Chapter 37
"Bakit ka nya niyakap?" ramdam ko ang galit sa tanong ni Kade.
Nasa loob na kami ng room namin. Nakaupo ako sa kama habang nasa malayo ang tingin. Hindi ko magawang matakot sa tono ng pananalita nya bagaman alam kong hindi nya kayang magalit sa akin. Bumuntong hininga ako, nakita ko syang maupo sa harapan ko, nagsalubong ang tingi naming dalawa. Hindi ko agad nagawang alisin ang tingin sa kanya, kalaunan ay nagtagumpay rin akong umiwas sa tingin nya.
"Baby?" halos ibulong nya 'yon, "Bakit kayo magkasama ni Nathan kanina?"
"Nakipag-usap sya sakin." walang emosyon kong sagot saka ko sya tiningnan, "Gusto nyang ipaliwanag kung bakit sya umalis, pero hindi ko pinakinggan dahil hindi naman na kailangan." muli akong nag-iwas ng tingin.
"Wala ba syang ibang ginawa sayo?"
"Wala."
"He still love you?"
"Hindi ko alam."
"He still love you." siguradong sabi nya, "You still love him?"
Agad ko syang nilingon dahil sa tanong na 'yon, "Alam mo ang sagot dyan."
"You still love him?" muli nyang tanong.
"Mahal kita." seryoso kong sagot.
Nakita ko syang bumuntong hininga ulit saka hinawakan ang mga kamay ko. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilang pangiliran ng luha, batid kong ipinagtaka nya iyon dahil natigilan sya nang makita ang mga luha sa pisngi ko.
"Bakit kayo magkasama ni Erin kanina?" tanong ko.
Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa mga mata ko. Muling nanikip ang lalamunan ko, napalunok ako saka ko pinunasan ang mga luha ko. Hindi sya sumagot, tinitigan nya lang ako. Napatunayan kong tama ngang magkasama sila kanina, dahil kung hindi ay agad syang tatanggi.
"Nasiraan sya ng sasakyan, kaya isinabay ko sya pauwi nang madaanan ko sya sa people's park." diretsong paliwanag nya, "Tinulongan ko lang sya, nothing else."
Hindi ko parin inalis ang tingin ko sa kanya. Muli akong bumuntong hininga saka ko muling pinunasan ang mga luhang pumatak sa mga mata ko. Nabunotan ako ng tinik sa sinabi nya, gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko.
"I love you so much, Leianna." seryoso nyang sabi dahilan para muli ko syang tingnan, "And I don't know what my life means without you." nakita kong magtubig ang mga mata nya, "I know, saglit palang tayong nagkakilala, I know saglit palang tayong nagkasama, but in that short period of time I know... Na ikaw ang gusto kong makasama." huminga sua ng malalim.
Pinangiliran ako ng luha nang makita ko syang iluhod amg kaliwang tuhod habang nasa akin ang paningin. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang dapat kong maramdaman, may ideya ako sa gagawin nya, ngunit hindi ko maamin, hindi ko masabi. Naguumapaw na ang tuwa sa damdamin ko, bagaman pagluhod palang ang ginawa nya.
"Baby..." tumulo ang mga luha nya, "I love you..." suminghap sya, "I need you..." hinawakan nya ang kamay ko, "And I want you for the rest of my life..."
Mas lalo pang nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo. Ayon na ang tuwa, saya, pagdiriwang, contentment at kung ano-ano pag pakiramdam na naghahalo-halo sa sistema ko. Para akong sasabog sa saya, sa pagmamahal at sa kilig, hindi ko alam kung paano magsasalita, o kung dapat ba akong magsalita.
BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomanceYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.