Chapter 51
Nakita ko silang magsi-sandal dahil sa isinagot ko. Hindi ko rin alam kung saan ako naka-kuha ng lakas ng loob para sabihin iyon. Ngunit sa kabilang banda ay kakikitaan ko ng katotohanan ang sinabi ko, si Erin ang papakasalan n'ya at hindi ako.
"Woa." dinig kong daing ni Ate Jheanne, "Excited na akong makita kang ikasal." natutuwa n'yang dagdag.
"Mas excuted ako, ako 'yong ikakasal eh." ngumiti ako sa kanila.
"Kailan ka ba ikakasal?"
Nag-angat ako ng tingin kay Kade nang magtanong s'ya, diretsong-diretso sa akin ang tingin n'ya. Kung kailan mo gusto... Iyon ang sagot na gusto kong isatinig ngunit pinigilan ko ang sarili. Sinikap kong umayos saka ko nilingon si Nathan, nagugulat pa itong napalingon sa akin.
"Kailan mo balak magpakasal?" tanong ko kay Nathan.
Nakita ko s'yang matigilan, kalaunan ay ngumiti rin. Ibinaba n'ya ang hawak na beer saka ako nilingon, kunwari pa s'yang nagisip, itinawa ko nalang ang pagka-inip.
"Sa date ng anniversary natin, dati palang iyon na ang plano ko." sagot n'ya.
"Nangako ka rin sa akin noon na papakasalan mo ako, 'diba?" paglilinaw ko.
"Yes." tumango s'ya.
"Tuparin mo." ngumiti ako saka muling tumungga ng beer.
Hindi ko na nilingon si Kade, ayaw kong makita ang kung ano mang reaksyon n'ya dahil sa usapan namin ni Nathan. Kung ito talaga ang dapat mangyari ay tatanggapin ko. Nauna n'yang pangakuan ng kasal si Erin, wala akong laban sa nauna. Sa pangakong kasal na binitawan sa akin nila Nathan at Kade ay mukhang ang kay Nathan ang hihintayin kong matupad. Ang kay Kade ay wala nang pag-asang magkatotoo.
"Kasalan na 'yan!" natutuwang sigaw ni Clara habang nangaaya ng cheers.
Iniangat namin ang mga baso, nakita kong hindi iangat ni Kade ang kan'ya. Sina Khent, Bryle at Dave naman ay kakikitaan ng pagaalinlangan, paulit-ulit sila sa pagsulyap kay Kade. Muli akong tumungga ng alak, wala na sa isip ko kung malalasing man ako. Ang gusto ko ngayon ay makalimutan ang lahat.
"Grabe ang ganda-ganda talaga ng kapatid namin, napaka soft pa ng heart."
Nag-angat ako ng tingin kay Ate Chloe nang sabihin n'ya iyon, mukhang lasing na sila. Nasa akin na ang tingin nila na para talagang nahuhumaling sa akin. Napasinghal ako sa pagpipigil ng tawa.
"Ewan ko ba, sa kabila ng ganda at ugali n'ya, nagagawa parin s'yang ipagpalit." sambit rin ni Ate Zai.
"Awwww." daing nila Anasthasia.
"Ate..." suway ko.
"Kung ako ang magkakaroon ng ganito kagandang babae? Hindi ko na papakawalan pa." saad rin ni Ate Jheanne.
"Itigil n'yo nga 'yan." angal ko.
"Bakit? She's beautiful right?" tanong ni Ate Chloe kay Bryle.
"Ofcourse."
"She's beautiful, right? Khent?"

BINABASA MO ANG
LOVE OF MY DREAMS
RomanceYou're my dream come true, The man that I never expect to love me too, Loving you is the most special thing to do. You're the light after my darkest day, I love you.