil nya, "I won't touch you, don't worry. Dito ka na matulog, sasakit ang katawan mo kapag natulog ka sa sofa." paliwanag nya.
Hindi sya mukhang lasing. Pero gusto ko parin paniwalaan na baka sadyang normal parin talaga sya gumalaw at magsalita kapag nalalasing. Sa kabilang banda ay hindi ko maitatanggi na hinihiling kong sana ay hindi sya lasing, na sana ay totoo ang sinabi nya.
"O-Okay." tugon ko.
Pinanood ko muna syang mahiga, saka ako sumunod. Naramdaman ko pa nang lagyan nya nang unan ang pagitan namin. Alam kong nagpipigil sya. Wala sa sarili akong napangiti. Ang cute. Gusto ko tuloy sampalin ang sarili dahil habang ginagawa namin ang kababalaghan na iyon kanina ay nangarap pa ako ng mas higit, ngunit alam kong hindi maaari kaya hindi ko pinahintulotan. Ayon na ang isip ko na patuloy sa paglalakbay, nahawakan ko ang labi ko nang maalala ko kung gaano kalambot ang labi nya. Ang sarap nyang humalik, legit. Iyon ang halik na hindi mapusok, iyong malumanay ngunit alam mong nananabik. Binaliw ako ng halik nyang 'yon. Kung kagaya lang ako ng ibang babae ay baka isinuko ko na ang sarili ko kanina, ang kaso ay alam kong lasing lang talaga sya.
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomanceYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.