Chapter 14
Kinabukasan ay nagmulat ako ng mata, tumama agad iyon sa kisame ng kwarto na kinalalagian ko. Saglit muna akong nagpagulong-gulong saka naupo at nag-inat. Maliwanag na kaya bumangon ako saka tumalon-talon, inayos ko pa muna ang tshirt at jersey shorts na ipinahiram sa akin ni Kade kagabi. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil hindi ko inakalang uuwi sya sa bahay nya para lang kuhaan ako ng damit, dito lang rin sya nakatira sa Ellis Walter Village kaya madali lang rin syang nakabalik kagabi.
Nakusot ko pa ang mga mata ko saka ako lumabas ng guestroom. Nang buksan ko ang pinto palabas ng guestroom ay narinig ko na agad ang ingay mula sa ibaba, sa laki ng bahay ay dinig na dinig ang boses ni Clara na mukhang tumatawa. Napapailing nalang akong naglakad papunta sa hagdan saka bumaba. Naabutan ko sila sa dining area na nagtatawanan, nakayakap sa bewang ni Clara si Khent. Si Dave at Bryle naman ay nasa kusina at nagluluto, nagaagawan parin sila. Habang ang lalaking hinahanap ng paningin ko ay hindi ko nakita, palihim akong ngumuso. Work day ko nga pala ngayon.
"Bessybitch!" nakangiting tawag sa akin ni Clara.
Nakangiti naman akong nagpunta sa kusina, tumango sa akin si Khent kaya tumango rin ako. Sina Dave at Bryle naman ay nakangiti rin akong tinanguan, ganoon rin ang iginanti ko. Napahikab pa ako saka nakamot ang ulo ko dahil sa kaunting antok na natitira sa sistema ko. Naamoy ko na ang bango ng niluluto nila Bryle at Dave ngunit hindi ko gustong lumiban sa trabaho ko kay Kade.
"Kailangan ko nang umalis." nilingon ko si Clara.
"Hindi ka ba muna kakain?" tanong nya, umiling ako.
"The food is almost done, Leianna." dinig kong sabi ni Dave, "Wait up."
"Eat first, Leianna, saglit nalang ang niluluto nang dalawa at matatapos narin." dinig ko ring sabi ni Khent.
Agad naman akong umiling saka tinanaw sina Dave at Bryle na kahit aligaga sa pagluluto ay maya't-maya parin akong nililingon. Si Clara ay ayon na ang nagmamakaawang tingin, napangiti ako ngunit kailangan ko na talagang pumasok.
"May trabaho pa ako." ngumiti ako, "Baka hinihintay na ako ni Master." saka ako natawa.
"Who? Kade?" tanong ni Khent, "Tinanggap mo na pala yung trabaho na sinasabi nya?" natutuwa nyang tanong.
"Oo, no choice. Ganda ng offer eh." nagkibit balikat ako.
"So how's your first day?" ganong ni Bryle, "Binugahan ka ba agad ng apoy?" saka sya natawa.
"Muntik na." ngisi ko, "Hindi pa naman ako nagtrabaho sa first day ko doon, tinuroan muna ako bago ako magsimula." kwento ko, "Pero hindi waitress ang magiging trabaho ko." dagdag ko.
"Eh ano?" ayon na ang tanong ni Clara.
Inalala ko kung naikwento ko ba ito sa kanya ngunit mukhang hindi. Nakamot ko nalang ang ulo ko saka ko sila nilingon.
"Personal Assistant." sagot ko.
"Personalㅡ what?" gulat na tanong ni Dave, "He needs a personal assistant? kailan pa?" tinanggal nya na ang pan sa electric stove, mukhang luto na ang pagkain.
"Nagbago ang isip nya, he offered me to be his P.A, pinakilala pa nga ako sa Daddy nyaㅡ"
"What the shet?" gulat rin na tanong ni Khent, "He introduced you to Tito Enrico?" tanong nya, tumango ako, "To his Dad?"
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomanceYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.