Chapter 31
"Mauna na kami, thanks for tonight." paalam ni Dave nanag makalabas kami sa gate.
Ako naman ay nananatiling okupado, kung hindi lang minamaya't-maya ni Kade ang pagpisil sa kamay ko para matauhan ako ay baka natisod na ako sa pagiging lutang. Hindi ko makalimutan iyong Mommy ni Jeremy, maging iyong kwento ni Jeremy tungkol sa nagiisa nilang babae na kapatid na hindi nila nakasama ng matagal dahil kinuha ng ibang pamilya.
"Thankyou, Jeremy." pasasalamat ni Clara, "Sa uulitin." nagtawanan sila.
"Sure, sana nag enjoy kayo." ani Jeremy.
"Oo naman, nag enjoy kami." sagot ni Nica, "Oh pano? una na kami."
"Sige, thanks for coming." ngumiti sya sa aming lahat.
"Happy birthday, bro." paalam nila Dave at Khent, "Thankyou."
"Master? Kailangan ko pa bang bumalik sa Bar?" tanong ni Jeremy kay Kade.
"No need, enjoy your night." ngumiti si Kade.
"Salamat." ani Jeremy.
Nang makapasok kami sa van ay tinanaw kami ni Jeremy hanggang sa makaalis. Nag enjoy ako habang nasa bahay nila, sobrang nakakatuwa ang mga kapatid nya. Lalo pa iyong mga kuya nya, pakiramdam ko ay napakagaan ng loob ko sa kanila. Ngayon ay nalilito na ako, kung sino sa dalawang Millicent na iyon ang Mommy ko, o kung isa nga ba talaga sa kanila ang Mommy ko.
Ngunit hindi pa nagtatagal ay natanaw ko na ang pamilyar na Mansyon. Agad na bumigat ang pakiramdam ko. Hanggang sa papalapit na kami doon ay hindi ko maiwasang malungkot, nanumbalik lahat ng ala-ala sa akin.
"S-Sandali." pinatigil ko sa pagmamaneho si Dave, "Ihinto mo muna."
"Bessy? Papasok ka?" tanong ni Clara na sinulyapan ang Mansyon.
Hindi ako sumagot, naramdaman ko pang pisilin muli ni Kade ang kamay kong hawak nya. Ngunit walang nakapigil sa akin, nasa tapat kami ng bahay nang bumaba ako. Nanatiling nakabukas ang pinto ng van, hindi iyon sinarado nila Clara hanggang sa makalabas ako. Ang malaking gate ng mansyon ay nasa harap ko na, napalunok ako saka pinangiliran ng luha. Nakita ko si Manong Guard na matagal nang naninilbihan sa amin. Itinutok nya pa sa akin ang flashlight.
"Maam Leianna? Nako." lumapit sya sa gate.
Pinunasan ko ang luha ko saka rin ako lumapit doon. Nakita ko pang lumabas mula sa mansyon ang isa sa mga kasambahay na syang nagalaga sa akin noon, may hawak itong garbage bag. Nang makita nya ako ay nabitawan nya iyon saka tinakbo ang malayong agwat namin, gulat syang napahawak sa gate nang makita ako. Mas lumapit pa ako nang ilusot nya sa mga rehas ang braso nya, inaaya ako ng yakap.
"Leianna, Diyos ko." lumuluha nya akong niyakap, "Babalik ka na ba? Ayos ka lang ba? Saan ka nakatira?" sunod-sunod nyang tanong.
"Ayos lang ako, Manang Elsie." ngumiti ako saka nagpunas ng luha.
"Nako, Maam. Pasensya na kayo at hindi ko kayo mapagbubuksan, kabilin-bilinan ho kase ni Madam na huwag kayong papapasukin dito." paumanhin ni Manong Guard, ngumiti ako.
"Ayos lang po, gusto ko lang talagang makita ulit 'tong mansyon." nakangiti kong sabi.
Saka ko nilingon ang loob, ang malawak na garden kung saan kami noon naglalaro ng habulan nila Daddy. Iyong hagdan sa ibaba ng main door ng mansyon kung saan ako parating naka-upo sa tuwing hinihintay kong makauwi si Daddy at Mommy. Muli kong napunasan ang mga luha ko. Bumalik lahat ng lungkot, lahat ng ala-ala, lahat ng sakit. Paulit-ulit ako sa pagpunas ng luha ko, muli akong niyakap ni Manang Elsie.
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomanceYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.