Chapter 20

321 20 0
                                    

Chapter 20

"So, ano? Isama natin sila?" excited na tanong sa akin ni Nica.

Imbis na sumagot sa tanong nya ay nilingon ko si Jeremy. Talagang sincere syang imbitahin ang mga kugtong na iyon. Nakamot ko ang sentido saka pilit na ngumiti.

"Depende." kibit balikat na sagot ko, "Baka busy sila."

"Sabagay..." ani Nica saka napanguso, "Master?" bigla ay yumuko sya, nasa likod ko ang tingin nya.

Narito na ang Barbarian King. Marahan kong nilingon ang likuran ko. Agad na nagtama ang paningin namin ni Kade, hindi naman sya galit pero seryoso talaga sya  kung makatingin. Agad naman akong ngumiti saka agad na bumaba ng high chair.

"Jeremy." tawag nya kay Jeremy, "Ikaw na ang bahala sa mga bagong dating na alak." aniya saka umalis.

Agad ko namang nalingon sila Nica at Jeremy, saka ko isinenyas ang office, tumango sila. Naglakad na ako pabalik sa office ni Kade nang malalim ang iniisip. Eto na naman ang pagiging lutang ko. Para lang akong nananaginip sa tuwing iniisip ko ang lahat ng nangyayari sa paligid ko. Hindi kase ako makapaniwala na mapapadpad ako sa bar na ito, hindi rin ako makapaniwala na naging boss ko si Kade na ang itsura ay sa panaginip lamang talaga nakikita. Man of my dreams... Napangiti ako sa naisip. The man who can't be mine. Agad rin akong nakaramdam ng lungkot.

"I gotta go." iyon agad ang salubong sa akin ni Kade nang makapasok ako sa office nya, "You go home pagkatapos mong maglinis, I'll pick you up at 6:30." aniya saka nagmamadaling umalis.

Hindi nalang ako nagsayang ng oras. Nilinis ko na agad ang buong office. In-arrange ko ang table nya maging ang cabinet sa sulok. Minadali kong ayosin lahat hanggang sa makarating ako sa closet at doon maglinis. Ang maliliit na box sa itaas na glass cabinet ay inayos ko bagaman hindi ko maaninag kung anong mga box iyon, hanggang sa makita kong malaglag ang isa sa mga iyon. Agad ko iyong pinulot dahil sa kaba na baka masira ang kung ano mang nalaglag mula doon. Nang tingnan ko iyon ay nabitawan ko iyon sa gulat ngunit muli lang rin pinulot nang bumalik sa katinuan. Durex? Namimilog parin ang bibig ko habang gulat na nakatingin doon. Bakit sya may ganito? Napalunok ako sa naisip saka iyon ibinalik sa dati nitong pwesto. Lumakas ang kalabog ng dibdib ko ngunit pinilit kong kumalma. Ibig sabihin ay Durex ang lahat ng box na 'yon? ang dami naman?

"Kanino nya gagamitin ang lahat ng 'yon?" nakagat ko ang hintuturo dahil sa pag-iisip, "Lead me lord." hindi ko maikalma ang sarili.

Aligaga kong inayos ang ilan pa sa mga gamit doon saka ko kinuha ang dress na susuotin ko mamaya. Lumabas ako sa closet saka kinuha ang bag ko, muli kong inayos ang mga papel na nandoon. Pakiramdam ko ay wala akong naayos na gamit dahil sa nanginginig kong mga kamay, pinilit kong iayos ang sarili nang makalabas ako. Saglit akong nagtungo kay Nica.

"Nics." lumapit ako sa kanya, "I need to go, kailangan ko pang mag-ayos." ngumiti ako.

"Oo nga pala may party kayong pupuntahan ni Master." kinikilig sya ng sabihin iyon, "Enjoy kayo ah? halatang kinakabahan ka na." nanunuksong aniya.

Kinabahan ako dahil sa nakita ko beh. Ngumiti nalang ako kay Nica saka ako nagpaalam. Pupuntahan ko rin sana si Jeremy ngunit wala sya sa pwesto nya. Lumabas nalang ako ng bar saka ako dumiretso sa sasakyan ko, mabuti nalang at nabawasan na ng kaunti ang kaba ko. Kung tutuosin ay hindi naman talaga ako dapat magulat sa nakita ko, lalaki sya at normal lang sa kanya ang magkaroon non bilang proteksyon. Huminga ako ng malalim. 'Wag kang OA Leianna, bigwasan kita eh.

LOVE OF MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon