Chapter 35

256 14 0
                                    

Chapter 35




Hindi ko parin naalis ang kaba ko hanggang paglalakad namin ni Kade pabalik sa room namin upang magbihis dahil pupuntahan na namin iyong place kung saan gaganapin ang event. Dalawang araw lang ang meron kami para ayosin ang buong lugar. Paulit-ulit ang pagsulyap ko sa kanya, seryoso lang syang nakapamulsa habang nasa daan ang tingin.

"N-Nasaan na sila Clara?" naisipan kong magtanong.

"Malapit na sila."

"A-Ah... Okay."

"Okay."

Nilingon ko si Kade nang diretso syang pumasok sa pinto. Pumasok nalang rin ako saka lutang na naghanda ng susuotin kong damit. Nilingon ko pa si Kade na nakahiga sa couch habang nakatakip ang braso sa mata. Hindi ko maiwasang kabahan, kung nagseselos ba sya o galit dahil mukhang nakilala nya si Nathan. Hindi ko alam kung magso-sorry ba ako o maliligo nalang.

"Mauna ka nang maligo."

"I-Ikaw muna."

"Go first."

Hindi na ako umimik, hindi na ako tumanggi. Diretso kong tinahak ang daan papasok sa banyo. Saka ko mariin na nakagat ang ibabang labi ko dahil sa inis. Bakit ba kailangang magkita pa ulit kami ni Nathan? Hindi ko alam kung ano ang dapat gagawin, kung dapat ba akong umalis at huwag nang tumulong upang hindi na kami magkita ni Nathan o manatili at magtiwala sa sarili ko na kaya kong mawalan ng pakealam sa kanya.

Hanggang sa pagligo, pagto-toothbrush at sa pag garggle ng mouth wash ay okupado ang isip ko. Nahilamos ko ng tubig ang mukha ko kahit pa tapos ko nang hilamosan 'yon, hindi ko talaga maalis ang inis na nararamdaman ko. Paniguradong kaya ganito si Kade makitungo ay dahil kay Nathan.

Nang lumabas ako ng pinto ay ganoon parin ang posisyon ni Kade. Nasa kanya lang ang paningin ko hanggang sa makapagbihis. Hindi ko na maaari nya akong makita habang nagbibihis ako, mukhang tulog sya. Nang matapos ay lumapit ako sa kanya para gisingin sya. Nagmulat sya ng mata saka seryosong bumangon.

"Maligo ka na."

"Yeah, sorry nakatulog ako."

"It's okay."

Hindi na sya sumagot, diretso nyang tinungo ang banyo. Malalim ang hiningang binitawan ko habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin, halos masugatan ko na ang anit ko dahil sa diin ng pagkakasuklay ko sa buhok ko. Dinampian ko ng kaunting liptint ang labi ko, natural naman na ang mapulang kulay nang labi ko kaya hindi na kailangang kapalan pa ang liptint. Sa huli ay nagulo lang rin ang buhok ko nang mapakamot na naman ako dahil sa inis. Bwiset na bwiset kong sinuklay ulit 'yon. Paano ko ba matatanggal ang tampo ni Kade?

Nang makalabas sya sa banyo ay iniwas ko ang tingin upang hindi ko sya makitang magbihis. Pinigilan ko ang sarili. Hanggang sa nakita kong bihis na sya. Ang gwapo nya sa suot nyang white tshirt at knee ripped jeans na mapusyaw ang kulay. Isinuot nya rin ang vans nyang sapatos bago pinunasan ang buhok ng towel. Nakatayo ko syang pinanood habang kinukuha ang suklay, saka nya sinuklayan ang sariling buhok. Hindi parin kumukupas ang gandang lalaki nya, napaka matipuno, talagang nakakapaglaway. Hanggang ngayon ay hindi ko lubos maisip na akin si Kade, napaka swerte ko.

"Come on?"

Bumalik ako sa reyalidad dahil sa tanong nya. Aligaga akong tumango saka hinintay syang manguna sa paglabas. Pero binuksan nya lang ang pinto, lumingon sya sa akin, kaya sa huli ay ako parin ang naunang lumabas. Nang mai-lock nya ang pinto ay nagulat ako sa sumunod nyang ginawa, hinawakan nya ang kamay ko, pinagsiklop nya pa ang mga daliri namin saka kami naglakad papasok ng elevator.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon