Chapter 16
Hinanap ng mga mata ko si Nica sa ilang mga babae at lalaki na inaayos na ang mga lamesa at upaon sa bar maging sa resto. Nakakapagtaka rin na umaga ang oras ng paglilinis nila, o baka hindi lang talaga sila nagkaroon ng oras para maglinis kagabi dahil wala si Kade at maagang nagsara ang Bar. Natanaw ko si Nica na nakaupo sa high chair malapit sa bar, agad ko syang nilapitan.
"Nica!" tawag ko sa kanya, excited nya akong nilingon.
"Leianna, gwapa!" ibinaba nya ang hawak na phone para salubongin ako, "Naa lagi ka diri dae? Bakit wala ka sa tabi ni Master?" nangaasar nyang tanong.
"Ang boring doon sa office." nakanguso kong sagot, "Tapos ka nang maglinis?" tanong ko saka nilingon ang lugar.
"Oo, doon ako sa resto nakatoka." tinuro nya ang resto sa 'di kalayuan.
Pareho kaming naupo sa high chair, magkaharap kaming dalawa. Tinanaw ko pa ang hallway patungo sa Office ni Kade saka ko muling tiningnan si Nica na nakangiti na sa akin. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya, hindi nya inaalis ang tingin sa akin, hindi nya rin inaalis ang ngiti sa labi nya.
"Hoy." tawag ko sa kanya, agad syang nagitla, "Nyare sayo?" natawa ako.
"Ang ganda mo talaga." napangiti sya, "Ang bait mo pa saka marunong makisama." dagdag nya.
Pabiro kong nahawi ang hibla ng mga buhok ko papunta sa likoran ng tenga ko, saka kami sabay na natawa. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung may iba pa bang kaibigan si Nica, masyado kase syang naninibago sa maraming bagay, kadalasan kase ay iyong mga mahiyain ang ganoon.
"Marami kang kaibigan?" tanong ko sa kanya.
"Meron, ang kaso ay nasa Cebu silang lahat, mag-isa lang ako dito sa Maynila." nakangiti nyang sagot.
Hindi ko maiwasang mabigla, akala ko ay dito sya nakatira. Sa gandang ito ni Nica ay halatang galing sya sa marangyang pamilya, sa kutis at itsura palang ay halatang laki sa pera. Ngunit sa uri ng pakikitungo nya sa akin ay mukhang mula sya sa isang simpleng pamilya lamang, ang swerte siguro ng pamikya nya sa kanya, napakasipag.
"Ang pamilya mo ay nasa Cebu rin?" tanong ko.
"Wala na akong pamilya, nakikitira lang ako sa tita ko, kinailangan kong magtrabaho para mabuhay ko ang sarili ko, ayaw kong umasa sa kanila palagi." tipid syang napangiti, "Kaya kahit mahirap ay nanirahan akong mag-isa dito, noong una ay nangangapa pa ako dahil sa laki ng Maynila, kalaunan ay nasanay narin ako." dagdag nya.
"Saan ka nakatira?" muli kong tanong.
"Sa apartment lang malapit dito." ngumiti sya, "Eh ikaw? nakatira ka ba sa pamilya mo?"
"We're same, wala na akong pamilya." mapait akong ngumiti, "Mag-isa nalang rin ako." nakita ko pa syang magulat.
"Ay, sorry." natakpan nya ang bibig, "Pareho pala tayo." ngumuso sya.
Bigla ay naalala ko si Clara, at iyong plano ko na ipakilala si Clara rito kay Nica.
"Gusto mong sumama sa akin mamaya?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomanceYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.