Chapter 11

282 21 0
                                    

Chapter 11




"Let's play truth or dare." sambit ni Khent na inilalapag na ang bote sa gitna namin.

"Yes Truth or Dare!" sigaw ni Clara.

Agad na nagsi-ayos sa pagkakaupo ang tatlong Barbarians kasama si Clara, ang Barbarian King naman ay patuloy na tumutungga ng alak. Samantalang ako ay tunayo nalang mula sa lounge chair saka naglakad upang lumipat sana sa kabilang umbrella na hindi rin naman nalalayo sa kanila ngunit sivuradong hindi rin sapat ang layo non para maisali nila ako sa lalaruin nila.

"Hoy Leianna, wag kang kill joy!" tawag sa akin ni Clara.

"Kayo nalang muna." tumango ako saka tumitig sa langit na ngayon ay madilim na.

Naka-on narin ang mga ilaw sa buong swimming pool area. Ang ilaw pa sa bawat gilid ng pool ay nagi-iba-iba ng kulay. Hindi ko naiwasang mamangha. Nakangiti kong inabangan ang mga kulay na lalabas mula roon, inabangan ko ang favorite color ko, ang purple. Mukha akong tangang binibilang kung ilang beses kong nakita ang kulay purple na kulay ng ilaw. Apat... Makalipas ang ilang segundo. Lima... Hanggang sa magitla ako nang may bumato sa akin, doon ko nakita ang canned beer na walang laman sa sahig. Saka ko nilingon si Clara na sya palang bumato.

"Hali ka rito!" sigaw nya.

"Ang kulit mo, sinabing ayaw ko." angal ko.

"Kade!" sigaw nya.

Agad ko syang nilingon ay nakay Kade nga ang paningin nya. Kunot-noong nagbaling ng tingin si Kade kay Clara. Ako naman ay kunot-noo ring nakatingin sa kanila.

"Kapag si Leianna hindi sumali sa game, tanggalan mo sya ng trabaho!" matapang na ani Clara.

Wala na akong nagawa kundi inis na tumayo mula sa kinauupoan saka lumapit sa kanila. Naroon na ang ngiting tagumpay ni Clara, umirap lang ako. Naupo ako sa lounge chair na kaninang kinalagakan ko saka pinanood silang maharap-harap. Pasimple kong sinulyapan si Kade na bagaman hindi gaanong nakaharap sa bote na nasa gitna namin ay alam kong doon sya nakatingin. Akalain mong hindi sya KJ?

"Ang matapatan sa unang ikot, sya ang magtatanong, ang matapatan naman sa ikalawang ikot, sya ang tatanongin o ide-dare, clear?" mechanics ni Clara.

Lahat ay sumangayon, ako naman ay tumango lang. Saka na nagsimulang ikotin ni Dave ang bote. Ang lahat ay kabado sa kung sinong matatapatan nito, ako naman ay chill lang, walang pakealam kung ako man ang matapatan. Kung tinablan na ako ng alak ay hindi ko alam, ang alam ko lang ay inaantok ako ngunit hindi makatulog kaya nananatiling gising.

"Okay si Dave ang magtatanong at si Kade ang tatanongin." ani Clara.

Agad namang bumwelo si Dave saka kunwari pang nagstretching. Napangisi lang si Kade saka muling tumungga ng beer. Ako naman ay seryoso parin silang pinapanood hanggang sa seryosong iniharap ni Dave ang sarili kay Dave.

"Truth or Dare?"

"Truth."

"Sex or Friends?"

"Both."

Sa sagot na iyon ni Kade ay binato sya ng mga lata ng beer ng mga kaibigan nya. Natawa kami ni Clara sa reakayon ng tatlo, para bang hindi talaga nila matanggap ang isinagot ng kaibigan. Napailing nalang ako saka itinigil ang pagtawa, baka masuka pa ako, mahirap na.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon