Chapter 33

287 11 0
                                    

Chapter 33





"Sabi sa inyo magkakaayos 'yan eh." sambit ni Dave nang makabalik kami sa pool area.

"Ganyan talaga kapag you really love each other." kinikilig pang ani Clara.

Natawa nalang ako saka inalala ang mga sinabi ni Kade kanina. Hindi ko maiwasang kiligin, pakiramdam ko tuloy ay talagang ako na ang pinkaa swerteng babae sa buong mundo, dahil nakatagpo ako ng tulad ni Kade. Iyong lalaking kaya akong mahalin nang higit pa sa sarili nya. Nakangiti kong nilingon si Kade, nang mapansin nyang nasa kanya ang tingin ko ay lumingon sya sa akin, saka ako hinalikan sa noo. Aww sweet.

"Respeto naman sa single." kunwari pang umubo si Dave.

Nagtawanan nalang kami. Hindi na inalis sa akin ni Kade ang kamay nya, maya't-maya ang paglalaro nya sa mga daliri ko. Pinakinggan naman namin ang plano nila Khent sa kasal, ang theme at kung kailan gaganapin. Lahat ay planado na pala, ang mga bride's maid, flower girls at kung ano-ano pang mga importanteng dadalo sa kasal ang kailangan. Tuloy ay hindi ko maiwasang ma-excite kapag kami na ni Kade ang nagpaplano ng ganito, kapag kaming dalawa na ang nagdedesisyon ng theme. Hindi ko maiwasang mag-imagine na nagtatalo kami sa theme, iyong tipong ipipilit nya ang kulay asul at ipipilit ko rin ang kulay pink. Pero alam ko namang sa huli ay ako parin ang masusunod, handa atang sundin ng lalaking 'to ang lahat ng gusto ko, handa syang magparaya. So lucky me pancit canton.

"Bukas hanggang sa 14 ay sarado ang Aero Club." bigla ay sabi ni Kade, "Preparation para sa valentines celebration ng Valenzuela." dagdag nya.

"Invited ba kami dyan?" tanong ni Khent, "Okay we're invited." sya na ang nagdesisyon.

"You can come." pagpayag ni Kade.

"Nica is gonna be my partner." ani Bryle, "Don't you dare choose her to work for that upcoming party, I'm going to kill you, Kade." banta nya.

Natawa nalang si Kade habang umiinom ng juice, "Honestly, isa sya sa mga napili kong waitress na mag serve sa 14."

"Hell, no." angal agad ni Bryle.

"I'm the boss." mayabang na ani Kade.

"I'm the bestfriend of the boss." ngisi ni Bryle, "Balato mo na 'to sakin, ang damot mo."

"Okay." ani Kade, "Magiging busy ako mula bukas hanggang sa 14." nilingon nya ako, "You'll come with me, hmm?" aniya.

"Ano namang gagawin ko don?" tanong ko.

"You'll take care of me." kumindat sya.

"Nandoon naman si Miss Erin, ah?" wala akong intensyon sa sinabi ko.

"Baby..." suway nya, "Sa Valenzuela tayo mags-stay, together with the Aero Team, you'll come with me." sinabi nya iyon sa paraan na naguutos.

"Okay." ngumuso nalang ako.

Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain. Kahit pa mukhang mugto ang mga mata ko dahil sa kaartehan ko kanina ay ayon at todo ngiti na ako. Lalo pa sa tuwing magkakaasaran na naman ang mga Barbarians, pakiramdam ko tuloy ay mas gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi ako sigurado kung pagkatapos nito ay hindi na ako magseselos, pero ipinapangako kong pipigilan ko na ang sarili ko sa susunod. Aalalahanin ko ang mga sinabi ni Kade sa akin, mahal nya ako at doon ako magtitiwala.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon