Chapter 40
Isang linggo ang lumipas at bumalik sa normal ang lahat. Nagbalik na kami ng Aero Club. Dumami ang nagkaroon ng interes sa stocks namin dahil sa nagdaang valentines party sa Valenzuela. Naging maganda ang pasok ng opportunities para sa Aero Club. Nasimulan narin ang paggawa ng sarili naming alak. Lahat ay naging mas ganado sa pagtatrabaho, tumaas kase ang sweldo, na talagang ikinasaya ng mga empleyado.
Ngunit hindi parin nawala ang pangamba ko dahil sa nalaman ko tungkol kay Erin. Lalo pa't isang linggo na syang hindi pumapasok, isang linggo ko na syang hindi nakikita, ni anino nya ay hindi namin nakita. Sa isag linggo na 'yon ay isang beses ko lang narinig si Kade na hanapin si Erin, hindi na nasundan pa. Ang pangamba ko ay hindi na yata maaalis. Paano kung magbago nga ang isip ni Kade? Hindi iyon imposible, lalo na't base sa kwento nila Nica at ng iba ko pang kilala sa Club ay sobra daw ang damdamin na ipinapakita ni Kade kay Erin noon.
"Are you ready?"
Dinig kong tanong ni Kade, narito kami ngayon sa office nya, dala ko ang isang bag na puno ng damit. Hindi ko alam kung bakit niyaya ako ni Kade na magpunta sa kung saan, ang malala doon ay kasama pa ang Barbarians maging sila Nica at Clara, siguradong magiging magulo ang bakasyon na 'to, pero sigurado rin akong magiging masaya. Pinili kong alisin ang pangamba ko sa lahat ng mga nangyari nitong nakaraan.
"Saan ba kase tayo pupunta?" ngumuso ako.
"It's a secret, baby."
"Magbabakasyon ba tayo?"
"Yes."
Napangiti ako, nakaramdam ako ng excitement. Saan naman kaya kami pupunta? Hindi ko na naiwasang mag-imagine. Kung Paris ba, Korea, Hong Kong o Barcelona. Nakangiti ako hanggang sa magsimula kaming bumyahe. Lalo pa't maya't-maya narin ang pagtawag nila Clara na ngayon ay bumabyahe narin. Hawak ni Kade ang kamay ko habang seryoso syang nagmamaneho, hindi ko naiwasang mapangiti sa bawat oras. Hanggang makarating kami sa airport, halos sumabog kami sa excitement.
"Yow mananaps!" dinig kong ani Nica nang makarating kami sa airports, "Excited na ako!"
"Ako rin, omg." excited ring sambit ni Clara.
"Saan ba talaga kase tayo pupunta?" nakanguso kong tanong.
"Basta!" ikinalso ni Clara ang braso sa akin, "Paniguradong maiiyak ka sa tuwa!"
"Maiiyak sa tuwa?" ngumiwi ako, "Saan ba kase 'yan?"
Hindi sya sumagot, pigil ang ngiti lang syang bumalik kay Khent. Naramdaman ko narin ang paghawak ni Kade sa bewang ko, nakangiti ko syang nilingon saka kami naglakad papasok sa terminal. Kagaya ng inaasahan ay nanguna si Dave, ayaw nyang maisampal sa kanya ang katotohanang wala syang jowa.
Hanggang sa makasakay kami sa eroplano ay nagtataka ako. Hindi ko alam kung saan ba talaga kami patungo. Hindi ko kase nakita iyong nakalagay sa ticket kanina dahil lumutang na naman ang isip ko. Magkatabi kami ni Kade, sa gilid ni Kade ay si Dave. Sa harapam naman namin ay naroon sila Clara at Khent, sa likod namin ay sina Bryle at Nica."Saan ba kase tayo pupunta?" muli kong tanong.
"Isa pang tanong mo bessybitch ilalaglag kita palabas nitong eroplano." banta ni Clara, "Surprise nga eh."
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomanceYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.