Chapter 8
Sumabay na ako sa sasakyan ni Clara para hindi kami gaanong maka-occupy sa parking space. Maya-maya pa ay narating na namin ang isang village. Sa entrance palang ng village ay makikita na ang logo at pangalan ng village na nakasulat sa napakagandang dark brown na pader gamit ang kulay silver na letters.
'Ellis Walter Village.'
Napatango ako habang binabasa ang nakasulat doon. Pangalan palang ay halatang mayayaman na ang nakatira doon. Tanaw na ang mga bahay mula sa entrance, malaki at talagang napakagara. Ang mga sasakyan na labas-masok sa village ay talagang napakagara. Ang mga tanim sa entrance ay talagang perpekto ang pagkakagupit at alaga.
Pagkatapos tanongin ang pangalan at makumpirma na isa kami sa mga bisita ni Khent ay pinayagan narin kaming makapasok sa village. Inilibot ko ang tingin sa lahat ng madadaanan namin, ang playground, basketball court, mga magagarang bahay at iba pa.
Iba ang village namin sa village na ito, ang village namin ay talagang exclusive, hindi basta-basta ang mga nakakapasok doon. Talagang secured at hindi rin basta-basta mayayaman lang ang nakatira doon, kung angkop itong deskripsyon ko ay mga taong kayang bumili ng sarili nilang mga bansa ang naroon. Ngunit ang Ellis Walter Village ay talagang kakaiba. Napakaganda at aliwalas ng paligid nito.
"Nandito na tayo." ani Clara.
Nilingon ko ang bahay kung saan sya huminto. Bumusina sya ng tatlong beses. Maya-maya pa ay binuksan na ng isang katulong ang malaking gate ng bahay. Malaki nga talaga ang bahay ni Khent, no wonder. Puti ang kulay nito na sinamahan ng caramel color, napakaganda sa paningin.
Bumaba na ako ng sasakyan. Sumalubong sa akin ang mini garden sa tapat ng bahay, magaganda ang tanim doon, halatang naaalagaan at bagong dilig palang. Ang bermuda grass doon ay pantay na pantay, nakakamangha. Nilingon ko ang katulong nang ituro nya ang daan, agad namang naglakad patungo sa pinto su Clara, sinenyasan nya akong sununod.
Hindi kaagad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko na ulit ang kaba na nawaglit ng ilang oras sa sistema ko. Parang biglang nag flashback ang lahat ng kahihiyan na nagawa ko kay Kade, inis akong napapikit. Bigla ay nagbago ang isip ko, parang gusto kong umurong pero huli na dahil nasa tapat na ako ng pinto. Ibinaba ko na lamang ang tingin ko. Pinagpagan ko ang jeans ko kahit wala namang alikabok doon, inayos ko rin ang vneck tshirt ko kahit pa ayos na ayos na iyon. Pinilit kong unaktong normal lalo pa nang buksan na ng katulong ang pinto.
"Sir? may bisita po kayo." dinig kong sambit ng maid.
Hindi pa namin tanaw ang magkakaibigan dahil naroon sila sa bahagi ng bahay na natatakpan ng malaking dingding na napaka gandang tingnan. Doon ay lumabas si Khent mula sa kung saan nakangiti nya nang inilahad ang dalawang kamay habang papasalubong kay Clara.
"Bubby! I miss you." ani Clara habang nakayakap sa nobyo.
Ako naman ay napangiwi nalang. Saka ako naglakad hanggang sa tuloyang makapasok sa loob ng bahay. Doon palang ako nagkaroon ng pagkakataong makita ang nalawak na sala ng bahay. 2nd floor ang bahay, may malaking chandelier na makikita sa kisame ng hagdan na tanaw ko rin mula sa kinatatayuan ko. White, black at gray naman ang theme sa loob ng bahay, napakaganda.
"Idiots!" sigaw ni Khent, doon lumabas sina Bryle at Dave.
"Sup Clara." bati ng mga ito kay Clara.
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomanceYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.